Ang seminar
•••
Sabado, nandito kami sa auditorium ng school. Wala naman kaming saturday class kaso itong college president namin napaka daming alam nagpa seminar pa tungkol sa mental health awareness at ang malala pa doon required pumunta lalo na ang mga graduating students na may seminar class next sem. Hays!
"Sorry mga pre ngayon lang ako..." bungad ni seb sa amin dahil isang oras na siyang late.
"Mabuti tropa ka namin, ayan tinabihan ka namin ng upuan." sabi ko sakanya habang binababa yung bag ko na nakalagay sa extrang upuan para sakanya.
"Tangina mahal mo talaga ako eh noh~" sabi niya sa akin habang papaupo sa kanyang pwesto.
"Lul hindi ka kamahal mahal."
"Ano na pinagsasabi niyan?" turo ni seb sa nagseseminar sa harap dahil nasa dulong hilera kami.
"Malay namin d'yan mukha ba kaming nakikinig?" sagot ni niccolo.
"Ano nga ba maaasahan ko sayo?"
Buti na lang at napagigitnaan ko itong dalawang ito, hay nako.
"Tungkol sa mental health issues na naeencounter daw ng mga students." sabi ni lucas kay seb na nakaupo sa dulo, katabi ni niccolo.
"Pag-aksaya ng oras na nga dito isa ng mental health issue para sa akin eh, bakit irerequired kung wala naman sense sa pinag-aaralan?" reklamo ni seb.
"Tangina ka ikaw nga walang sense, importante 'yan syempre sa mga meron mental health issues!"
Isa sa mga rason kung bakit ako pumunta sa seminar na ito ay dahil sa topic...Mental Health. Baka sakali lang naman na makatulong yung mga speaker sa akin pero as of now, yung unang speaker ay napaka boring.
"But being sad is not the same as having depression. The grieving process is natural and unique to each individual and shares some of the same features of depression. Both grief and depression may involve intense sadness and withdrawal from usual activities."
Tanaw sa aming inuupuan ang naka upo sa harapan na sina Salem at Maki na may hawak na DSLR at sa kabilang side naman ay nakaupo sa harapan ang seryoso at napaka buting mag-aaral na si Sining na nag-te-take down notes pa sa kung ano man sinasabi ng lalaki sa harapan niya na halata naman na copy paste lang sa google ang sinasabi at hindi talaga alam ang sinasabi niya.
Bakit ba nag-te-take down notes yung babaeng 'yon? Ano may quiz lang pagtapos nito? jusmiyo.
"Huy sinisilayan niya si sining~" biglang sabi ni seb at sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Gagu hindi ah!" depensa ko.
"Ayieeee~" pang-aasar pa nilang tatlo.
"Hindi nga parang tanga 'tong mga 'to, issue putek!"
"Alam mo naman ang kasabihan di ba, kapag umamin sa iyo ang isang tao na may crush siya sa'yo, malamang sa alamang na magkakacrush ka din sa taong 'yon!" sabi ni niccolo.
"Tama tama!" pagsang ayon ni seb.
"Tanga, sa tv lang nangyayari ang ganiyan hindi sa totoong buhay, atsaka sigurado akong trip lang ako ng babaeng 'yon."
"Sang-ayon ako, kasi naman di hamak na mas gwapo ako kaysa sayo tapos bakit ikaw pa nagustuhan niya? Nakakapagtaka talaga 'yon!" reklamo ni niccolo.
"Tangina gwapo daw hahahaha saan banda? sa bunbunan?" sambit ni seb.
"Yung iyo nga nasa bayag eh."
"Pakyu." nag dirty finger si seb kay niccolo at ginantihan din ito ni niccolo.
"Tangina ng dalawang ito palaging nag-aaway ah..." sabi ni lucas na may pagkairita.
"Bobo kasi si lance!"
"Mas bobo ka pa sa bobo!"
"Pota pareho lang kayong bobo eh!" sambit ko sa dalawa.
Hindi talaga nawawalan ng araw na hindi nag-aaway itong dalawa, jusmiyo. Minsan kami na lang ni lucas sumusuko eh.
Halos wala kaming ginawa sa seminar at wala naman kaming pake sa sinasabi ng mga guest speaker dahil may sarili kaming mundo sa likod.
"Pota bobo panaw!" bulyaw ko.
"Tanga lance do'n sa bot!" sabi ni lucas.
"Tangina ng granger nila boy! Ang taba na!" sabi ni seb.
Nakatutok kaming apat sa aming mga cellphone at naglalaro lang kami ng Mobile Legends.
"Niccolo sige lang push mo lang d'yan sa top, gagu hintayin mo ako mabuhay..." sabi ko kay niccolo.
"Akin na 'yan mga cellphone niyo!" nagulat kami sa biglang nagsalita sa aming likod.
"Hindi kayo nakikinig ah! Akin na 'yan, kunin niyo sa akin 'yan sa guidance pagtapos ng seminar."
"Luhh Sir wait lang rank game po ito." sabi ni seb.
"Rank game rank game, wala akong pake!" sabi ni Sir. Agustin habang puwersahang kinuha ang cellphone namin.
"Kunin niyo ito pagkatapos ng seminar." sabi niya pa ulit bago tuluyang lisanin ang aming pwesto.
"Tanginang 'yan..." sabi ko na lang.
"Pota ipagdasal na lang natin mapanalo 'yon ng isa nating kakampi..." sabi ni lucas.
"Gago pota, GG na eh!" sabi ni niccolo.
"Tangina naman nito ni Sir. Agustin laging pasikat ampota tignan mo nga si Sir Vergario oh, natutulog lang naman sa seminar na 'to!" sumbat ni seb habang tinuturo si Sir. Vergario na nasa harapan na natutulog lang
"Tanginang 'yan sarap buhay, sana all!"
"Attendance lang naman importante dito 'di ba? Na kanino ba yung attendance para makalayas na tayo sa nakakaantok na mga sandali ng buhay natin na ito..." sabi ni seb sa amin.
"Gago i-huhuli pa raw yung attendance." sabi ni lucas.
"WHAT? Tanginang 'yan!" exaggerated na reaksyon ni seb.
"Ka-urat naman ito!" sambit ni niccolo na malamyang nakasandal sa upuan.
Napunta na lamang ang atensyon namin sa lalaking nagsasalita sa harapan.
"Depression can affect anyone even a person who appears to live in relatively ideal circumstances."
Totoo naman yung sinabi niya sa part na iyon... hindi mo alam kung sino ang nakakaranas ng depression kasi masyado silang magaling magpanggap.
"Feeling down from time to time is a normal part of life, but when emotions such as hopelessness and despair take hold and just won't go away, you may have depression. More than just sadness in response to life's struggles and setbacks, depression changes how you think, feel, and function in daily activities. It can interfere with your ability to work, study, eat, sleep, and enjoy life. Just trying to get through the day can be overwhelming."
Akala ko pagpunta rito at pagkinig sa mga taong propesyonal sa ganitong topic ay makakatulong sa akin pero bakit parang hindi nila alam sinasabi nila? bakit sinasabi nila yung mga obvious at basic na alam naman na ng lahat? Tangina.
"While some people describe depression as "living in a black hole" or having a feeling of impending doom, others feel lifeless, empty, and apathetic. Men in particular can feel angry and restless. However you experience depression, left untreated it can become a serious health condition. But it's important to remember that feelings of helplessness and hopelessness are symptoms of depression not the reality of your situation." pagpapatuloy ng speaker.
Napa buntong hininga na lamang ako ng malalim kasi bakit hindi nila maintindihan na ang sanhi ng depression ng isang tao, ay mga taong malapit sa kanyang buhay, sa realidad.
Bakit kailangan namin magpagaling? bakit kami yung mag aadjust? We don't need people to save us, we just need people to stop breaking us apart. Hindi ba madaling intindihin iyon? Bakit parang kasalanan pa namin na depress kami, hindi ba pwedeng kasalanan naman nila?
At sa pakikinig sa ganito ay nagpapatrigger lang lalo sa demonyo na nakatira sa aking isipan.
"May kwento ako." biglang sambit ni seb sa amin.
Mabuti naman...kailangan ko ng distraction!
"Ano?" sabi naming tatlo sa kanya.
"May magkapatid na napadpad sa isang gubat... yung kuya, sampung taon niya ng pasan-pasan yung bunso niyang kapatid kasi pilay, hindi nakakapag lakad."
"Okay..."
"Tapos sa gubat may nakita silang diwata," pagpapatuloy ni seb.
"Tangina nito hahahahaha kamanyakan 'yang kwento mo noh?" sambit ni lucas.
"Gagu! basta, nakita nila yung napaka gandang diwata tapos napansin sila nito... dahil sa sitwasyon ng magkapatid binigyan niya ng kahilingan yung dalawa."
"Anong hiling sinabi nila?"
"Yung kuya hiniling niya na sana hindi na siya makaranas ng p*******t ng likod, gusto niya yung nakakarelax naman siya."
"Ano naman hiling nung bunso?" tanong ni niccolo.
"Yung bunso naman hiniling niya na makalakad habang buhay para hindi na mahirapan yung kuya niya."
"Ahh! tapos ang gagawin ng diwata wawalain niya yung bunsong kapatid para hindi na mahirapan ang kuya?" sabi ko.
"ENG-- mali. Ginawa ng diwata, pinagpalit niya yung magkapatid! yung pilay nakalakad na tapos pasan-pasan naman niya ngayon yung kuya niya."
"Ahhh edi nakapagrelax yung kuya..."
"Gagu." sambit ni lucas.
"Ako may kwento din ako..." sabi naman ni niccolo.
"Sige ano 'yon?" sabi namin tatlo sakanya.
"May isang lalaking bigotilyo na napadpad sa gubat."
"Napadpad din sa gubat? gay-gaya potek." reklamo ni seb.
"Lul! nauna ka lang magkwento!"
"Awat na tuloy mo na niccolo." sabi ko.
"Edi ayon, nakakita yung binata ng isang magandang diwata."
"Tignan mo na gaya gaya talaga..." pabulong na sabi ni seb na hindi ko na lang pinansin.
"Tapos lumapit siya sa diwata tapos hahawakan niya sana yung makinis nitong braso ng bigla siyang sinampal ng diwata!"
"Tapos?" sambit ni seb.
"Tapos nagmakaawa siya sa diwata, sabi niya 'Parang awa mo na diwata, hindi pa ako nakakahawak ng babae sa tanang buhay ko!' kaso ayaw talaga ng diwata kaya inalukan ng binata yung diwata, 'Sige babayaran kita basta payagan mo akong hawakan ka' edi nagreak yung diwata at tinignan yung binata mula ulo hanggang paa eh hindi gwapo yung binata..."
"Tapos?" sambit ni lucas.
"Sabi ng diwata 'Ayoko nga, hindi ako magpapahawak sayo kahit kailan...depende, magkano ba i-o-offer mo?' sagot ng binata, isang libo... tinanggihan ng diwata yung alok niya kaya tinaasan niya ng '500, 000 pesos! Cash!' kaya ayun napapayag yung diwata..."
"Tapos, tapos na?"
"Hindi pa~ edi ayon hinawakan ng binatilyo yung diwata, hinaplos niya ito sa kung saan-saan tapos biglang sinabi ng binata 'Nako lord, Jusko po, Nako po nako po nako po! Lord ikaw na bahala sa akin' tinanong ng diwata kung bakit tapos sabi ng binatilyo 'Wala kasi akong 500,000 mahirap lang kasi ako' tapos bigla siyang kumaripas ng takbo!"
"Tanginang 'yan."
"Aking diwata
Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata~" pag kanta bigla ni seb.
"Sana all may diwata." bulalas naman ni niccolo.
Tumingin ako kay lucas,
"Ikaw, wala ka bang ikukwento?"
Hinawakan niya ang kaniyang baba gamit ang kaliwa nitong kamay.
"Meron meron..." tugon niya.
"Sige nga, ano?" sabi ni niccolo.
"Nagtanong yung isang guro sa mga estudyante niya ng kung anong gusto nila maging, paglaki..."
Nakatingin lang kami kay lucas at seryosong nakikinig.
"Sabi ni kiko, 'Gusto ko maging lawyer'. Kay Juan naman, 'Gusto ko maging doktor'. Sabi naman ni Nene, 'Gusto ko maging isang ina.' tapos proud naman na sinabi ni pedro 'Gusto ko tulungan si Nene!' kaya ayon binato siya ng pambura ng blackboard ng guro niya, tapos."
"Kwento ba 'yan o joke?" tanong ni seb.
"Di ko din alam, ayun naisip ko eh!" sagot ni lucas.
"Ako naman may joke!" sambit ko sa kanila.
"Sige sige ano?" masiglang sambit ni seb.
"Nagtanong yung titser; Ano ang pambansang hayop ng Pilipinas? nagsisimula ito sa letrang "K"!, tumaas ng kamay si juan tapos sagot niya, 'Kabayo?'
sabi ng titser 'Mali! Nagtatapos ito sa letrang "W"!', Tumaas ulit si juan tapos sinagot, 'Kabayow?' sabi ng titser, 'Mali! May dalawang sungay ito!' Tumaas ulit si Juan ng kamay..."
"Tapos anong sinagot niya?" tanong ni lucas.
"Sagot ni juan, 'demonyong kabayow?' Hahahaha!"
"Tangina ang korni na natin, kasalanan lahat ng seminar na 'to 'yon eh." sambit ni niccolo.
"Gagu kasalanan ni Sir. Agustin to eh! kinuha yung cellphone natin, alaws tuloy tayong magawa pota, jusmiyo!" sambit naman ni seb.
"Wala bang free food sa seminar na ito? o kaya tubig?" tanong ko.
"Meron ata, hanggang five pa daw 'tong seminar eh..." sagot ni lucas sa akin.
"Huuh? Five pa? tanginang 'yan!" reklamo ni seb.
Sabagay alas-otso usapan tapos alas-nuebe na nagsimula... magkakaroon pa ng noon break tapos babalik na naman para maupo. Minsan hindi ko na din maintindihan trip ng school namin, hindi ba nananakit puwet nila kakaupo? Kasi yung amin nananakit.
Tumingin at nakinig na lamang ako sa lalaking nasa harapan namin habang binibigkas nito ang huli niyang preach.

"If you feel depressed, make an appointment to see your doctor or mental health professional as soon as you can. If you're reluctant to seek treatment, talk to a friend or loved one, any health care professional, a faith leader, or someone else you trust."
Nag-expect ako ng magandang huli niyang sasabihin yung tipong tatagos sa puso't isipan ko pero sa huli walang kwenta pa rin sinabi niya. Kung ako yung nagsasalita sa harapan,ano kaya sasabihin ko? Paano ko sisimulan?
"Depression is being colorblind and constantly told how colorful the world is."
Tama. Ganiyan nga.
•••