Episode 6

1304 Words
Alas Kuwatro ng hapon. Nakapaghapunan na ang tropa, maaga silang kumain sa utos ng pinuno. Plastado na ang lahat at nasa kanya kanya ng duyan. Ang tinyente’y kasalukuyang sinisipat sa binocular ang Barangay sa baba, hanggang sa may kakaibang mapansin ang pinuno. “Alas kuwatro pa lang tahimik na ah, saan na iyong mga naglalaro ng basketball kanina?” Kapansin pansin din ang mga tindahang maaga pa’y nagsisipagsaraduhan na. Kinutuban ang tinyente, at agad tinawag at pinulong ang tropa. “Okay makinig. Kinagat nila ang patibong, mukhang ano mang oras ay bibisitahin tayo. Platoon Sergeant, walang bababa, maliwanag ba?” ang pinuno. “First Squad, pagkagat ng dilim lilipat kayo sa bandang unahan, L TYPE with reference sa position namin”. “May 3“musang”at 2“tatlong sibat” dito sa tropa tama ba? “Yes Sir”. “Ikaw?” “Ranger Sir”. “Ok snappy, latagan ang buong paligid, EWD at tripwire. Imaximize mo ang dala nating granada”. “Ang 60 GPMG, sa gitna. Irecover mo na kaagad iyong mga link baka makalimutan pang i consolidate ng gunner”. “I disseminate nang mabuti ang password sa tropa, kung kinakailangan, praktisin, para saulado. Kung dudumi, huwag nang lumayo, kaya nga may mga pala tayong issue”. “Kung magtetext, sa loob ng malong o poncho, ang maninigarilyo, ipasok sa hand grip ng M16, dahil maliban sa Friendly Fire, ayaw kong Sniper Fire ang unang casualty ko”. “Target Reference Points Sir”, manghihingi ang batalyon, muli’y ang PSG. Muling sinipat ng batang tinyente ang paligid. “Bigay mo tong location natin, wala naman ng ibang high ground dito. Ma over run man tayo, pero kasama sila damay damay na”. "Saka Sergeant, gusto kong may aiming sticks, para sa Sector of Fire, musang ka, alam mo na iyon”. “Ok Sir Copy”. Dito’y nagsimula niyang makuha ang bilib at respeto ng tropa. Kung ibang opisyal, malamang sa hindi, sa mismong Barangay ito pupuwesto, sa bahayan. Lalo na iyong mga opisyal na walang pakialam sa SOP’s, at Operational Security, hindi na iniisip ang kaligtasan ng tropa, bahala ng delikado, basta komportable. Pero hindi si Edwin. Hindi ganun ang tinyente. Pagkagat ng dilim at gaya ng napag usapan ay dahan dahan ngang lumipat ng posisyon ang unang hanay. Pagod man at inaantok sa nagdaang araw ay alerto ang tropa. Walang nagtanggal ng uniporme, walang naghubad ng combat boots. Alas siyete pa lang ng gabi subalit napakatahimik na ng paligid, pati ang Barangay sa ibaba ay mistulang maagang nagpahinga. Walang ibang ingay na maririnig kundi ang pagaspas ng mga kogon at iba pang damo, at ang langitngit ng karatig na punong kawayan dahil sa katamtamang bayo ng hangin sa gabing iyon. “Alamid Echo 1, SITREP.” “Normal Situation Sir, LP established walang indication Sir”. “Copy, dito yan sila dadaan malamang sa gilid ko Alamid, makinig ka lang sa comm……” “BBBOOOOOOMMMMMM”. Napakalabas na sabog ng granada, at agad dumapa ang tinyente. Ang mga nilatag na Early Warning Device sa kanilang bandang gilid ay nagsikalansingan na din. “Hold your fire. Walang klarong target.” “RAAAAAADDIIIIO!!!! Request ILLUMINATION ROUNDS”. “60 STAND BY”. Sunod sunod na order ni Edwin, Nahihintakutan man ang tinyente dahil ito ang una niyang karanasan sa labanan, ay pinanatili niyang kalamado ang sarili. Napaghandaan niya ang lahat, kalkulado niya ang lahat. Samantalang kung ibang opisyal, sa unang engkwentro, ay halos hindi alam ang gagawin, at halos hindi makapag command. Tama ang naging basa niya sa sitwasyon, nasa bandang kaliwa ang sumabog na booby trap. “Bbbaag bbbaag bbbagg”. “Bbbaaag bbbaggg bbbagggg bbbbaggg”, ta taaaatatttt, ta taaatttttt, ta tattatttttt, tatatatatatttt”, ang magkakasunod na putok ng M14 at M16 mula sa kalabang pilit dumidikit sa kanilang posisyon. “PUUUTTTANGINNNNA RRRRRRADIO, RADIIOOOOOOO!!!”, sigaw na ni Edwin. Sa pag aakalang tinamaan ang radioman, ang tinyente na ang tumakbo at lumapit dito. Ang radioman ay mistulang natulala pala sa bilis ng mga pangyayari kaya hindi nasunod ang unang utos ng tinyente. Agad na inagaw ni Edwin ang handset. “CASPER this is ECHO 1 inaatake kami request ILLUMINATION at my location, LEFT 100 over.” Dinig sa kabilang linya, ang Tactical Command Post ang mga putok kaya’t agad nitong nirelay sa naka stand by na ARTILLERY ang request ng tinyente. Saglit lamang ay dumating ang pailaw. “WWWWWSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”, tila ba humihiwa sa hangin na tunog ng bala ng kanyon, at maya’t maya’y nagliwanag na ang buong paligid. Parang umagang liwanag kung saan unti unting nakita ni Edwin ang saktong dami at saktong posisyon ng kalaban. Kung hindi siya nagkakamali lagpas bente ang armadong gumagapang palapit na sa kanilang posisyon. Ito ang hinihintay niyang hudyat. “PUTANG INA NIYO MGA ANIMAL NA SALOT !!!” “KAMI NAMMMMAAANNNN…” “OPEN FIREEEEEEE”, buong lakas na sigaw ng pinuno. “Bbag bbag bbag bbag bbag bbbag bbbag, bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbagg bbbaag bagggg bbbaggg, bag bbag bbag bbag bbag bbbag bbbag, bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbagg bbbaag baaggggg, ang tuloy tuloy at walang stoppage na salvo ng 60 General Purpose Machine Gun ng tropa. “Bra ta ta tat tatttt bratattataaattt. Tata tattttt, tatttattttatt”. “Puuugg, wagaammm, puuuggg, wagaaammmm”, ang kabilaang putok ng M16 at sabog ng M203 Grenade Launcher ng mga ito. “Bang… bang… bang”, paisa isa namang putok ni Edwin kung saan paisa isa ring natutumba ang mga rebeldeng kanyang inaasinta. Nagitla ang mga rebelde sa hindi inaasahang kakayahan at preparasyon ng mga sundalo at nagsimulang umatras ang mga ito. “May 60 sila may 60 sila. Atras. Atrasssssssss”. “Atras na mga kasama napakadami nila, napakadami nila mauubos tayo”. “Akala ko ba walo lamang sila at walang 60 machinegun ? Atras, atras, atras, takang tanong at patuloy na sigaw ng mga armado”. Napaghandaan sila ng tropa, at mali ang impormasyon nilang wawalo lamang ang mga ito. Dinig ni Edwin ang mga hiyaw na iyon, at napangisi lamang ang tinyente. Tagumpay ang plano ng pinuno. “Cease Fire. Cease Fire”, ang panghuling command ni Edwin. “Radio isa pang illumination round, Drop 50”. Muling nagliwanag ang paligid kung saan kita ng mga sundalo ang mga rebeldeng papatskas at papalayo bitbit ang mga kasamahang sugatan. “Platoon Sergeant ACE Report” “Negative Casualty Sir.” ito ang gustong madinig ng tinyente, sapagkat para sa kaniya, walang saysay ang isang magaling na plano at hindi matagumpay ang isang operasyon kung may malalagas na kahit isa sa kanilang hanay. “Sir”, pukaw ng isang tropa sa kanyang atensiyon. “May wounded dito Sir”. Nakaakbay dito ang isang kadreng duguan, may tama sa kaliwang binti at tiyan. Muestra ang naging tugon ng tinyente, at ibinagsak ng tropa sa lupa ang sugatang NPA. “Tulong Sir, ayaw kong mamatay”, simulang makaawa nito. Hungkag na tingin ang naging tugon ni Edwin. Matagal nitong tiningnan nang matalim ang komunista. “Pantay pantay na distribusyon ng yaman ng pamahalaan, walang mahirap, walang mayaman, yan ang itinanim sa utak ninyo hindi ba?” “Ang mga mayayaman ay patuloy na yayaman, at ang mga hikahos ay patuloy na malulugmok sa kahirapan”, ang tinyente. "Magbabalik loob na ako Sir, tulungaaan niy..” “Baaanng”. Hindi na natapos pa ng rebelde ang pagsusumamo. Isang bala sa ulo, mula sa baril ng tinyente ang agad tumapos sa buhay nito. “Walang puwag sa lipunan ang mga salot na tulad niyo”, tiim ang bagang na bulalas ng pinuno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD