Kabanata 10

2240 Words
Babalik sa pinagmulan ••• Kina-umagahan hindi kami pinayagan umuwi ni nanay lolita hanggat hindi pa kami nag-aalmusal kaya para kaming isang pamilyang nag sasalo-salo sa hapagkainan. "Musta naman ang pag-aaral ninyo?" tanong ni tatay sevi sa amin habang nagsasandok ng sinangag sa kanyang plato. "Ayos lang tay." sagot ni seb na nagsasandok din ng pagkain niya. kanya-kanya kaming sandok ng pagkain. Sinangag, scramble egg, hotdog, at tuyo ang nakahain sa mesa. "Ayos lang ah, rinig ko kagabi puro kayo mura tapos puro bobo lumalabas d'yan sa mga bunganga ninyo. Akala ko ba magrereview kayo?" Nagtinginan kaming apat. Napuyat kasi kami kakalaro ng ml tapos GG pa, mga bobo kasi kakampi ko which is silang tatlo tapos isang kaklase namin. "Nako umayos kayo at graduating kayong apat!" paalala ni nanay lolita sa amin. "Itong si sebastian sinasabihan namin 'yan palagi na pagbutihan para walang bagsak para naman makatulong na sa amin ng tatay niya!" dagdag pang sambit ni nanay lolita sa amin. "Nay, 'wag ka sabi mag-alala...kitang ako magpapaahon sainyo sa kahirapan eh!" pagmamayabang ni seb' "Huwag mag-alala mo mukha mo d'yan, ilang beses ka na na-guidance!" "Siguraduhin mo lang na ga-graduate ka sebastian ah! pati din kayo!" sambit sa amin ni tatay sevi na tinanguan na lamang namin bilang tugon sa kanya. "Nay, tay, may gusto lang talaga akong sabihin sainyo..." seryosong bigkas ni seb habang nakatitig sa pagkain niya. "Ano naman 'yon ha?" tanong ng nanay niya. "Huwag kayong magalit ha... gusto ko lang sabihin sainyo yung totoo, basta sana huwag kayong mabibigla ahh?" seryosong bigkas nito sakanyang magulang at tinitigan niya na ang mga ito. Nagkatinginan kaming tatlo nila lucas at niccolo gano'n din sila nanay lolita at tatay sevi. Minsan hindi ko rin alam tumatakbo sa isipan nito ni seb kasi madalas naman puro kalokohan lang. "Nay, Tay, ayoko sana sabihin sainyo ito pero kasi deserve niyo din malaman ang katotohanan at sana maintindihan niyo ako." Tangina nito ni seb huwag niya lang sabihin na bakla siya kasi hindi bagay sakanya. Halata sa mukha nila nanay lolita at tatay sevi na nagtataka at kinakabahan sila. "Ang totoo kasi niyan nay, tay," Lahat kami ay nakatingin sa kanya, inaantay  kung ano ba ang big revelation niya. "Ampon lang kayo." seryosong bigkas ni seb. "Tangina kang bata ka! Kinabahan ako sa iyo!" galit na sambit ni nanay lolita at malakas na binatukan ang kanyang gagung anak na humahalakhak. "Ampon nga lang kayo ako na nagsasabi! HAHAHAHA!" "Bwisit na batang ito kami pa ginawa mong ampon, kitang natagpuan ka lang namin sa tae ng kalabaw nung sanggol ka pa, naawa lang kami ng nanay mo sayo kaya kinupkop ka namin!" pagkukwento ni tatay sevi. "Tae ng kalabaw ampota hahaha!" pabulong kong asar kay seb. "Mabantot since birth pala si lance pota." bulong ni niccolo sa akin dahil siya ang katabi ko. "Luhh tay huwag mong i-kuwento talambuhay mo sa amin! Shatap!" bwelta ni seb sa tatay niya. Napuno ng halakhak ang hapag kainan at para bang ito ang kumumpleto ng almusal namin...kumumpleto sa almusal nila pala. Habang nakikita ko yung mga tawanan nila seb at ng kaniyang magulang bigla na lang pumasok sa aking isipan ang sarili kong pamilya. Kailan ba kami naging ganito kasaya? Yung mga tawa at ngiti nilang pinapakita sa amin na akala mo ayos lang ang lahat? na akala mo masaya sila? Pinagpipilitan nilang masaya sila sa harapan ko? So, kailan ba kami naging ganito kasaya? Hindi ko na halos maalala. Bigla na lamang nawala yung mga ngiti ko at bumalik na lamang sa pag kain ng nakahain sa aking plato. "Bwisit kang bata ka yung iba nga na ampon d'yan nagpapasalamat pa sa mga hindi nila tunay na magulang tapos ikaw na tunay na anak...nako sebastian, maghugas ka ng pinggan d'yan mamaya ah!" sabi ni nanay lolita kay seb. "Si nanay hindi majoke!" "Joke joke joke ka d'yan, Maghugas ka ng pinggan!" "Luhhh bakit ako? Naghugas na ako d'yan kagabi ah?" "Sige subukan mong huwag maghugas, lilipad 'yang mga pinggan sa pagmumukha mo!" pananakot ni tatay sevi kay seb. "Niluwal niyo lang ata ako para maging tagahugas eh." "Oo kaya huwag ka na umangal d'yan, para naman may silbi ka dito sa bahay!" sumbat ni nanay lolita sa anak niya. At bigla ko na lang naisip na, niluwal lang ata ako ng magulang ko para iparamdam nila na wala akong silbi...wala akong kuwenta. "Sabi-sabi pa kayo na paborito niyo yung bunso tapos gagawin ninyong tagahugas." reklamo ni seb. ••• Hinintay pa namin matapos maghugas ng mga plato si seb dahil ihahatid daw kami nito sa sakayan ng jeep at mabilis din naman kami nakahanap ng masasakyan. Nakapuwesto kami sa bandang gitna sa right side malapit sa may passenger seat...ako, si niccolo at lucas. "Ang ingay talaga sa pamilya nila lance noh?" sabi ni niccolo. "Mukha nga silang masaya eh." sabi ko. "Sabagay..." pag sang-ayon ni niccolo sa akin. "Ang angas nga ng samahan nila eh, para lang silang magtotropa." sambit ni lucas. "Pero masyado ng over 'yon noh...medyo nasobrahan na." sabi ni niccolo. "Paanong nasobrahan?" tanong ni lucas. "I mean... 'di ba, parang nakakalimutan ni lance na magulang niya 'yon?" "Tama ka, medyo nawawalan na siya ng respeto. Ako nga never ko nasasagot ng gano'n si mama sa harapan ni papa eh, baka masuntok ako no'n!" "Si mommy bihira ko lang makita sa bahay kaya hindi ako sanay sa bungangerang magulang." "Eh ikaw jaq?" bigla na lamang bumalik yung atensyon ko sakanila nung narinig kong tinawag ako ni lucas. Nakadungaw kasi ako sa labas. "Huh?" tangi kong nasabi. "Kwento mo naman relasyon niyo ng magulang mo" sambit ni niccolo. "Katulad din ba kela lance?" pahabol niyang tanong. "Ahhh hindi, kabaligtaran nila." sabi ko sakanila. Malungkot... magulo... kung makikilala lang nila ang pamilya ko, maiintindihan nila ang tinutukoy ko. "Si mommy kahit wala palagi napaka supportive no'n sa akin!" sambit ni niccolo. "Kahit gagu ka?" banat ni lucas sakanya. "Akala mo siya hindi... huy lahat tayo may gago side, huwag kang feeling santo!" "Oo na, supportive din naman magulang ko anong akala mo ikaw lang?" bwelta ni lucas kay niccolo. Paano naman yung mga anak na lumaking may emotionally unsupportive parents? Tapos maririnig nila yung ibang tao kung gaano ka supportive yung magulang nila sakanila...paano kami? Hindi ko talaga minsan mapigilan na malunod sa sarili kong isipan. "Barya lang po, konting tulong lang po..." biglang sulpot ng isang batang badjao at lapag ng brown na sobre sa aking hita. Isa-isa sa mga pasahero ang binigyan niya nito sabay upo sa may labasan ng jeep, katabi ang isa pang badjao na may tambol na gawa lamang sa lata ng gatas at goma.  "Hindi po kami magnanakaw~ Hindi po kami masamang tao~" pag-sabay ko sa kanta nila. "Gagu ka, ano 'yan lss?" sambit ni niccolo sa akin. "Ano kaya title ng kanta nila?" tanong ko sa dalawa. "Sino kaya nagcompose niyan... alam na alam ng mga badjao yung kantang 'yan eh." sabi ni lucas. Pero hindi mo din mapipigilan isipin na yung mga batang gaya nila eh hawak ba talaga ng sindikato o ganiyan lang talaga buhay nila? "Swerte na lang natin, hindi ganiyan naging buhay natin." bulalas ni niccolo. Kung tutuusin maswerte nga naman ako sa buhay pero madalas kasi kung sino pa yung walang-wala sa buhay, sila pa yung masaya ang pamilya. "Aba aba aba good samaritan ah!" sabi ni niccolo ng makita niyang nilalagyan ko ng barya yung brown envelope ng mga badjao. "Ikaw ba talaga 'yan, jaq?" paninigurado ni lucas. "Ikaw niccolo, magbigay ka naman!" sambit ko. "Wala akong barya..." "Heto oh, pahiramin kita ng nuebe." binigay ko ang barya kay niccolo at agad niya itong inilagay sa envelope. Maya-maya pa ay kinuha na ng badjao yung mga envelope nila at tumalon na pababa ng jeep. "Sa lunes ko na lang bayaran yung nuebe ah..." sabi ni niccolo sa akin. "Kahit di mo na bayaran, iyo naman 'yon." "Huh?" "Hindi ko pa kasi naaabot yung pamasahe natin kaya yung binigay mo sa mga badjao ay yung pamasahe mo." bulong ko kay niccolo. "Kingina mo hinayupak ka!" "HAHAHAHAHA!" "Bakit?" tanong ni lucas sa amin. "Gagu ka!" sabi ni niccolo sa akin. "Kuya may mag 1,2,3 po dito ingat-ingat po kayo hahhahaha!" pang-aasar ko kay niccolo. "Inamo talaga jaq!" sambit niya habang kumukuha ng 50 sa pitaka niya at sa huli, nalibre pa kami ng pamasahe. ••• Pagkauwi ko sa bahay, wala si jorge. Bahala na siya sa buhay niya malaki naman na siya. Ngayon rin ang araw na uuwi ako sa amin dahil debut na kapatid ko. Sa totoo lang wala naman akong balak pumunta kasi sigurado naman akong wala ako sa listahan ng mga 18 roses doon. Asa pa 'ko. Humiga ako sa aking kama at muling natulog dahil mga mag-aalasais na ata kami mga nagsitulog kanina tapos ginising kami ng alas syete ni nanay lolita.. promise para siyang may mega phone kapag nanggigising yung tipong pati kapit bahay ata magigising din. Sa kasamaang palad alas tres na ako nagising at aalis pa pala ako ngayon. pota. "Pupunta ba ako o hindi?" tanong ko sa sarili ko habang namimili na ng damit na susuotin ko para sa okasyon at ng makapili na ako ay agad na akong naligo. Siguro nangingibabaw pa din talaga yung pamilya sa huli. Kahit na ayaw mo, mapipilitan ka talagang sumunod. Kinuha ko na rin yung inihanda kong regalo para sakanya. Love Yourself: Tear Album... napapansin ko kasi sa sss na fan siya ng BTS kaya baka pwede na ito. Pasado alas-kwatro na ako nakaalis ng bahay at nakarating ako ng mga 5:17 ng hapon. Halos wala naman nagbago sa lugar na kinalakihan ko...pintura lang naman nagbabago dito eh. Ngayon ko lang napansin kung gaano pala nakakasawa tignan yung lugar na ito. Halos lahat ng bahay magkakatulad, ganito pala kapag nakatira sa isang compound na halos pareho ang design ng bahay. Sa loob ng tatlong taon kong hindi pagdalaw dito, hindi ko pa din naman nalilimutan kung saan ang bahay namin... buti naman. Kumatok ako sa pinto, mga ilang katok pa ang tinagal ko bago may nagbukas ng pintuan. "Sino ka?" bungad ko sa lalaki na nagbukas ng pintuan. "Ahh classmate po ni jackie..." "Ahh sige." sabi ko at kusa na lamang akong pumasok sa bahay. Madami na agad ang tao sa loob, para lang siyang club party dahil sa padisco-disco light pa. Kung nandito lang siguro sila niccolo at seb parang tanga na yung dalawang iyon na nagsasayawan. At dahil wala akong kakilalang pamilyar na mukha, umakyat ako sa taas upang tumungo sa kwarto ni Jackie baka sakaling nandoon siya pero pag punta ko doon ay walang tao. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto niya at nilapag ang regalo ko sa kama niya. "Ang dami na din nagbago dito..." sambit ko. Agad naman rin akong lumabas ng kwarto niya at sinarado ito. Sa tabi ng kwarto ni jackie ang isang kwarto na pamilyar na pamilyar sa akin... Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng dati kong kwarto. Madami akong gamit na iniwan dito, halos lahat. Yung mga paborito kong manga, laruan, libro, damit, cd nandito pa. Dahan-dahan kong binuksan ang dati kong kwarto at pagbukas ko... bigla akong nanlumo. Wala na halos lahat ng gamit. Tanging natira na lamang ay yung kama at bentilador. Kung namatay ako, hindi ba nila gagalawin yung gamit ko dito na parang isang mahalagang bagay? Pumasok ako sa dati kong kwarto. Bukod pala sa bentilador at kama, may naiwan ding pulang marker. Kinuha ko ito at nagsulat sa pader, pagkatapos ko mag senti sa lumang kwarto ko pinindot ko ang lock sa loob at isinara ito.  Sumandal ako sa may railings ng hagdan at kitang-kita sa aking harapan ang nag-iisang family picture namin... Kailan ba yan kinunan? Wala akong maalala. Nakadisplay naman katabi ng family picture namin ang police uniform ng papa ko at mga parangal na nakuha nito nung siya'y nabubuhay pa. "Wow, kung sino pang patay siya pa yung importante. Paano naman yung humihinga pa? balewala pa kasi hindi pa patay? tssss." mahina kong sambit sa aking sarili. Tinignan kong muli yung malaking ngiti ng aking erpat sa litratong nasa aking harapan. "Peke, plastik." bulalas ko. Ang tanging tao na aking kinakatakutan noon ay ang aking ama. Tao siya kapag nasa labas ng bahay, halimaw siya kapag nasa loob. "Jaq!" rinig kong sambit ng isang may edad ng babae sa may hagdan. Patuloy siya sa pag akyat at lumapit sa akin. "Nandito ka pala, sana tinawagan mo muna ako na makakapunta ka..." sabi niya at inabutan ako ng maiinom na akin namang tinanggap. "Nasaan si jackie?" tanong ko sa mama ko. "Nasa sala, nandoon lang ako sa kusina kung may kailangan ka." sabi niya at agad na rin akong iniwan. Hindi ko alam kung iinumin ko ba yung coke na binigay niya sa akin o hindi... Napatingin ulit ako sa may family picture namin kung saan kinuha dalawang buwan bago mamatay si papa. Naaalala ko pa na siya pa ang nagpumilit magpakuha kami ng family picture para i-paframe niya at i-display sa bahay dahil ang tunay daw na pamilya ay may family picture. Kalokohan. "Sa palagay mo ba ang pagkuha ng family picture ay tanda ng isang tunay na pamilya?" tanong ko sa larawan ng aking erpat. Family is supposed to be our safe place. Pero kadalasan, ito ang lugar kung saan nakukuha natin ang sanhi ng ating depresyon. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD