Ang huling speaker
•••
Nagkaroon ng noon break kaya pinayagan kaming lahat na lumabas at bumalik sa auditorium ng alas-dos. Kumain kami sa may paborito naming karinderya sa tapat ng school. Giniling ang sa akin, porkchop naman ang kay niccolo at lucas, kay seb naman ay adobong baboy.
"Babalik pa ba tayo do'n?" tanong ni niccolo.
"Taragis na 'yan huwag na! Ang boring boring doon!" sabi ni seb.
"Tanga sayang yung nasayang na nating oras atsaka wala pa tayong attendance, sayang punta."
"Taragis naman tutulugan ko 'yon mamaya!" naiinis na sambit ni seb.
"Gagu umayos ka, na kay Sir Agustin pa yung cellphone natin." sabi ni niccolo.
"Parang may magchachat sayo na chixx do'n, eh wala ngang nagkakagusto kahit isa sayo!"
"Gagu bagong bili lang kasi 'yon!"
"Pake ko?"
"Pake mo? kasalanan mo kaya kung bakit nakuha 'yon! Nag-aya ka pa mag ml!"
"Luh game na game ka ngang gagu ka!"
"Awat na pambihira!" pag-aawat ni lucas sa dalawa dahil napagigitnaan siya nito.
Hindi pwedeng ipagtabi si seb at niccolo dahil lalong iingay ang paligid namin.
Matiwasay kaming nakatapos ng kain at dahil wala pang alas-dos, tumambay muna kami sa may waiting shed para magyosi. Ako, si niccolo, si lucas, si seb at yung mag-ina na nag-aabang ng jeep ang nakaupo sa waiting shed. Buti na lang talaga wash day ngayon baka isipin nung nanay, masyado nang napapariwala ang mga kabataan ngayon.
"Ang init-init naka long sleeves ka?" sabi ni niccolo sa akin habang hinahawakan ang damit ko.
Naka puting long sleeves shirt kasi ako ngayon para matago yung mga hiwa ko sa pulsuhan.
"Walang basagan ng trip." sabi ko sakanya.
"Kainin mo na 'yan kasi hindi ka pa nag tatanghalian." rinig naming sabi ng nanay sa anak nito na siguro anim na taon pa lang, at may hawak-hawak na yum burger.
"Hawak ko lang, ayaw ko pa."
"Sige ka, kapag hindi mo pa kinain 'yan ibibigay ko 'yan sa katabi natin." dagdag nitong sambit sabay tingin kay seb dahil siya ang katabi nila, bilang tugon ngumiti sakanila si seb.
"Ayaw!" pagmamatigas ng bata.
"Hindi ba binigyan kita ng t-shirt na baybayin yung tatak?" tanong ni lucas sa akin.
"Oo sinusuot ko kapag nasa bahay."
"Hanep na 'yan pinapambahay lang niya oh!" sambit ni niccolo.
Mga naka t-shirt kasi sila. Kulay itim na may tatak na ᜏᜎᜅ᜔ ᜀᜎᜋ᜔ (walang alam) si seb at syempre hindi niya alam kung ano ibig sabihin nung nakasulat kasi hindi naman siya marunong magbasa ng baybayin, tinulugan ba naman yung filipino 2 namin. Si niccolo naman naka suot ng maroon na tshirt na may tatak na ᜎᜒᜊ᜔ᜍᜒ ᜃᜎ᜔ᜆ᜔oᜃ᜔ (libre kaltok) kagaya ni seb, wala din siyang kamalay-malay sa baybayin. Si lucas naman ay nakasuot ng puting tshirt na may tatak ᜃ᜔ᜏᜒᜈ᜔ᜆ᜔o ᜋ᜔o ᜐ ᜉᜄ᜔oᜅ᜔ (kwento mo sa pagong) mahilig kasi si lucas sa baybayin, mas gusto niya ito kaysa sa binary at ASCII codes.
"Kaya nga hindi ko sinuot para hindi masira yung pagiging Rowdy Ruff Boys niyo." sabi ko sakanila.
"Rowdy ruff boys na walang power puff girls huhuhu!" pagdadrama ni niccolo.
Sampung minuto na rin ang lumipas at 1:45 pa lang.
"Ibibigay ko na talaga 'yan kay kuya!" sabi nung nanay kasi hindi pa din kinakain nung bata yung yum burger niya.
"Hindi pa ako gutom!" sagot ng bata.
"Hindi pa ba tayo babalik do'n?" tanong ni lucas habang tinatapaktapakan yung upos ng kaniyang yosi.
"Maya-maya na di pa naman magsisimula 'yon agad." sabi ni seb habang inaalukan si lucas ng double mint.
"Sabagay..." pagsang-ayon namin sakanya.
Sampung minuto na ang lumipas, 1:56 na at kailangan na namin makabalik doon dahil baka mawalan kami ng upuan.
"Tara na?" mahina kong pag-aaya sakanila.
"Hindi mo pa din talaga kinakain 'yan? Ibibigay ko na talaga 'yan kay kuya!"
"Hindi pa ko gutom nga!"
"Gusto mo talagang ibigay ko 'yan kay kuya ah!"
Patayo na sana kami ng mapansin namin si seb na kinalabit yung nanay.
"Nay, kanina pa po ninyo sinasabing ibibigay niyo sa'kin 'yang yum burger. Mag aalas-dos na po, kailangan ko ng bumalik sa school kanina pa pero kakahintay ko d'yan sa yum burger baka mawalan ako ng upuan. Ano, ibibigay n'yo po ba o hindi?" sambit nito sa nanay na nabigla sa sinabi ni seb.
Hinatak na namin si seb palayo sa mag-ina kasi taragis nakakahiya!
"Pasensya na po hahahaha!" pagpapaumanhin namin.
At ng makalayo na sa shed ay binitawan na namin si seb.
"Tangina mo talaga seb!"
"Bwisit kasi yung nanay, kanina ko pa hinihintay yung yum burger ang tagal-tagal ibigay!"
"Gagu!" sambit ko sabay batok sakanya na ginaya din ng dalawa.
•••
Pagbalik namin sa auditorium, may mga kupal na umagaw sa pwesto namin at ang libreng puwesto na lang ay ang row na pang lima sa harap.
"Paano ko tutulugan ngayon 'to? taragis naman talaga!" reklamo ni seb.
"Ikaw nagsabi na mamaya na tayo umalis do'n sa shed kaya kasalanan mo 'to!" sumbat ni niccolo.
"Bwisit talaga yung nanay na 'yon tapos alaws pa yum burger pota, paasa."
Saktong alas-dos na pero hindi pa din nagsisimula ang part 2 ng seminar at may dalawa pang guest speaker na magsasalita.
"Jaq!" sigaw ng babae na nakaupo sa harapan namin.
"Kung minamalas ka nga naman..." pabulong kong sambit.
"Sabi ko na nga ba at kusa ka ding lalapit sa akin." sabi niya habang naka lingon sa amin.
"lul!"
"Sining baka may kakilala ka naman d'yan oh~ baka naman!" sabi ni niccolo habang lumalapit sa kausap niya.
"Anong course ba bet mo?"
"Nursing para she can take good care of me forever hehehe~"
"tangina nito, mama mo lang ata kailangan mo o kaya katulong." sambit ni seb.
At sa kamalas malasan, ako na naman ang napapagitnaan ng dalawa. Si lucas nandoon sa dulo katabi ng pader.
"Gawin ko katulong mama mo d'yan, manahimik ka!"
"Gawin mo na lang mama ko, mama mo! tutal ang ingay-ingay no'n tuwing umaga lalo na kapag nagagalit."
"lul namo 'wag na lang!"
Sa gitna ng bangayan ng dalawa, nakatitig lang sa akin si sining. She looked at me like there was something in me worth looking at.
"Tinitingin tingin mo d'yan?"
"Alam mo masarap mapunta sa tamang tao, try mo sakin." banat niya sabay ngiti.
"Ayoko nga."
"Try mo sakin promise 'di ka magsisisi." sambit ni niccolo pero hindi siya kinibo ni sining. "Pero kung ayaw mo baka may kapatid ka d'yan, 'yon na lang!" dagdag pa nito.
"Lalaki 'yon..."
"Nubayan!"
"Huwag ka mag-alala niccolo, may kilala akong nursing ang course kapag nakita ko siya i-rereto kita!"
"Ayooown~ wait ko 'yan ah!"
Masayang bumalik sa pagkakaupo si niccolo.
"Para kang tanga..." sabi ko sakanya.
"Two years na ako walang jowa, normal pa ba 'yon?"
"Kingina ka, ako nga three years eh, nagreklamo ba ako?"
"Gagu ako nga simula first year pa lang, 'di naman ako umaangal." sambit ni lucas.
"Basta ako waiting ako na sagutin ni jaq!" sabi ni sining.
"Hindi nga kita gusto."
"Hindi pa!"
"Hindi. kahit. kailan."
"Tangina sana all may kalandian!" pagseselos ni niccolo.
"May iba ka bang gustong babae?" malungkot na tanong ni sining sa akin.
"Nako oo! meron, cute no'n!" sambit bigla ni seb.
"Daya mo, 'di mo man lang iniisip yung nararamdaman ko." malungkot niya pa ring bigkas.
"Lalo na kapag nakita mo pa yung ex nito!" sabi ni niccolo pero medyo off limits na yung topic kaya siniko ko siya.
"Yung ex niya? Anong laban ko do'n baka baby face 'yon, samantalang ako baby mo. rapapampam~"
"Woooahh hahaha!" natatawang reaksyon ng tatlo.
Tanginang 'yan.
"Sining, ayos na magsisimula na." saway sakanya ng katabi niya kaya umayos na siya ng upo at humarap na sa harapan.
"At ano na namang kabobohan ang pinag-uusapan ninyo?" biglang sulpot ni salem sa amin at umupo sa extrang upuan.
"At bakit dito ka uupo ha?" sambit ni niccolo sakanya.
"Bakit, iyo ba 'to? may pangalan mo?"
"Tangina g na g agad ah, ano may dalaw?" sambit ni seb.
"Dinalaw ako ni san pedro kanina, tinatanong kung saan ka nakatira kaya mag-ingat-ingat ka pauwi baka inaabangan ka niya."
"Pakyu!"
Palingon-lingon din si sining sa amin pero yung tipong inoobserbahan niya lang ang mga kaganapan sa row namin.
"Ano na naman ba kinaiinisan mo? nananahimik kami dito." bigkas ko.
"Kasi naman, look--" sabay turo niya sa dati niyang pwesto na inuupuan ni Sir Agustin. "Inagaw ng panget na 'yon ang upuan ko!" dagdag pa niya.
"Aware ka na professor siya 'di ba?"
"Wala akong pake kung professor siya o anak pa siya ng presidente, nauna ako sa pwestong iyon tapos gagamitin niya sa akin ang Professor ako excuse niya?"
"Bakit may pangalan mo ba yung upuan na 'yon ha?" tanong ni lucas.
"Oo meron! mygooosh~"
"Ang arte talaga ng babaeng 'yan..." bulong ni seb sa akin.
"Kaya siguro walang tumatagal sa kanyang mga jowa niya."
"Totoo."
"Tama lang couz na magalit ka sakanya, kinuha nga niya cellphone namin apat eh!" pagsusumbong ni niccolo.
"Wala akong pake sa nangyayari sa buhay niyo, pwede ba?"
"Kingina nito bahala ka sa buhay mo, huwag ka ngang tumabi sa akin!" reklamo ni niccolo.
"Pwede ba?" tinaasan nito ng kilay si niccolo.
"away na 'yan, away na 'yan~" pabulong naming bigkas na tatlo.
"Bahala ka sa buhay mo masyado kang ma-attitude, maganda ka lang naman kaya madaming nagkakagusto sayo pero tignan mo, isa lang kaibigan mo tapos mukha pang tinitiis yung ugali mo."
"Ohhh off limits na~" side comment namin tatlo.
Salem has a weird habit of being herself all the time kaya karamihan ng mga estudyante dito, hindi siya gusto.
"At anong gusto mo, mapaligiran ako ng mga pekeng kaibigan na maaalala lang ako kapag may kailangan sila sa akin? No thanks. Swerte ka kasi lalaki ka, you wouldn't understand how serious girls are with friendship. One mistake means friendship over."
"Taragis na 'yan, tampuhan lang pero walang inglesan! pambihira!" napakamot ng batok si niccolo ibig sabihin nun nasa awkward situation siya at kailangan niyang magparaya.
"Tsss..." nag roll eyes si salem sakanya at mataray na tinuon ang kaniyang pansin sa harapan habang nakahalukipkip at cross leg.
"Lesson learned, 'wag mong iinisin ang babaeng naiinis na kasi i-englishin ka niya." pabulong na bigkas ni seb
•••
2:30 nagsimula ang unang guest speaker at yung mga una niyang pinagsasabi ay napaka boring na halos napapapikit na kami.
"I-uwi ko na lang kaya siya para mabilis ako makatulog tuwing gabi?" pabulong kong sabi.
"Tangina ano ba pinagsasabi niya, lullaby ba?" pabulong na bigkas ni lucas.
"Duuhh he's talking about stress management, mga bobo." sambit sa amin ni salem.
"ahh sorry po sorry po, makikinig na po kami ma'am." para akong hapon na nagba-bow pa.
"nye nye nye nye~ arte pota." pabulong na sabi ni seb.
"shhh!" saway ni niccolo at naniningkit na nakatingin si salem kay seb at ginantihan rin ito ni seb ng naniningkit na tingin.
"Tsss dugyot." sambit ni salem at balik tingin sa harapan.
May hawak-hawak na clear na baso at may lamang tubig ang speaker at pinakita niya ito sa amin na halos hanggang gitna lang ang lamang tubig.

"Ano, tatanungin niya ba tayo kung half empty o half full 'yan?" pabulong na tanong ni lucas.
"Sa tingin ko half full 'yan." sagot ni seb.
"Half empty." sagot ko.
"How heavy is this glass of water?" Tanong ng speaker sa aming lahat habang inaangat ang hawak-hawak niyang baso na may lamang kalahating tubig.
May mga sumisigaw na 8 oz, 10 oz, 5oz at kung ano ano pang numero na maisip ng ibang estudyante. Isa si sining sa nagtaas ng kamay.
"Pwede po bang hawakan?" tanong nito.
"Oo naman!" inabot sakanya ang baso at kanya itong inanalyze at isinaoli ito sa speaker.
"I think it's ranged from 8 oz to 20 oz?" bigkas nito.
Typical na pabida bidang kaklase tsss.
Bumalik ang speaker sa harapan habang inaangat pa rin ang hawak niyang baso at nakangiti sa aming lahat.
"The absolute weight doesn't matter." sabi nito at rinig sa auditorium ang mga dissapointed na mga estudyante.
Tinignan ko si sining at halata sakanya ang pagkadismaya na hindi siya tama dahil sa pagbagsak ng kaniyang dalawang balikat.
"It depends on how long I hold it. If I hold it for a minute, it's not a problem. If I hold it for an hour, I'll have an ache in my arm. If I hold it for a day, my arm will feel numb and paralysed."
Halos lahat ng estudyante ay nakatuon ang pansin sakanya o baka ganito lang talaga ang point of view kapag nakapuwesto ka sa harapan?
"In each case, the weight of the glass doesn't change but the longer I hold it, the heavier it becomes."
Ipinuwesto niya na ang basong hawak niya sa table.
"The stresses and worries in life are like that glass of water. Think about them for a while and nothing happens. Think about them a bit longer and they begin to hurt. And if you think about them all day long, you will feel paralysed, incapable of doing anything."
Lahat ng sinabi niya ay may sense...
"Remember to put the glass down and remember to ask help from God. He will help you during your difficult and trying times. Just pray and he will heal you." pagtatapos ng kaniyang topic.
Pinalakpakan namin siya at syempre may pa receive receive certificate at picture taking pa silang nalalaman.
"Mali siya~" sambit ni seb.
"Ang dami-dami niyang sinabi pero ang totoo, kapag stress ka uminom ka ng madaming tubig!" pagtatama niya.
"Tama tama! sino ba namang bobo ang stress na nga tapos itataas pa yung baso na may lamang tubig?" sambit ni niccolo.
"Jusmiyo!" napa face palm na lamang ako.
"Ewan ko sainyong dalawa..." sabi ni lucas.
"OMG gaano kayo kabobo? Obvious naman na example lang 'yon para mas maintindihan ng mga katulad niyo." sambit ni salem.
"Hanggang dito lang oh, hanggang dito!" sabi ni niccolo habang gumuguhit ng linya na pumapagitan sa amin at kay salem.
"Ahh barrier ng katangahan, of course of course." patango tangong tugon ni salem habang nakataas ang dalawang kamay, sinyales na wala siyang palag.
Halos karamihan sa mga lalaki ay nabighani sa ganda ng huling guest speaker. Maamo ang kaniyang mukha na halos bagay sa kanya ang light make up nito at pulang labi. Halos kita yung ganda niya dahil nakapusod ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng itim at magarang dress na binagayan din ng pula nitong heels.
"Tangina save the best for last!" sambit ni seb.
"Ano po sss niyo!?" sigaw ni niccolo at pinag-gagaya na ng iba.
"Hi, I'm Egoe Marquez." bati nito sa boses na malaki na para bang pang lalaki pero pang babae rin...
"Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa, taas ang kamay ng mga depress." biglaan niyang sabi.
Tumingin-tingin ako sa paligid at wala ni isa ang nakataas ang kamay.
"Wala? Come on, imposibleng wala." bigkas nito na para bang siguradong sigurado siya na meroon nga.
"Is having depression to be embarrassed of? Ha, anyone?" Tanong niya ulit.
Dapat bang ikahiya 'yon? I mean, paano kapag nalaman ng iba na mentally unstable ka? Syempre for sure lalayuan ka nila.
"Everyone has a chapter they don't read out loud, and that is depression." sabi niya habang hinihila yung isang upuan sa gitna ng stage.
"Depressed people doesn't know how to live, they just know how to survive." sabi niya at umupo na sa upuan. Nakacross leg ito at yung awra niya ay para bang napaka confident niya. Walang bahid ng takot.
"Depression is living in a body that fights to survive with a mind that tries to die. Simple as that." pagpapatuloy niya.
Masyado siyang straight to the point hindi katulad ng mga tatlong naunang speaker, nagdadahan dahan sila sa mga sinasabi nila pero siya...
"Mental pain is less dramatic than physical pain, but it is more common and also more hard to bear. The frequent attempt to conceal mental pain increases the burden. It is easier to say, my tooth is aching than to say my heart is broken."
Lahat ng sinasabi niya ay may sense na halos alam niya yung sinasabi niya.
"Grabe ang ganda niya pati ng boses niya habang nagsasalita..." pabulong na sabi ni niccolo.
"Tangina single pa kaya siya?" tanong ni seb.
"Ganiyan kaganda single pa din? imposible." bwelta ni lucas.
"Tama huhuhu!" pagkadismaya ng dalawa.
"Hay nako mga lalaki talaga laging bumabase sa itsura!" reklamo ni salem.
"Wow coming from a girl na bumabase din sa itsura!" bwelta ni niccolo.
"The worst part of depression is, people who don't have it, they just don't get it." pagpapatuloy ng speaker at yung mata niya ay lumilibot sa buong auditorium.
"When you're depressed you don't control your thoughts, your thoughts control you. Kaya don't just simply say to them na you need to pray to God kasi he will heal you, dahil hindi mo alam kung ilang beses niya ng ginawa iyon... kneeling down while begging and crying for help pero bakit walang nangyayari?" sabi niya habang nakangisi na mapanloko.
"Don't even say na they need to think positive dahil all they think about are negative thoughts." dugtong niya pa.
"Something about her feels weird and strange~" mahinang sambit ni salem pero rinig pa din namin
"Selos tawag d'yan kasi mas maganda siya sayo" bwelta ni niccolo na nakatanggap naman ng hampas sa braso.
"Can you feel it? The dead weight of your legs from the sleeping pills, the dizziness from the alcohol, the soft throbbing of your pulse as blood is pumped out your wrists? That's it. That's what we've been waiting for, that's the quiet comfort. The beauty of dying." mala dramatiko niyang bigkas na para bang dinadamdam ang bawat salita/
"Then, let's talk about suicide... No one kills themselves in suicide. It's someone else inside of them. They're the ones who controls the razor. They pull the rope over your neck. They pull the trigger, And they swallow the pills. They write your goodbye letter because in the end, the person who dies isn't you."
Nakikita namin na halos nagbubulong bulungan na yung mga prof sa harapan. Siguro iniisip nila na masyadong marahas na yung sinasabi niya pero ayon naman talaga ang totoo. Sa totoo lang ayoko matapos yung sinasabi niya.
"And where does it all begin? sino ang cause? the choices are...the family, friends, any loved ones? Any guess?" nilibot-libot niya ang kaniyang tingin pero ni isa ay walang tumataas.
"It's the parents." sagot niya sakanyang tanong "Why are parents allowed to yell and scream at their children and call them names and just make them feel like s**t in general, but when kids try to defend themselves it's disrespectful? well, what kind of f*****g s**t parents do you have?" pagpapatuloy nito.
Nakita namin na lumapit ng kaunti yung college president namin sa stage para siguro sawayin siya sa choice of words niya.
"Oops pasensya na, I'm fluent in bad language kasi." paghihingi niya ng paumanhin "A child that is being abused physically, emotionally or mentally by its parents doesn't stop loving their parents. It stops loving itself and that can lead to depression." pagpapatuloy niya.
Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo at umabante ng isang hakbang sa harap.
"I advise you not to hide your feelings. Don't pretend to be okay when you're not okay. Don't pretend to be happy when you're sad it only lead you on to your misery." nag bow siya ng mga 25° bilang tanda na tapos na siya.
Sinamahan na din siya ng ibang prof para iabot ang certificate at magpapicture... maarte niyang hinawakan ang certificate pero yung ngiti niya napakalaki. Pekeng ngiti.
"Wow finally natapos na din!" banggit ni salem.
Nagbuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa tatlo.
"Ang pangit ng vibes!" sabi ko na sinang-ayunan naman nila.
"Anong tawag sa pusa na nasa gitna ng edsa?" tanong ko sakanila.
"Ano?" tanong nilang tatlo.
"Matapang".
Napahilamos na lamang ng mukha si lucas , si salem medyo napangiti... narinig niya ata. Pero si seb at niccolo medyo slow.
"Huh? paano naging matapang 'yon eh parating trapik sa edsa!" sambit ni niccolo na sinang-ayunan naman ni seb.
"Tangina ayoko na nga magjoke!" sabi ko sakanila.
"Anong tawag sa kuto ng kalbo?" biglang bulalas ni salem.
"Ano?" tanong naming apat.
"Edi homeless. Ciao~" natatawang umalis si salem.
"Tangina paano magkaka kuto yung kalbo eh wala naman yung buhok...gulo talaga ng mga babae!" sabi ni seb
"Ewan ko sayo!" sabi ko at tumayo na sa pagkaka upo na ginaya naman nilang tatlo.
•••