Kabanata 6

2081 Words
Panibagong kalmot ng pusa ••• Pagkatapos nung overnight na iyon, tanghali na kami nagsi-uwi. Pag-uwi ko wala si Jorge sa bahay. "Baka may pasok..." sabi ko sa sarili ko habang nagpapalit ng damit. T-shirt na kulay puti na may print na ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜀᜆᜒᜈ᜔| ᜁᜉᜄ᜔ᜋᜎᜃᜒ (wikang atin, ipagmalaki ) at cargo shorts naman ang sinuot kong pang-ibaba. Biyernes pa lang ngayon at hindi ko alam kung anong schedule ni Jorge sa school kaya bahala na. Malapit na rin ang prelim exam namin, syempre bilang isang normal na estudyante hindi ako nagreview bagkus humiga ako sa kutson, inilabas ang cellphone at binuksan ang data nito. Pagtingin ko sa messenger mayroong message request, binuksan ko ito at binasa. Pambihira naman talagang buhay na ito. Sining Fedeli : Hello, I'm a thief and I'm here to steal your heart "Hahaha sorna jaq! Mahirap lang para sa akin tanggihan ang mga magagandang dalaga" walang duda ganiyan na ganiyan sasabihin no'n sa akin... hayok 'yon sa chix eh! Tinignan ko ang oras sa cellphone ko... 01:45 pm pa lang at wala akong magawa dito sa bahay hanggang sa maisipan kong magtimpla ng kape, 3 in 1 kopiko blanca. Oo, Kape sa mainit na panahon at Boulevard Of Broken Dreams ng Green Day naman ang background music ko. Ganito dapat ang buhay, chill lang. Dapat ganito palagi...sana ganito palagi...pero sinong niloloko ko, 'di ba? Sa isang katulad ko hindi uso ang kumalma dahil sa mga demonyo na nasa loob ng isipan ko. "Mag isa ka na naman, napaka miserable mo naman... nakakaawa ka tignan." ganiyang mga salita ang palagi kong naririnig na habang tumatagal nasasanay na lang ako. Bigla-bigla kong nararamdaman yung puyat, para bang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa. Malala na ata ako... kailangan ko na ata ng tulong sa mga kaibigan ko. Teka ano ba itong iniisip ko? hindi, kikimkimin ko na lang... ilang taon ko na din naman itong kinikimkim at sanay na din naman ako... hindi ko kailangan ng tulong, may mga problema din sila bakit pa ako dadagdag? Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumayo sa aking inuupuan. Tinungo ang drawer kung saan ko tinatago ang halos lima na bagong blade, yung apat nakabalot pa... Depression Isn't always at 3 am. Minsan it hits you at 2pm, kapag kasama mo kaibigan mo at nasa kalagitnaan ka ng halakhak. Ang hindi nauunawaan ng mga tao ay ang depresyon ay hindi tungkol sa labas, ito ay tungkol sa loob. Isang bagay sa loob ko ay mali. Maling-mali na halos hindi ko na din maitama. Napaupo ako sa sahig, nakasandal sa pader na nakatapat lang sa may pintuan na kapag may pumasok man, bungad agad ang ginagawa kong hindi maganda. "Sana makita ni mama..." bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang hinihiwa ang kanan kong pulsuhan gamit ang isang matalas na blade. The First cut, wasn't the deepest. No, not at all. It was like the others, a subtle rend of anxious skin, a gentle pulse of crimson, sapat lamang upang patahimikin ang mga maiingay na demonyo sa loob ng aking utak. Ngunit sa oras na ito, hindi sila mapatahimik. Patuloy lang sila sa pag-iingay, sa pagsasalita ng mga hindi nakakaakit na salita. Maybe we all have demons, but I just choose to feed mine? baka nga gano'n. Pinapanood ko ang pagtulo ng mga dugo sa aking kamay pababa sa sahig, nang biglang may nagpop-up na message sa aking cellphone na nakapatong sa may lamesa katabi ng basong may laman na kape. Binuksan ko ito at binasa ang message na mula kay sining. Sining Fedeli : Go on. Don't be shy. Ask me out! Ang kulit naman ng babaeng ito! Jaq : Okay. GO OUT. Sining Fedeli : You don't look so well, maybe you need a Vitamin ME! Jaq : Wala ka bang magawa sa buhay mo? Sining Fedeli : Meron ang magpapansin sayo HAHAHA Jaq : Hindi kita gusto sinisira mo lang ang araw ko! Sining Fedeli : Wala akong pake kung hindi mo ako gusto, ang importante ay gusto kita! Saan ba nakukuha ng babaeng ito ang confidence niya? Jaq : Tigilan mo na ako! Sining Fedeli : May alam akong sikreto mo Jaq : pinag sasabi mo? Sining Fedeli : Jaq, kailangan mo ba ng makakausap o ng bandage? Napa singhap ako sa mensahe niya.. alam niya? nakikita niya ako? paano? Sining Fedeli : Oy seener? so ano, will you go out with me this saturday? Kalma lang jaq, wala siyang alam! coincidence lang iyon! Jaq : Masakit ulo ko bukas di ako pwede. Sining Fedeli : Edi mamayang gabi habang hindi masakit ulo mo Jaq : Hindi mo talaga ako tatantanan? Sining Fedeli : Hindi. Maniwala ka sa akin, gusto kita! Jaq : Maniwala ka din sa akin na hindi kita gusto! Sining Fedeli : Ang lungkot ko kasi wala kang pasok ngayon hindi tuloy kita nakita dito sa school :( Jaq : Wala akong pake sa nararamdaman mo! Sining Fedeli : Bakit ba ang choosy choosy mo? hindi ka naman gwapo! Jaq : Ang kulit kulit mo kasi! Sining Fedeli : Seryoso Jaq may gusto ako sayo! Jaq : ewan ko sayo Sining Fedeli : Next time na lang ako magtatampo kapag susuyuin mo na ako. hmmp! Drinag down ko yung pop-up message niya at pinatay ko na rin yung data ng cp ko para wala ng notification. I feel like I'm not anyone's first choice. Neither their favorite. Kahit na sabihin sa akin ng mga tao na mahalaga ako sa kanila o marami akong ibig sabihin para sa kanila, alam kong palaging may isang taong gusto nilang makasama. Isang tao na pipiliin nila kesa sa akin. Kasi sino ba naman ako, 'di ba? Bumalik ako sa pagkakaupo sa sahig, nakasandal sa pader at dinagdagan ko pa ang mga linya sa aking kanang pulsuhan. "Wala naman magmamahal sa isang katulad mo, walang patutunguhan sa buhay." sabi ko sa sarili ko. Ayoko na, pagod na ako. Pagod na ako sa sarili ko. ••• Gabi na nung umuwi si Jorge. Minsan feeling ko mali yung pagpapatuloy ko sakanya kasi naman baka ano isipin ng mga kapit-apartment ko dito...hay nako. "Nagluto na ako ng pancit canton." sabi ko habang inaalukan si jorge. "Tangina tol baka magka UTI ka na niyan, wala ka bang ibang alam lutuin?" reklamo niya. "Daming reklamo edi sana ikaw nagluto!" "G na G potek, hindi ka ba pinapadalhan ng mama mo pambili ng karne man lang?" "Pinapadalhan...kaso tinatamad ako bumili." "Tangina tol, kamusta na pala mama mo?" "Malay ko do'n siguro buhay pa naman..." "Siraulo! nga pala nakahanap ako ng part time job sa isang resto bar, waiter ako do'n!" "Wow! ikaw ba talaga 'yan?" "Syempre oo! pero hindi pa alam nila ermat at erpat na magiging lolo't lola na sila... huwag mo sabihin ah!" "Bakit naman?" "Para ano? sasabihin nila sa akin na isa talaga akong walang kwentang suwail at kahihiyan na anak sa kanilang angkan, sa kanilang perpektong family tree?" tinignan ako ni Jorge ng seryoso kaya tumango-tango na lang ako sakanya habang kumakain ng pancit canton. "Bakit may bendahe ka naman ngayon sa kabilang kamay?" tanong niya habang tinuturo turo yung kanan kong kamay. "Kinalmot ng pusa..." "Na naman? nasaan ba 'yang pusa na 'yan at para ma-i-siopao na natin!" "Baliw." Nagsimula na din siya kumain ng pancit canton at umupo sa katapatan kong upuan, paglagok niya ng pang ilang tubig niya bigla niya akong tinignan. "Kailan huling inom mo?" Tanong niya sa akin dahil alam ko na ang ibig sabihin ng tanong niyang iyon. "Sagot mo?" "Sige ba!" Maaga kaming napabarkada ni Jorge nung highschool, sad to say may mga kaniya-kaniya na din silang buhay, kami na lang ni jorge ang matibay ang samahan. Second year highschool nung una kaming natutong magwalwal tapos third year nung nawala yung virginity ko sa isang pabebeng puppy love na relasyon na sabihin na natin napaka immature.  "Tangna talaga tol, ilang araw na ako hindi nagpapakita sa mga ka-frat ko." sabi ni Jorge na may hawak-hawak na isang bote ng red horse. "Bakit naman?" "Feeling ko mayayari ako eh..." "Mayayari ka talaga tanga! Pinatos mo ba naman ex ng tropa mo eh, tsk tsk tsk, nasa bro code 'yon palagi!" "Kaya nga tol tangina talaga! kaya kapag may mangyari sa akin, ikaw na bahala sa magiging anak ko ha? Hahahahaha!" "Hinayupak ka mas okay pa sana kung pera ipapaubaya mo sa akin!" "Alaws nga ako no'n tol, pautang naman oh?" "Gagu wala rin akong pera!" "Aysuuuus love na love ni tita, hindi ata papayag 'yon na maghirap ka!" "Love ampota..." Tinungga ko naman ang isang bote ng redhorse at sabay kuha ng pulutan na ding dong. "Anyare ba sainyo? bakit parang may problema kayo simula nung namatay yung erpat mo?" seryosong tanong ni jorge. "Anong problema pinagsasabi mo d'yan? ayos lang kami, very very happy family." pagsisinungaling ko. "Nako! Hindi mo ako maloloko!" sabi niya sabay kuha din ng dingdong. "Sabagay may kasabihan nga na walang batang gagabihin sa lansangan kung masaya 'yan sa bahay!" dagdag niya pa. "Hugot ba 'yan ng buhay mo?" "Hugot natin 'to nung highschool tanga! HAHAHAHAHA!" "Wala tayong kuwenta putangina, Cheers!!" sabi ko sakanya at iniangat ang hawak kong alak sa tapat niya para makipag cheers. Naka ubos kaming dalawa ng apat na bote ng redhorse... hindi yung bote mismo ah, yung laman no'n. Kung saan-saan na din napunta yung kwento naming dalawa at ilang pirasong yosi na rin ang nahithit namin. "Ilang babae na nauwi mo dito ha?" tanong ni Jorge na naninigarilyo din. "Isa." "Ulul mo tol! Imposible!" "Tangina edi wag ka maniwala." "Sino yung nauwi mo na dito, yung nanloko ba sa'yo?" "Gagu!" "HAHAHAHAHA! Tangina tol move on move on din! Sayang yung inuupahan mo na'to kung hindi mo din pakikinabangan!" "Pinatira nga kita dito eh kingina ka, tapos sasabihin mo walang pakinabang 'to?" "Oo nga noh? Sorrymasen senpai~" pabebeng bigkas ni jorge at parang tanga na nagba-bow katulad ng mga hapon, "Pero bakit wala ka pa ring jowa?" dagdag niya pang tanong. "Tangina nakakapagod kasi lumandi..." "Anong nakakapagod do'n, baka natotorpe ka lang?" "Gagu! Kasi i-kukwento mo na naman buong buhay mo tapos mawawala rin naman pala sila sa huli." "Tangina ang drama mo tol!" "Kingina ka hindi ako nagdadrama!" "Osya inaantok na 'ko! matulog ka na rin, yung eye bags mo mas malaki pa sa mga pangarap mo sa buhay..." sabi niya sa akin sabay talon sa kutson. "HAAY! Pagising na lang ako tol kapag aalis ka bukas ha?" sabi niya. "Bakit may pasok ka ba?" "Wala... hahanap ako ng raket bukas." "Tanga sa NASA ka lang makakakita ng rocket." "HA-HA-HA-HA Patawa ka? osya good night na tol!" "Ge." Naiwan ako mag isa sa may lamesa humihithit ng yosi at nakikipagtitigan sa mga bote na walang laman na nasa aking harapan. "Sana naging alak na lang ako para kahit papaano nagkaroon ng silbi yung buhay ko..." mahina kong sambit. Bakit ba ang miserable ng buhay ko? Bakit sa akin pa nangyari ito? yung saya ko kahapon bigla-bigla na lamang napalitan ng ganito. Kapag ba sinabi ko sakanila ang totoo, ano magiging reaksyon nila? Panigurado ako na sisisihin din nila ako... hindi man nila sabihin yung totoo pero sigurado ako na ayon ang iniisip nila. Kasalanan ko. Nagbuntong hininga ako ng malakas na para bang ibinuga ko na lahat ng bigat na aking pinapasan pero wala naman epek kasi mabigat pa din...hays. Inilapag ko na sa ashtray ang upos ng aking yosi at naisipan ko na lamang na linisin ang mesa at hugasan ang mga plato kasi sino ba naman ang gagawa no'n kundi ako lang? wala kang kwenta. wala kang kwenta. kahit anong gawin mo hindi pa rin iyon sapat. wala kang konsensya. kasalanan mo lahat! Yung mga salita na iyan paulit-ulit kong naririnig habang nag huhugas ng pinggan. Kasalanan mo lahat! Kasalanan mo! The monsters were never under my bed. Because the monsters were inside my head. I fear no monsters, for no monsters I see. Because all this time the monster has been me. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD