01 - PERFECT
Pat's pov.
"pat puro ka na lang trabaho wala ka ng time samin" sabi ni miguel, nung mga nakaraang araw kase puro lang ako trabaho, alangan naman na pabayaan ko yung company
"oo nga pat nakaka tampo ka na" sabi ni kuya keifer
"paano ba ako makaka bawi sa inyo?" tanong ko sa kanilang tatlo, ako yung pinaka bata sa kanila pero sila yung isip bata, tss. nag bulungan sila at napangiti
"baguio tayo bukas" sabi ni paolo
"what?! bukas na agad?!" pasigaw na tanong ko sa kanila
"ay hindi baka next week pa kase sabi ko bukas diba" sabi ni paolo na ikina tawa ni miguel
"kaya kami nandito para ayain ka, at dahil marami ka ng atraso samin wala ka ng ibang magagawa kung hindi ang sumama" sabi ni keifer
"fine, sasama na. uuwi na ako" sabi ko
"teka kaka dating lang namin tapos iiwan mo kami?" tanong ni miguel
"baka gusto niyo po akong mag ayos ng gamit ko para bukas? kase 9:00 pm na po eh" mataray kong sabi
"sige basta bukas ah 5:00 am ayaw kong ma traffic" sabi ni kuya keifer
"kapag hindi niyo ako sinundo hindi ako sasama" sabi ko at iniwan na sila. alam kong medyo bastos yung ugali ko pero ito talaga yung ugali ako eh. kung ayaw nila sa akin wala akong pake, hindi ko naman sila kailangan.
nag drive na ako pa uwi sa bahay ko at nag dinner muna. nag message ako sa secretary ko at nag ayos na ng gamit hindi na ako mag dadala ng maraming gamit, bibili nalang ako kung kailangan.
--
nagising ako dahil sa doorbell tumingin ako sa cctv at nakita na nasa labas na silang tatlo. teka anong oras na ba? bumaba na ako at pinag buksan sila ng gate
"ang lakas ng tama niyo eh no! alas kwatro palang!" sigaw ko sa kanila
"alam naman namin na kapag sinabi kong 5:00 gigising ka palang non, kaya pinuntahan kana namin. bilisan mo na ang bagal mo pa namang kumilos" sabi ni miguel
"kumain na ba kayo?" tanong ko
"hindi pa siyempre" sabi nila
"pasok na mag luto nalang kayo kung gusto niyo" sabi ko at pumasok na kami umakyat ulit ako sa kwarto at nag ayos na ng sarili ko. pag tapos kong maligo at mag bihis bumaba na agad ako. naabutan ko na nagluluto si keifer at si miguel naman gumagawa ng kape si paolo ayun naka tulog sa sofa. napaka antukin talaga
"pat kelan ka ba mag ha hire ng cook at maid? ang laki laki ng bahay mo tapos ikaw lang mag isa?" tanong ni miguel
"mali naman yung tanong mo migs eh. kelan ka mag a asawa pat?" tanong ni keifer
"mag a asawa ako pag may asawa na kayong tatlo. tyaka kaya ko naman yung sarili ko" sabi ko at kumuha ng plato, sabay sabay kaming kumain at saktong 5:00 am umalis na kami
Natulog lang ako buong byahe dahil inantok pa ako at halos wala akong tulog nung mga nakaraang araw, marami pa akong dapat gawin pero hindi naman siguro masamang mag break kahit 2 days. Tyaka na miss ko din tong mga kuya ko na to eh, nag ka kilala kami ni miguel at Paolo nung college kami. Hindi ko makakalimutan yung araw na napag kamalan ko silang babae dahil sa long hair nila.
"We're here!" Sigaw ni keifer pag baba namin ng kotse niya. nag check in kami sa hotel at sari sarili din kami ng kwarto. Wala naman kaming problema kung pera ang usapan eh, lahat kami meron ng narating pero wala kaming lovelife. Maraming nanliligaw sakin pero ayaw ko munang pumasok sa relasyon, yung love? Makapag hihintay naman yan eh, gusto ko muna tupadin lahat ng pangarap ko.
"Pat tara gala tayo" sigaw ni migs Mula sa labas ng pinto
"Matutulog muna ako!" Sigaw ko
"Buong byahe ka na natulog tapos matutulog ka ulit? Tara na pat!" Sigaw niya kaya lumabas na ako ng kwarto ko
"Pat sinama ka namin dito para mag saya Hindi para matulog lang" Sabi ni kuya keifer, ginulo niya yung buhok ko at kinurot ang pisngi ko. Lakas ng tama
"Ito na nga po kuya, mag sasaya na po" sabi ko at pilit na ngumiti. Pumunta kami sa camp john hay mini golf para mag golf. First time kong mag laro nito pero parang madali lang naman.
---
"Nag enjoy ka ba pat?" Tanong ni Paolo
"Hindi" sagot ko
"Hindi daw pero tawa ng tawa" sabi ni miguel, panong hindi ako matatawa eh para silang bata, nag enjoy naman ako.
"Pahinga tayo saglit tapos Kain na tayo" Sabi ni keifer
"Bar tayo mamayang gabi" aya ko sa kanila
"2 days lang naman tayo dito kaya sige" Sabi ni kuya keifer
"G din kami" sabi ni miguel, buti naman at pumayag sila nakaka miss din yung alak
----
Pag tapos naming kumain nag lakad lakad muna kami at nag kwentuhan. Nag pa sama ako sa kanila sa mall dahil bibili ako ng inhaler, hindi kase ako sanay sa lamig kaya sinipon ako agad. Madami pa kaming napuntahan na lugar kaya hindi na namin namalayan ang oras, mag ga Gabi na kaya walwal na
"Mga kuya Tara bar na tayo" Aya ko sa kanila
"Inom na inom ka pat ah" Sabi ni Miguel
"Diba Sabi niyo nandito tayo para mag saya, kaya mag sa saya tayo!" Sabi ko at napa tawa nalang sila
"Tara na nga" Sabi ni Miguel habang tumatawa, sumakay na kami sa kotse at nag hanap na ng bar na malapit lang. Maya maya nakahanap na kami kaya naman pumasok na kami agad at nag order.
Habang nag iinuman pinanood namin yung mga bandang tumutugtog, lahat sila magagaling pero yung sunod na mag pe perform, napa tingin ako sa bassist nila. Magaling siya at cute. Kinuha ko Ang cellphone ko at kinuhaan Ng picture yung bassist nila
"Perfect" Sabi ko at binulsa na ulit yung phone ko
"Perfect pala ha!" Sigaw ni Miguel sabay tawa
"Grabe may pag picture pa" Sabi ni kuya keifer
"Ang cute nung bassist no, bet mo?" Tanong Ni paolo, parang hindi kaibigan eh no.
"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Tanong ko at Napa hawak nalang sa noo ko
"Ang hina mo naman, akin na nga yang phone na yan" Sabi ni Miguel at kinuha yung phone ko lumapit siya sa harapan at kinuhaan ng picture yung bassist
"Oh yan mas kita yung mukha niya" Sabi ni Miguel at binalik sakin yung phone ko, pinanood ko lang silang mag perform at medyo nalungkot ako nung sinabi ng vocalist na last song na daw nila
"Parang ayaw na umuwi ng Isa ha" Sabi ni Miguel at nag shot
"Ang daming alam miguel" Sabi ko at nag shot nalang