bc

Last Contract Being A Secretary

book_age18+
70
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
independent
sweet
bxg
city
office/work place
lies
assistant
like
intro-logo
Blurb

Nag-resign si Lovely sa Will corp bilang secretary ni William Francisco Garcia dahil sa mga usap-usapan sa loob ng opisina tungkol sa kanilang dalawa. Walang namamagitan sa kanila at hindi gusto ni Lovely na pinag-uusapan siya ng wala namang katotohanan.

Dahil sa huling contract ni Lovely bilang secretary ni William Garcia ay makakasama niya uli ito ng isang taon. Hindi siya tinantanan ng boss niya hangga't hindi siya pumapayag na magtrabaho uli sa Will corp. Sa huli ay pumayag siya dahil para sa kaniya ay huli na 'to para hindi na siya kulitin pa ng boss niya para bumalik sa Will Corp.

Ngunit tamang kontrata kaya ang napirmahan ni Lovely?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
*Lovely Ginez POV* "Kakasampay ko lang, bumuhos na agad ang ulan?! Grabe naman! " Naiinis na reklamo ko habang kinukuha ang mga damit na kakasampay ko lang. Mataas pa naman ang araw at maaliwalas ang kalangitan kanina. Nang magsampay na 'ko ay saka naman kumulimlim at agad na bumuhos ng ulan. "Hays! Pati ako, basa na rin!" Inis kong bulalas habang nagmamadali sa pagkuha ng mga sinampay. Basa na ang damit ko nang makapasok ako sa bahay. Sinampay ko muna ang mga damit sa lumang garahe ni Papa. May alambreng nakalagay at kapag ganito ang panahon, dito ako nagsasampay. Nagpunas ako ng noo gamit ang likod ng palad ko dahil sa namuong pawis kahit na maulan. Napagod ako dahil sa pagmamadali kahit iilan lang naman ang nilabhan ko. Mga uniform ko lang at ilang pambahay na damit tapos hindi pa matutuyo agad. Sumimangot ako nang pagmasdan ang maitim na kalangitan. "Mag-a-apply pa naman ako ng trabaho ngayon, tapos ganito pa," maktol ko. Kaka-resign ko lang sa trabaho ko dahil sa boss kong malalim ang pagkagusto sa akin. Hindi ko gustong pinag-uusapan kami sa trabaho. Mahal ko ang trabaho ko at ayokong masira ang reputasyon ko sa trabaho dahil may gusto sa akin ang boss ko. Ang masama pa ro'n ay ako ang lumalabas na nang-aakit sa kaniya. "Lintek na mga tsismosang 'yon!" Bulalas ng isip ko nang maalala ang mga ganap sa opisina. Sila ang sinisisi ko kung bakit natulak akong mag-resign. Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Kaya kahit gaano na 'ko katagal sa trabaho ko, mag-resign ang naisipan kong solusyon para lang makaiwas na. Hindi naman dapat ako umiwas dahil hindi naman totoo. Kaya lang, hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Gusto kong dedmahin pero ako kasi 'yong tipo ng tao na hindi magaling magpanggap. Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero nagpas'ya pa rin akong maligo na. Hindi ulan ang pipigil sa'kin sa paghahanap ko ng trabaho. Mag-isa man ako sa buhay, at walang binubuhay na pamilya... kailangan ko pa ring kumayod para sa sarili ko. Matapos maligo ay nag-ayos na 'ko para maging presentable sa a-apply-an ko mamaya. Suot ang bistidang puti na fit sa kurba ng katawan ko, at pinaibabawan ko lang ng itim na coat ay napangiti na agad ako sa nakita ko sa harap ng salamin ko. "Medyo malamig naman dahil maulan kaya maglulugay na lang ako ng buhok," bulalas ko sa harap ng salamin. Pagkatapos ay sinuot ko ang three inches heels kong sandals at sinuot ang maliit na relong pambisig. Konting apply lang ng make-up sa mukha para magkakulay naman ako kahit papaano. Light lang na lipstick ang in-apply ko sa maliit at pouty lips ko. "Spray, spray, spray," bulong ko pa habang nag-i-spray ng pabango sa leeg at sa wrisk ko. Sinuot ko ang isang pares ng silver na rose-shaped na hikaw para kumpletuhin ang ayos ko at handa na 'ko para maghanap ng trabaho. Dala ko naman ang mga kailangan kung sakaling sasalang agad ako sa interview. Sana, gano'n kadali mamaya. Ni-lock kong maigi ang kandado sa pintuan at sa dorknob bago umalis ng bahay. Mag-isa na lang akong nakatira rito dahil maaga akong naulila. Pinalaki lang ako ng tita ko na ngayon ay nasa ibang bansa na at may sarili ng pamilya. Nang makatapos ako sa pag-aaral ay hindi na 'ko umasa sa kaniya. Pero hindi rin naman naputol ang komunikasyon namin. Busy na kami sa kaniya-kaniyang buhay kaya madalang na lang makapag-usap. Si Tita Jenny ang tumayong magulang ko buhat nang mamatay ang mga magulang ko. Bukod sa kaniya ay wala na 'kong kilala pang kamag-anak namin. Habang naglalakad sa kalsada ay agad kong nakita ang tricycle ni Ronnie na nakaparada. Napangiti agad ako dahil alam kong ako ang hinihintay niya. Kahapon lang ako nag-resign sa trabaho at hindi pwedeng nakatunganga lang ako at mag-enjoy sa mga araw na wala akong pasok. Sa madaling salita, hindi ako pwedeng mag-relax. "Miss Lovely!" Tawag niya sa akin nang makita ako. Agad pa niya 'kong nilapitan kahit papunta na 'ko sa kaniya. "Diyan ka na lang, mababasa ka," awat ko sa kaniya pero hindi pa rin siya nakinig. Basa ang ibabaw na bahagi ng katawan niya nang naki-silong sa payong ko. "Sabi kong huwag na e. Ang kulit mo talaga," mahinang sermon ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa'kin at siya na ang naghawak ng payong ko. "Ako na rin ang magdadala niyan, Miss Lovely," aniya at kinuha sa akin ang envelope ko. Palagi siyang ganito sa akin. Sa lahat ng nagiging pasahero niya ay ako lang din ang inaasikaso niya ng ganito. Maliban na lang kung may edad na ay talagang tinutulungan ni Ronnie. Mabait siya at masipag. Hindi ko rin maitatangging may itsura siya at maganda ang hubog ng katawan. "Salamat," wika ko nang makasakay na sa loob ng tricycle. Gamit ang towel niyang puti ay pinangtuyo niya 'yon sa basang balat niya. Agad naman niyang pinaandar ang makina ng motorsiklo nang makasiguro siyang okay na ang lagay ko at hindi ako mababasa ng ulan. "Nag-resign na 'ko sa trabaho ko," wika ko. Agad niya 'kong nilingon at may pag-aalala sa mukha. Nginitian ko siya para sabihing okay lang at hindi naman ako masiyadong apektado. Naniniwala naman ako sa kakayahan ko at meron pang tatanggap sa akin. Twenty-six years old pa lang ako at hindi pa ganoong katanda para hindi tanggapin sa trabaho. Computer science ang natapos kong kurso pero ang naging trabaho ay secretary ng isang CEO sa kumpanyang walang kinalaman sa kursong natapos ko. Ang kumpanya para sa mga modelo. Nagustuhan ko ang naging trabaho ko roon pero ang trato ng boss ko sa akin ang nagbigay sa akin ng dahilan para iwan ko ang trabaho ko. Si Sir William Francisco Garcia, isang successful na may ari ng Will Entertainment Corporation. Ang pangalan niya ang pinanggalingan ng pangalan ng gusali niya. . .kung saan ako nagtrabaho. Siya rin ang unang lalaki na nakita kong wala kang maipipintas sa mukha niya. Masiyadong gwapo at para sa'kin, mahirap siyang magustuhan dahil ang mga gano'ng mukha... mahirap pagkatiwalaan. Gano'n kasi ang tipo ng habulin ng mga babae. Maraming beses ko na 'yong nasaksihan. Hindi ko na nga mabilang kung ilan. Hindi niya sinabing gusto niya 'ko pero ramdam ko sa mga pinapakita niya sa'kin. At kung tawagin niya 'kong Love sa pangalan ko ay para bang tawagan naming magkasintahan. May lambing at iba ang hatid sa dibdib ko dahil sa ginagamit niyang boses. Isa 'yon sa kinaiinisan ko. Akala niya siguro, madadaan niya 'ko sa mga pagano'n niya tulad ng mga ibang babae. "Bakit?" Takang tanong ni Ronnie. Alam niyang matagal na 'kong nagtatrabaho doon. Apat na taon ba naman. Fresh graduate pa lang ako ay doon na 'ko unang nag-apply. For experience lang sana at susubok pa rin ako sa ibang company na related sa kurso ko. Pero dahil napamahal ako sa trabahong 'yon ay nagtagal ako ng apat na taon. Hindi ko nga akalain noon na sa unang apply ay tatanggapin ako bilang secretary ng may-ari ng Will Corp. Pinatay niya ang makina at ang buong atensyon ay nasa akin. "Nagsawa na 'ko," pagsisinungaling ko at sinabayan ng tawa sa huli. "Gusto ko naman maka-experience ng ibang trabaho na aayon sa kursong natapos ko," dugtong ko. Napatango naman siya. "E... saan ka ngayon, Miss Lovely?" Tanong niya. "Sa kabilang building. Sa tapat din ng Will corp. May nakita kasi ako doong hiring," sagot ko sa kaniya. "Call center daw doon, Miss Lovely," aniya. Napatango ako. "Susubukan ko rin doon. Baka sakali," nakangiting sabi ko. Hindi na rin naman siya nagtanong at bumiyahe na kami. Napatingin pa 'ko sa company na pinag-resign-nan ko kahapon. Hindi ako sanay na bumaba sa harap ng ibang building. Sa Will corp kasi ako palaging nagpapahatid kay Ronnie. Huminga ako ng malalim at binuksan ang payong. Umaambon pa rin at sana, umaliwalas na uli ang panahon maya-maya. Ganitong oras, naghahanda na 'ko sa opisina ng boss ko. Mga ilang minuto lang at papasok na siya. Muli akong humugot ng hangin sa dibdib at dahan-dahang nilabas sa ilong ko. "This is the fresh start," bulong ko sa sarili. Inabot ko ang bayad kay Ronnie bago bumaba. "Anong oras ko po kayo susunduin mamaya?" Tanong niya. "Lunch time siguro. I-text na lang kita kung saan," wika ko at bumaba na nang tuluyan. Napatingala agad ako sa building na balak kong apply-an ngayong araw. "Kaya mo 'yan, Lovely. Parang noong first time mo lang ito," bulong ko sa sarili para palakasin ang loob ko. Humakbang na 'ko para pumasok sa loob. Hindi naman ako pinigilan ng guard nang sabihin kong mag-a-apply ako. Sa lobby ako naghintay bilin din 'yon ng guard na nagpapasok sa'kin. May ilang applicants akong kasabay. Apat kami at pare-pareho kaming kabado. May babaeng kumuha ng resume namin at maya-maya raw ay tatawagin na ang mga pangalan namin para sa interview. Umaambon pa rin sa labas at mukhang walang balak na huminto. Sana blessing ito ng langit sa akin ngayong araw. Sana ang ambon at ang ulan ang maging basbas ko. "Lovely Ginez?" Tawag nang isang babaeng may hawak na papel. Agad akong napatingin sa kaniya nang marinig ang pangalan ko. "Ako po," magalang kong sagot sa kaniya. Tumayo agad ako at sumunod sa kaniya nang senyasan niya 'ko. Tumuloy ako sa isang kwarto. "Please, take a sit," wika ng babaeng nakaupo sa isang mahabang lamesa. Siya na yata ang mag-i-interview sa akin. Maingat akong umupo sa upuang nasa harap ng lamesa. Binabasa niya ang resume ko kaya abot langit ang kaba ko. Sana matanggap ako at makapagsimula sa lalong madaling panahon. Baka maubos ang huling sweldo ko. May savings naman ako pero hangga't maaari ay ayokong galawin 'yon para may pera ako kapag matanda na 'ko. Kapag matanda na, mahihirapan nang magtrabaho kaya gusto ko... kapag nag-retire na 'ko sa pagtatrabaho ay doon na 'ko magre-relax. "Sa kabilang company ka pala galing, Miss Lovely. Pwede ko bang malaman kung ano'ng dahilan ng pag-alis mo sa kanila at dito mo naisipang mag-apply ngayon?" Wika niya. Nasa boses niya ang pagtataka at panghihinayang. Malaking company ang Will corp kaya naiintindihan ko siya. Isang salita agad ang pumasok sa isip ko matapos niya 'kong tanungin. "Tsismosa," bulong ng isip ko. "Base kasi sa nakalagay dito sa resume mo, apat na taon ka sa kanila," dagdag niya. Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. "Gusto ko pong sumubok ng ibang trabaho," sagot ko. Tulad ng isinagot ko kanina kay Ronnie. Napatango siya. "Sigurado ka? Mas mababa ang sweldo rito kaysa sa dati mong trabaho," aniya. "It's not a big deal po. Mag-isa lang naman po ako at tama lang sa akin kahit hindi gaanong mataas na sweldo," tapat kong sagot. Basta may pera akong maiipon at para sa pang-araw-araw ko, okay na sa'kin 'yon. Hindi naman ako maluhong tao. Kuripot pa nga e. "Okay. Sa tingin ko naman ay masipag ka at matapat. Ilalagay kita sa posisyong hinahanap mo," wika niya kaya napangiti ako at nagpasalamat. Nakalagay kasi sa resume ko ang gusto kong posisyon. "We need an I.T. here. Dahil maganda ang record mo, ilalagay kita sa mataas na posisyon. May magti-train sa'yo, kaya don't worry," nakangiting sabi niya. Nakangiti lang ako habang nakikinig pa sa ibang detalye. Hanggang nang makalabas ay nakangiti pa rin ako. Blessing nga ang ulan kanina. May trabaho na agad ako! Kapag naipasa ko raw lahat ng requirements ay maaari na 'kong magsimula kaagad. Binuksan ko uli ang payong nang makalabas sa building. 'Yong kasabay ko kanina, hindi ko na nakita paglabas ko ng opisina. "Thank you, Lord," bulong ko. Kakain muna ako bago magpasundo kay Ronnie. Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep ay may humablot sa kamay ko at pinaikot ako. Dahil sa gulat ay agad napaangat ang payong na hawak ko kaya nabasa ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang may hawak ng pulsuhan ko. Nababasa rin siya ng ulan at umiigting ang kaniyang panga habang mariing nakatitig sa akin. "S-sir... W-william," nanginginig boses kong tawag sa pangalan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook