Simpleng bagay
•••
Pagkatapos ng seminar agad namin tinungo ang guidance office.
"Next time, 'wag niyo na ulitin 'yon ah." mahinahon na suway ni sir agustin habang inaabot isa isa sa amin ang aming mga cellphone.
Paano 'di mahinahon eh may bisita siya tss two faced.
"Yes sir!" pagsang-ayon naming apat.
Pagkakuha namin ng cellphone agad na kaming naglakad palayo sa lugar na iyon.
"Next time wag niyo na ulitin yon ah~ tss kingina niya ilang oras ako naburyong dahil sa pagkuha niya ng cp ko!" naiiritang saad ni seb.
"Dapat kasi next time 'wag na nilang ulitin yung nakakaantok na seminar na iyon tapos sila lang magpapapicture do'n sa magandang guest speaker!" saad ni niccolo.
"Binanggit yung pangalan niya kanina 'di ba?"
"Ay gagu oo nga! ano ba ulit 'yon?" pilit inaalala ni niccolo ang pangalan nung guest speaker.
"Pambihira naman hindi kasi kayo nakikinig kanina eh!" sumbat ni lucas.
"Pasensya na, nabighani sa kagandahan eh!" saad ni niccolo at pinipilit pa rin na maalala yung pangalan nung babae "Something na may E 'yon eh~" dugtong pa nito.
Bahala sila d'yan mag-isip basta ako naaalala ko pa at wala akong balak i-share.
Nandito kami nakaupo sa may side walk na malapit sa gate ng school at kumakain ng tokneneng.

"Tangina aga pa, ano plano?" tanong ko sakanila kasi ayoko pa umuwi.
"Prelim na next week..." sambit ni seb.
"Makapag-alala ka naman akala mo nag-aaral ng mabuti ampota." bwelta ni niccolo kay seb.
"Tangina nito panira ka?" pabulong na sambit ni seb sabay palihim na tinuro yung magandang babae na bumibili ng kwek-kwek sa gilid.
"Grabe! Buong araw ako magrereview bukas taragis ang hirap mag codes tapos on the spot pa sa lunes!" bulalas ni niccolo.
Tangina ng dalawang ito.
"Pare sakit no'n sa ulo noh? waaah ang hirap talaga maging I.T!" pagpaparinig ni seb habang yung mga samahan ng kababaihan ay parang ewan na nagbubulungan din.
"Kuya goodluck hahahaha~" sabi nung isang babae na maligalig.
"At sumainyo rin hahaha!" panlalandi ni niccolo.
"Luhhh kuya naman eh hahaha~"
"Hay nako hindi ko maintindihan si niccolo, panigurado naman akong may nagkakagusto d'yan...ayaw lang siguro patulan." pabulong na sambit ni lucas sa akin dahil this time kami naman ang magkatabi at yung alaga naming aso't pusa ang magkatabi. Pinabayaan na namin muna sila, nakakapagod din silang alagaan.
"Tangina niyan napaka choosy niyan eh." sabi ko at pareho lang kami ni lucas na nakatingin sa dalawa at doon sa grupo ng mga kababaihan.
"Hindi ka ba napapagod kuya?" sambit nung babae.
"Bakit naman?" painosenteng tanong ni niccolo na alam ko naman na alam niya na yung banat na iyon.
"Kasi palagi kang tumatakbo sa isipan ko HAHAHAHA!" pagkasabi niya no'n para siyang kiti-kiti na pinaghahampas yung mga tropa niya.
"Parang gagu pota." sambit ko ng marinig yung banat nung babae.
"Anong meron dito?" biglang sulpot ni maki sa tabi ni lucas.
Tinuro namin yung kaganapan sa kabilang pwesto at yung itsura ni maki ay para bang nairita
"Pambihira..." tangi niyang na sambit.
"Puwede bang malaman yung pangalan no'n ni ate?" sambit ni seb habang nakaturo doon sa tinutukoy niya kaninang maganda.
"Huy pangalan mo daw bes~" sabi nung isang tropa.
"Sam."
"Ahh akala ko kasi mine~" banat ni seb.
"Luhhh~ hahaha~" mahinhin na sambit nung sam na halata namang kinikilig.
"Binebenta niyo ba yung bahay niyo?" tanong ni niccolo do'n sa sam.
"Huh hindi po~"
"ibenta niyo na lang bahay niyo, libre ka naman tumira sa puso ko." banat ni niccolo at yung mga grupo ng kababaihan ay kinikilig.
"Awatin niyo na 'yang dalawa niyong tropa huy!" sambit sa amin ni maki.
"Tangina maaawat mo ba 'yan?" sambit ni lucas.
"Ikaw ba ang kadiliman?" sabi naman ni seb.
"Bakit?" mahinhin na sagot nung sam habang nakangiti.
Nagugustuhan niya siguro yung atensyon na nakukuha niya mula sa dalawang kupal na ito.
"Wala na kasi akong makitang iba kapag nandiyan ka..." banat ni seb sa dalaga.
"Sinabi mo na 'yan sa ex mo dati! lul!" sigaw ko kay seb.
"Pakyu." bigkas ng kaniyang labi sa akin dahil walang sounds yung pagkakasabi niya no'n.
"Maki tara na?" aya sakanya ng paparating pa lamang na si salem.
"Okay~"
Tinignan kami ni salem na para bang isa kaming pulubing nanlilimos sa daan.
"Hays..." kinuha nito ang kaliwang kamay ni lucas at may nilapad na fifty pesos. "Pamasahe niyo pauwi." dagdag nito at hinatak na si maki para tumawid sa kabila.
"Nung first year tayo isang daan pa nalilimos natin sakanya ah?"
"Hindi na ata tayo gano'n ka dugyot..." sagot ni lucas sa akin.
"Hoy! saan ka pupunta xowie?" sigaw ni niccolo pero nung nilingunan siya nito ay dinilaan lamang siya.
Tumayo na kami sa pagkakaupo ni lucas.
"Tara na?" aya namin sa dalawa.
"Saan tayo?" tanong ni seb habang tumatayo at pinapagpagan ang puwetan nito.
"Sainyo!" sabay naming sambit ni lucas.
•••

Kakasakay lang namin sa jeep na papunta kina seb. Ako, si niccolo, at lucas ang magkakatabi sa loob ng jeep, sa dulo bandang kaliwa. Samantalang si seb ay sasabit.
"Dalawa pa, dalawa pa lalarga na!" sigaw ng konduktor sa labas.
"Kuya naman, tatlo na nga kaming sabit dito tapos magtatawag ka pa ng dalawa?" bwelta ni seb.
"Mukhang may kaaway na naman yung tropa natin sa labas ah?" sabi ko sa dalawa.
"Kunwari 'di natin siya kilala ah..." pabulong na sambit ni niccolo.
"Eh karsya pa dalawa sa loob eh!" bwelta nung konduktor.
"Ikaw kaya umupo do'n, tignan mo kung magkarsya ka!" sigaw ni seb.
"Oo nga naman~" mga bulong bulungan sa loob ng jeep.
"Dalawa pa! Tig-isa kabilaan!" patuloy na sigaw ng konduktor.
"Pambihira! Ang hirap niyo naman pakisamahan kuya!" sambit ni seb.
"Tigilan mo na, wala kang mapapala d'yan!" sabi ng isang matanda na nakaupo sa tapat ko.
Gano'n naman talaga karamihan sa mga tao, mahirap silang pilitin sa mga bagay na hindi nila naiintindihan.
Ilang minuto pa ang tinagal namin bago tuluyang makalarga na ang sinakyan naming jeep at ilan na rin ang pumapara at sumasakay. Kanya-kanya kaming labas ng cellphone at rinig ko pa ang pagngisi ng katabi kong si niccolo. Tinignan ko siya at bigla na lamang nagpop-up sa screen ng cp ko yung gc namin na F4 na may mga nicknames na;
sebolok jeje (seb)
nico nico nii (niccolo)
lucalucas (lucas)
jaq ass (jaq)
nico nico nii: natatawa ako dito sa katapat ko sa jeep hahhahahaha
lucalucas: bakit?
jaq ass: anong meron? hahaha
Tumingin ako sa katapat niyang lalaki at tinitignan nga siya!
nico nico nii: tingin kasi ng tingin saken akala niya ata kinikilig ako sa chat natin
jaq ass: gagu
lucalucas: anong nakakatawa don?
nico nico nii: gagu di niya kasi alam na binulsa ko na yung sukli niya HAHAHAHAHA
lucalucas: kupal ka haahhahahaha
Palihim na natawa na rin ako.
jaq ass: HAHAHAHAHA magkano?
nico nico nii: 11 hahahahaha
lucalucas: Paghatian na natin yan!
nico nico nii: tangina 11 na nga lang makikihati ka pa?
jaq ass: akala ko ba mayaman ka niccolo?
nico nico nii: inanyo
Pagbaba namin sa jeep, bungad agad ang labasan ng lugar nila seb na isang mala-squatters area. Kung ikukumpara, ibang-iba ang lifestyle dito kesa sa amin tatlo nila niccolo at lucas. Kaya medyo may ugaling squatters si seb dahil simula bata dito na daw siya lumaki.
Ilang tambay pa muna ang kinamusta ni seb bago namin marating ang bahay nilang akala mo ay garden ng talong.
"Favorite talaga ata ni tita ang talong..." bulong ni niccolo dahil sa kakulay ng bahay nila seb ang kulay ng talong.
"Tara pasok!" aya ni seb sa amin.
"Nandito na naman kayo?" bungad ng nanay ni seb sa amin.
"Hello po tita!" bati namin sakanya.
"Si tatay?" tanong ni seb sa nanay niya.
"Bakit mo hinahanap? wala 'yon pera matumal ang pasada no'n!"
"Tinatanong lang kung nasaan si tatay kung ano-ano na naman sinasabi niyo d'yan..."
Sanay na kami sa kanilang dalawang mag-ina simula first year pa lang at syempre kilala niya na din kami. Tumatambay kasi kami palagi sakanila dati.
"Ano na naman ba gagawin niyo dito ha? mag-iinuman lang?" pabiro niyang tanong sa amin.
"Bakit tita, may empi po ba kayong nakahanda d'yan para sa amin? hahaha!" pabirong sabi ko.
"Kayo talagang apat puro kagaguhan!" sabi niya sa amin habang pinagkukutusan kami ng mahina.
"Nay! doon lang kami sa taas ah!"
"Jusmiyo buti na lang naglinis ako d'yan. Dito ba kayo magsisitulog ha?"
"Oo nay, overnight kami!" sagot ni seb sa nanay niya.
"Overnight, maglalasingan lang kayo d'yan!"
"Tita, huwag kayo mag-alala mapapakinggan niyo na naman yung maganda kong boses." sabi ni niccolo at inakbayan ang nanay ni seb.
"Jusmiyo niccolo subukan mo lang, makakauwi ka na!"
"Luhhh si tita napaka harsh sa akin~"
"HAHAHAHAHAHA!" tawanan namin.
Si seb kasi ang bunso sakanila at meron siyang dalawang kuya. Yung panganay may sarili ng pamilya, yung pangalawa ay isang call center agent. Si seb na lang talaga ang palamunin sakanila.
Nasa balkonahe kami nila seb at may maliit na mesa na may nakapatong na sisig, luto ni Nanay Lolita yung nanay ni seb at 1.5 na royal.
"Ayan na oh~" sambit ni seb habang nilalapag yung mga photocopy sa lectures namin sa iba't ibang subject.
"Papaturo ka ba sa networking 2 mo?" tanong ni lucas kay seb.
"oo, gagu hirap eh nalilito ako!"
"sige sige."
"Mag rereview ba talaga tayo?" tanong sa akin ni niccolo.
"Oo gagu baka ibagsak tayo ni sir vergario niyan..." sabi ko sakanya.
"Takot ka do'n? puro tulog nga lang ginagawa no'n!" sumbat niya.
"Buti na lang talaga na advance na namin ni lance 'yang mobprog." sambit ni lucas.
"inanyo kasi mga mang-iiwan!" sabi ko sakanya habang tinitignan yung photocopy ng ilang codes.
"Bakit hindi ka na lang nag med na course, niccolo?" tanong ni seb habang nagsasalin ng royal sa baso niya.
"Kingina nakikita ko kasi kung ano puwedeng mangyari..." saad nito.
"Ano naman?"
"kunwari naging doktor ako tapos yung pamilya ng pasyente nag-aantay sa akin sa labas ng operating room..."
"Mahabang kwento ba 'yan?" bwelta ni seb na hindi pinansin ni niccolo.
"Baka kasi sabihin ko, I'm sorry ginawa na namin lahat ng makakaya namin. Tapos magsisipag iyakan sila sa harapan ko..."
"Normal naman yung gano'n ah?" sambit ko.
"Oo pero dudugtungan ko ng, Charot lang joke lang po 'yon...okay naman siya ayon tulog, gisingin niyo na lang. Tapos sabay alis."
"Gagu wala kang kwenta!" sambit sakanya ni seb.
"Akala mo siya meron..." bwelta ni niccolo.
"Kingina lahat naman tayo wala pang kwenta!" sambit ko.
"Gagu kahit papaano may ambag ako sa pinas!" sabi ni niccolo.
"Ano bang ambag mo sa pinas, ha?"
"kanino ba i-a-abot yung ambag?" tanong ni lucas.
"Pota may ambagan?" sambit ni seb.
"Kingina niyo talaga, mga hinayupak kayo! Hahahahaha!" bigkas ni niccolo at nagtawanan na din kaming lahat.
"Konting tiis na lang, ga-graduate na din tayo tapos magkakatrabaho na din." positibong saad ni lucas.
"Tama tama!"
Kaniya-kaniya kaming nagsalin ng royal sa aming mga baso.
"Ga-graduate us!" sigaw ni seb at angat ng kanyang baso sa aming harapan.
"Ga-graduate!" pagsang-ayon naming tatlo at sabay-sabay kaming apat na uminom.
"Tara na ML na! Rank game!" aya ni seb at binagsak yung photocopy niya sakanyang binti.
"Akala ko ba magrereview?" tanong ni lucas na sinisimulan na rin i-open yung ml niya.
"Review review, syempre pakitang estudyante lang 'yon!" sambit ni niccolo.
"Osya G na!" sabi ko.
At ayon na nga... ilang oras na naman ang mawawala sa amin dahil sa paglalaro ng ml. Yes, This is the life.
•••