Pat's pov
Ngayong araw nag decide ako na wag muna pumasok. Otw na kami ni miguel sa mall nag pa sama kase ako sa kanya na mag grocery. Paubos na kase yung stock ko sa bahay eh
"Kain muna tayo migs! Gutom na ako!" Sabi ko sa kanya pag dating namin sa mall
"Tara hindi pa ako nag la lunch eh. Mamaya na tayo mag grocery mag ikot ikot na muna tayo" Sabi niya
"Ayoko nga. Mapapagod lang tayo" sabi ko
"Minsan ka na nga lang mag mall tapos hindi mo pa susulitin?" Sabi niya. May point siya. Tumango nalang ako at nag lakad na papunta sa restaurant nila Miguel, may branch din kase sila dito sa mall na 'to.
Habang papasok kami sa restaurant may isang girl na naka kuha ng atensiyon ko. Hanggang sa maka upo na kami hindi ko umaalis yung tingin ko sa kanya
"Huy! Kanina pa ako nag sasalita dito, Hindi ka nakikinig" Sabi niya. Nagulat ako dahil nag clap pa siya sa mukha ko
"Tingin ka sa likod mo, wag kang mag papa halata kung ayaw mong mamatay" bulong ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin dun, napa ngiti siya at akmang tatayo na pero agad kong hinila yung braso niya
"Joke lang, masyado kang kabado" sabi niya sabay tawa
"Nakakatawa yon? Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko migs" bulong ko sa kanya
"Bakit hindi mo siya bilhan ng drinks?" Sabi ni miguel. Oo nga no! Agad kong tinawag yung waiter nila para umorder ng drinks
"Wag mong sabihin na si pat nag pa bigay ah" paalala ni Miguel
"Masusunod po boss" Sabi nung waiter at umalis na
Agnes's pov.
Nagulat ako dahil may inabot na drinks yung waiter habang kumakain ako
"Sorry? Maling table ata nabigyan mo" Sabi ko sa waiter
"May nag papa bigay po ma'am, pinapa bigay niya din po yung note na 'to" Sabi nung waiter at may inabot na note
"Don't forget to smile!!! : )" Yan yung nakalagay sa note, tumingin ako sa paligid pero wala naman akong makita na pwedeng mag bigay sakin ng drinks na to. Ang mahal ng wine na to eh!
Habang iniisip ko yung nag bigay sa akin neto, napatingin ako bigla sa likod ko. Nakita ko na napa tingin sakin si... Wait si Patricia lasaten ba to? Kinuha ko yung phone ko at sinearch ko siya sa google. Confirm si patricia lasaten nga. Sabi nila sobrang sungit daw niya pero hindi naman siguro? Nakikipag tawanan pa nga siya sa boyfriend niya eh.
Pag tapos kong kumain tinawag ko yung waiter para hingiin yung bill
"Maam bayad na po yung kinain niyo" Sabi nung waiter
"Huh? Hindi pa naman ako nag babayad ah, teka wag mong sabihin na iisa lang yung nag bigay ng wine tyaka nag bayad ng bill ko?" Tanong ko at tumango lang siya, ok Ang creepy niya
"Paki sabi kuya, ako na mag babayad" Sabi ko at nag labas ng cash
"Pero maam sabi niya po hindi na kailangan, na meet mo na daw po siya before at mabuting tao din daw po siya. Kaya wag na ho kayong mag alala" Sabi ni kuya waiter
"Babae po ba kuya or lalake?" Tanong ko
"Babae po ma'am" Sabi niya, hmm Sino naman kaya? Wala naman akong kilala dito
"Pakisabi sa kanya kuya salamat" Sabi ko at umalis na ang weird kase eh.
Pat's pov.
"Ang cute nga niya pat" Sabi ni Miguel pag alis Niya
"Akin yon, hanap ka iyo" Sabi ko sa kanya
"Hindi ko naman inaangkin" sabi ni Miguel sabay tawa
"Hindi mo nga sure kung single ba siya or taken eh" dagdag niya
"Kung taken siya, bakit hindi niya kasama boy friend niya?" Sabi ko naman, napa tango nalang si Miguel
"Grabe ka, Sabi ko bilhan mo lang siya ng drinks pero bakit binayaran mo na pati yung kinain niya?" Tanong ni miguel
"Hindi ko sure kung kelan ko ulit siya ma li libre, kaya tinodo ko na" sabi ko
"Baka ma weirdohan yun sayo" Sabi niya
"Hayaan mo na migs" Sabi ko at tinapos na ang pag kain ko. Atleast na libre ko siya
After naming kumain nag ikot muna kami at pag tapos nag grocery na kami. Sinama ko lang talaga si Miguel para may katulong ako mag buhat eh.
"Ang dami mo namang pinamili pat, pang isang taon mo na ba to?" Tanong ni miguel. Napaka oa talaga ng taong to
"Sus parang di mo ko kilala" Sabi ko sa kanya. Pag wala kase akong ginagawa sa bahay kumakain nalang ako
"Kain ng kain di naman tumataba" sabi niya kaya napa irap ako. hindi ko na siya sinagot at pinasok na lang sa loob ng kotse mo yung mga pinamili namin.
"Alis na ko pat, see you soon!" Sabi ni Miguel bago pumasok sa kotse niya
"Sige migs, thank you ulit!" Sabi ko at nag wave na sa kanya. Pag pasok ko sa kotse biglang tumunog yung phone ko. Pag bukas ko nakita ko na ang dami ng text ni kuya keifer
"Patricia"
"Pat"
"Patty"
"Heyy"
"Free ka ba today?"
"Pupuntahan nalang kita diyan sa office mo"
"Otw na ko"
May mahalaga yata siyang sasabihin
"Slr kuya, nag grocery kami ni miguel. Nandiyan ka na ba sa office?" Reply ko sa kanya
"Kakadating ko lang" reply niya
"Ok ok, papunta na ako diyan. Wait mo ko kuya" reply ko at nag drive na papunta sa office
Pag dating ko dumiretso na ako agad sa office. Nakita ko si kuya na naka upo at may tinitingnan na papers
"Sorry nag antay ka pa kuya" Sabi ko
"Ok lang" Sabi niya
"Bakit nga pala?" Tanong ko
"Wala lang miss lang kita" Sabi niya, fakk kala ko may sasabihin siyang mahalaga nag madali pa akong pumunta dito -,-
"Hindi kita miss kuya" sabi ko at tinarayan siya
"Aw, hindi mo ko miss? Sayang may nakuha pa naman akong info tungkol sa crush mo" Sabi niya
"Ha? Crush ko?" Tanong ko
"Sus, pero may nakuha na akong info niya" Sabi ni kuya sabay tawa, umupo na din ako.
"Pero bago ko sabihin sayo ang nakuha ko kailangan mo munang sagutin yung question ko" Sabi ni kuya
"Anong question yan kuya?" Tanong ko dahil parang kinabahan ako sa sinabi niya
"Ano bang meron sa kanya? Bakit gustong gusto mo malaman ang detalye ng buhay niya?" Tanong niya
Sana matanggap mo ko kuya...
"Hmm, sabihin nalang natin na, gusto ko siya" Sabi ko, nagulat naman si kuya keifer
"Seriously? Kelan ka pa nag ka gusto sa katulad mong babae? Nilo Loko lang kita pero tama pala yung hinala ko" Kalmadong sabi niya
"Simula nung makita ko siya. Kung hindi mo ako tanggap kuya, ok lang" Sabi ko at napa buntong hininga
"Bakit naman hindi kita ma ta tanggap? Bata palang tayo mag kasama na tayo pat, kapatid na nga turing natin sa isa't isa. Siyempre tanggap kita" ipaliwanag ni kuya, napa ngiti naman ako ng onti
"Anong pangalan niya kuya? Gustong gusto kong malaman" Sabi ko, Hindi pa ako naging interesado ng ganito sa buong buhay ko. hindi ko din alam kung anong meron sayo ms. Bassist, pero bakit ako nagiging desperado na malaman yung pangalan mo?
"Maristella Agnes Reoma, 26 years old. Lumaki siya sa Baguio pero nandito siya sa manila para mag trabaho. bassist din siya ng band at grumaduate din siya ng cumlaude, nakatira siya sa bgc. nga pala yung address niya send ko nalang sayo mamaya" sabi niya at nag pa alam na. na iwan ako mag isa sa office ko habang tini tingnan yung picture niya
"maristella, makukuha din kita" sabi ko at napa smirk
ako si patricia lasaten lahat ng gusto ko nakukuha ko.