pats pov.
simula nung gabi na nakita ko siya hindi ko na siya makalimutan pa. 2 months na ang naka lipas pero hanggang ngayon curious padin ako, hindi ko alam kung bakit ako nag ka ka ganito, feeling ko mababaliw ako kapag hindi ko nalaman yung pangalan niya. naisip ko na din bumalik ng baguio kaso baka masayang lang ang oras ko sa pag punta doon kaya nag pa dala nalang ako ng tao ko sa baguio para pumunta sa bar kung saan ko siya unang nakita.
Pat ano ba?! bakit ka ba nag ka ka ganito?! natigilan ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko
"--ms pat ilang gabi na po ako pabalik balik dito sa bar na to pero wala naman po akong nakita na kahit kahawig niya" sabi ni third
"nag tanong tanong ka na ba sa mga tao diyan?" tanong ko
"--yes po. nag tanong na din po ako sa guard pero matagal na daw pong hindi nag pe perform yung band nila dito" sabi niya na kaya napa buntong hininga ako
"fine, hayaan mo na. umuwi ka na dito sa manila" sabi ko at pinatay na ang phone ko. tama na pat, hayaan mo na siya
"lalim ng iniisip ah, mas malalim pa ba yan kesa sa pundasyon ng building na to?" tanong ni miguel
"ginagawa mo dito?" tanong ko
"wala naman, bored ako sa bahay eh" sabi ni miguel
"mag trabaho ka para hindi boring" sabi ko sa kanya
"ayaw ko naman maging subsob sa trabaho pat, tara libre nalang kita ng dinner sa restaurant ko. alam ko naman na hindi ka pa nag di dinner eh" sabi niya at dahil gutom na ako sumama nalang ako
habang nag hi hintay kami ng order namin kinuha ko yung phone ko at nag search.
"famous bands in baguio" sabi ni miguel. miguel apaka chismoso talaga
"anak ng! miguel ano ba?!" masungit kong sabi sa kanya
"sorry na agad pat. wag mong sabihin na hanggang ngayon iniisip mo padin yung bassist na taga baguio?" tanong ni miguel at napa tango nalang ako
"so bisexual ka?" tanong ni miguel. napa isip naman ako
"what do you mean?" tanong ko sa kanya
"pat obvious naman na crush mo siya, tyaka akala mo ba hindi ko narinig yung pag u usap niyo kanina? pat ok lang na mag ka gusto ka, support kaming mga kuya mo sayo" sabi ni miguel kaya napa ngiti ako. seryoso? ako? may crush?
"nag pa dala ako ng tao ko sa baguio para puntahan yung bar kung saan tayo uminom dati. pero matagal na daw hindi nag pe perform yung band niya doon. kilala niyo naman ako migs diba, never pa ako naging ganito. kahit ako hindi ko na din alam kung bakit ako nag kaka ganito" sabi ko at napangiti naman si migs
"ano pang ginawa mo? mag kwento ka pa nga" sabi ni miguel
"wala na akong ginawa, tama na yung pina hanap ko siya sa baguio. may part sakin na gustong gusto ko siyang makita. gusto kong malaman yung pangalan niya. gustong gusto ko na mapalapit sa kanya migs, pero hindi ko alam yung gagawin ko" Sabi ko. Napa yuko nalang ako dahil parang kumikirot yung puso ko
"pero hayaan mo na kakalimutan ko nalang siya" sabi ko at ngumiti ng pilit
"ako si patricia lasaten lahat ng gusto ko nakukuha ko" sabi ni miguel sabay tawa. sinamaan ko siya ng tingin at hinampas yung braso niya
"ouch! joke lang pat HAHAHA. pero akala ko ba lahat nakukuha mo? weak naman ng bunso namin" Sabi niya sabay iling
"nakalimutan mo na ba na may kuya kang private investigator?" tanong ni migs
"si kuya keifer! pero kung mag papa tulong ako sa kanya, malalaman niya agad" sabi ko kay migs
"ok lang yan pat. bata palang mag kasama na kayo, kilalang kilala ka na namin. hindi mo kailangang itago yun samin kase para na tayong mag ka kapatid oh" sabi ni miguel at napa tango nalang ako
"Pero mata tanggap niya ba ako? Si Paolo? Eh ikaw?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan yung buhok ko
"Wala ka namang ginawa na masama pat. Nag mahal ka lang naman, at walang masama dun. Tanggap kita ok, walang mag babago sa friendship natin" Sabi niya. Napa ngiti nalang ako habang pinipigilan ko yung mata ko na ma luha
"Thank you migs, si Paolo kaya?" Tanong ko
"Matatanggap ka niya pat pati na din si keifer. Yung bad side mo nga tanggap namin eh yung sexuality mo pa kaya?" Tanong niya napa tango nalang ako at napangiti
"Mag ka kaibigan tayo pat, hindi ka namin iiwan" sabi niya. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko. Masaya ako dahil kahit mag Isa na lang ako, hindi nila ako iniwan. Nandiyan sila lagi para patawanin ako, sila na yung naging pamilya ko.
"Wag ka na umiyak baka may maka kita sayo, baka sabihin nila Pinapa iyak kita" Sabi niya at binigay sakin yung panyo niya. Lumapit siya sa tenga ko at may binulong
"Ang pangit mo umiyak" sabi niya kaya agad kong pinag hahampas yung braso niya
"Bwicit ka Miguel" Sabi ko
"Pinapa tawa lang kita pat. Ang sakit mo mamalo" Sabi niya habang hawak yung braso niya
"Kumain na nga lang tayo. Para kang ewan" Sabi ko na ikina tawa niya. nag simula na kaming kumain at nag kwentuhan pa ng kaunti
___
Pag uwi ko sa bahay agad kong tinawagan si kuya keifer
"Kuya busy ka ba?" Tanong ko sa kanya
"Hindi naman, medyo lang. Bakit?" Tanong niya
"Mag papa tulong sana ako" Sabi ko
"Ano yun pat?" Tanong niya
"Pwede bang patulong ako na makuha yung information ng girl na to? Hindi ko alam yung name niya kuya. Babayadan nalang kita para sa pagod mo kuya" Sabi ko
"Sus parang hindi kita kaibigan ah" Sabi niya
"Send ko na yung picture kuya ah, thank you agad" Sabi ko at sinend na sa kanya yung picture
"Ahh si ms. Cute na bassist" Sabi ni kuya keifer
"Joke lang pat, may nagawa ba siya sayo? Bakit gusto mong malaman info Niya?" Tanong ni kuya keifer
"Sasabihin ko sayo kuya kapag meron ka ng info tungkol sa kanya. Thank you kuya may kailangan pa akong gawin bye" Sabi ko at binaba na yung tawag.