Pat's pov.
"Thank you sa flowers babe" chat niya
"Huh? Hindi pa ako nag padala ng flowers ah" reply ko
"Edi kanino galing to?" Tanong niya
"Kanino pa ba? Baka kay Heather nanaman" reply ko, Ang aga aga pinapakulo niya yung dugo ko
"Itatapon ko nalang" reply niya
"Bakit? Nag effort siya tapos itatapon mo lang?" Tanong ko
"Magagalit ka" reply niya
"Ikaw bahala." Reply ko
"Hey! Babe galit ka ba?" Tanong niya
"Tanong mo sa flowers" reply ko at nag send siya ng video, tinanong niya yung flower kung galit ako at hindi ko alam kung matatawa ba ako kase ang cute niya or maiinis dahil sa flower
"Ano nga kase?" Tanong niya tapos nag send ulit siya ng video na tinapon niya yung flower sa basurahan
"Sino bang hindi maiinis? Alam niyang may girlfriend ka na pero pinag sisiksikan niya pa yung sarili niya sayo, linta ka ghorl?" Reply ko
"Yiee selos siya, wag ka ng mag selos ipag luluto nalang kita ng dinner mamaya" reply niya
"Ayaw ko, tyaka hindi ako nag seselos no. matalino ako, mayaman, maganda, masarap mag luto, Hindi ka iiwan, tyaka akin ka so bakit ko kailangan mag selos?" Tanong ko
"Iyo lang ako ms, see you sa condo ko. I love you babe❤️" reply niya
"Geh" reply ko
"Luh, wala akong I love you too?" Tanong niya
"I love you too, ingat ka❤️" reply ko. Ang hirap pag pikunin ka pero marupok ka din. Tinuloy ko na yung ginagawa ko at pag tapos inayos ko na yung gamit ko
Bago ako pumunta sa condo ni Agnes pumunta muna ako sa pwesto ni Heather
"Pwede bang tigilan mo na siya? Masaya na kami, akin siya" Kalmadong sabi ko, ayaw kong mag karoon ng away dahil gusto kong maging professional dahil nandito ako sa loob ng company ko
"Iyo siya ngayon pero baka sa mga susunod na are, bumalik na siya sakin. Minsan niya na akong minahal kaya may pag asa pa ako" Sabi niya habang may ginagawa
"Wala ka bang respeto? May girlfriend na siya, wag ka namang manira ng relasyon" Sabi ko
"Ayun nga yung goal ko eh, para bumalik na siya salon" sabi ni Heather, gustong gusto ko siyang sampalin pero napaka lalong issue non kung gagawin ko yun
"Hindi ka mag ta tagumpay sa balak mo, akin siya kaya mas ok kung bumalik ka nalang sa pinang galingan mo" sabi ko at umalis na, baka hindi ko pa ma control ang sarili ko at may magawa akong masama
Pumunta na ako sa condo ni Agnes pero hindi ko siya pinapansin hahalikan niya dapat ako pero umiwas ako
"Babe may problema ba? Galit ka pa din?" Tanong niya pero umiling lang ako "pagod ka? Gusto mo ng massage?" Sabi niya at hinawakan ako sa likod, tinanggal ko yung kamay niya at hinarap siya
"Tama na agnes, wala ako sa mood" sabi ko at tumalikod na sa kanya. Niyakap niya ako patalikod at hindi siya nag salita,parang nawala bigla yung inis ko. hinarap ko na siya at niyakap ulit siya
"sorry babe, pagod lang talaga ako" sabi ko at tumango lang siya. hindi muna ako bumitaw sa yakap dahil sobrang sarap sa pakiramdam pag nakayakap ako sa kanya
"ok ka na ba?" tanong niya at tumango lang ako "tara kain na tayo, nagluto ako ng favorite mo" sabi niya kaya napa ngiti ako
"thank you" sabi ko at umupo na
"welcome. wait ako na mag se serve" sabi niya at kinuhaan na ako ng pag kain "eatwell! sana kiligin ka sa sinigang ko" sabi niya na ikinatawa ko umupo na din siya at nag start na kaming kumain
"roadtrip tayo mamaya pag tapos natin kumain, g ka ba?" sabi niya
"tara!" sabi ko
"bilisan mo na kumain, ako na mag d drive" sabi niya, tumango lang ako at binilisan ko ng kumain. pag tapos namin kumain nag palit na ng damit si agnes at umalis na kami agad
"saan mo gustong pumunta?" tanong niya sakin
"kahit saan" sabi ko at tumango lang siya pinaandar niya na yung kotse at umalis na kami "daan tayo ng mcdo please, gusto ko ng sundae" sabi ko at tumango lang siya. nag play ako ng song para hindi naman boring yung ride namin
nag drive thru kami sa mcdo at bumili ng sundae. nag stop muna kami para kumain. sumasabay lang kami sa vibe ng mga rnb songs sa playlist ko at kumakanta nadin kapag alam namin yung song
"But if you like causing trouble up in hotel rooms
And if you like having secret little rendezvous
If you like to do the things you know that we shouldn't do
Then baby, I'm perfect
Baby, I'm perfect for you
And if you like midnight driving with the windows down
And if you like going places we can't even pronounce
If you like to do whatever you've been dreaming about
Then baby, you're perfect
Baby, you're perfect
So let's start right now" sabay kaming kumanta ng part na yan. hindi ko ma describe yung nararamdaman ko ngayon, kahit yung konting time na kasama ko siya masaya na ako, at yung lahat ng memories hindi mawawala yun sa puso ko. siya yung dumating na ayaw ko ng mawala, sana hindi ka mawala sakin agnes