Kabanata 5

2065 Words
Overnight ••• Nandito pa din kami sa library, sinakop namin yung isang table. Katabi ko si lucas, kaharapan ko si seb na katabi naman si niccolo. Ilang makakapal na thesis naman ang nasa aming harapan. "Tinatamad na ako, malalim na tagalog nga hindi ko maintindihan so how can they expect me to understand this s**t? Hindi ba puwedeng tagalog na lang ang thesis? Kainis." reklamo ni seb habang padabog na isinara ang isang makapal na thesis. "Sabihin mo na lang na bobo ka." sabat ni niccolo. "Bobo ako, happy ka na?" "Ulitin mo nga ulit, i-re-record ko lang." itinapat ni niccolo kay seb ang cellphone nito. "Kung bobo ako, mas bobo ka." "Pakyu." "Nag-aaway pa kayong dalawa d'yan, wala naman kayong ambag sa thesis natin." reklamo ko. "Hoy! Sinagot ko yata yung limang sweet and spicy na pancit canton at tatlong RC last time nung overnight kina lucas!" sumbat ni niccolo. "Dapat lang, Pera lang naman ambag mo sa pagbubuhat namin sayo eh." sabi ni lucas na pabiro. "Hay nako niccolo," sabi ni seb sabay akbay kay niccolo. "Buti pa ako hindi pabuhat..." "Gagu isa ka rin! ambag mo lang kuwento atsaka reklamo!" sabi ni lucas sakanya. "Ha! Tumulong yata ako sa pag assemble nung robot!" "Hoy ako rin! Ako pa nga namili ng mga gamit doon!" sabat ni niccolo. "Hoy basta ako gumagawa ako d'yan ah!" sabi ko. "Sabi na nga ba nakakasira ng pagkakaibigan itong thesis eh! Itigil na natin 'to bago pa tuluyang mawasak ang samahan natin." sambit ni niccolo. "Gumawa na nga lang tayo...tignan niyo pinapa revise yung economic feasibility at risk assessment and analysis sa chapter 4!" sabi ko sakanila. "Pambihira pati rin yung objectives of the study, 'objective namin makapagtapos pero bakit parang ayaw niyo?' gano'n dapat ilagay natin dito eh! " reklamo ni seb. Para saan nga ba ang mga ganito? kung tutuusin ang mahal nang tuition tapos ang mahal pa ng gagastusin mo sa isang capstone project at yung mga ilang beses na pagpapaprint dahil sa revision ng ilang chapters. Ang masakit pa doon ibabagsak ka nila after lahat ng ginastos niyo...para saan nga ulit ito? Creativity and knowledge? e di sana nag-drawing o nag-painting na lang ako mas madali pang i-explain 'yon sa mga panel. Matagal din na katahimikan ang bumalot sa aming apat. "Bakit ang buhay parang paulit-ulit na cycle?" nang marinig ng tatlo ang sinabi ko, napatigil sila sakanilang ginagawa at tumingin sa akin. "Mag-aral ka ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho tapos magtrabaho ka ng mabuti hanggang sa mamatay ka." sabi ko sakanila. "May point ka doon ah...mag-aral, grumaduate, magtrabaho, mag-asawa, magka-anak, mamatay...tapos ulit, ulit." sabi ni niccolo. "Kaya nga you only live once!" sabat ni seb. "Ahh kaya pala may isa kang babalikan na subject...tama tama you only live once." sabi ni lucas kay seb. "Atsaka you only die once, you live every day dapat." sabi ko. "Pake ko! hindi pa ba tayo aalis dito? nabuburyong na ako!" reklamo ulit ni seb. "Aalis tayo kapag may nagawa na tayo." sabi ni lucas sa amin. "Picture-an na lang natin 'yan lucas tapos overnight na lang ulit kina niccolo!" alok ni seb. "Tapos ano? wala na naman tayo mapapala niyan?" "Meron 'yan! Dali na!" Dahil walang nagawa si lucas, nilabas namin ang mga cellphone namin at pinagpi-picture-an ang mga piling chapters ng thesis. Oo alam namin bawal ito pero sure naman din kami na ganito din ginawa ng iba, kaya hindi lang kami ang puwedeng sisihin. ••• Sa isang subdivision nakatira si niccolo. Yung kuya niya nasa UK, doon nagtatrabaho bilang isang nurse. Yung mama naman niya ay isang missionary nurse na naka destino ngayon sa africa. Yung papa naman niya ay deads na pero dating dentista raw 'yon. Sabi ni niccolo kaya lang naman daw siya nag-aral sa isang public university ay dahil kapag sa pang mayaman siyang university nag-aral, hindi na siya puwedeng magyabang na mayaman siya. Hays rich kids and their egos. "Buti na lang talaga bumili ako ng itlog na maalat kanina!" sabi ni seb habang nilalabas ang limang itlog na maalat at apat na kamatis na pinag awayan pa nila ni niccolo sa pagbili. "Pambihira naman lance sabing huwag na 'yan eh! kung hotdog na lang o pancit canton e di mas okay pa!" reklamo ni niccolo. "Hot dog? Pancit canton? ano ka highschool?" "Pambihira may nag-oovernight bang pagkain nila itlog na maalat? atsaka hindi ako kumakain niyan!" "Ang arte mo naman!" "Kaninong bahay ba 'to? sainyo ba?" "May sinabi ba akong sa amin 'to, ha?" "Pambihira! okay na 'yan nandiyan na 'yan eh!" awat ni lucas sa dalawa. "Ano bang gusto mong ulam niccolo?" tanong ko. "Kahit ano huwag lang 'yan!" sabay turo niya sa hawak na plastik ni seb. "Arte, paano pa kaya kung bumili ako ng balut?" "E di ibabato ko sayo 'yon!" "Hayup na 'yan parang mga tanga 'to oh, ano bang karne meron kayo d'yan?" tanong ko kay niccolo. "Karne ng tao hintayin mo lang kasi may cha-chop-chopin ako dito eh!" "Seryoso na niccolo." "Ewan ko, tignan ko." sabi nito at tinungo na ang kanilang kusina. Sumunod na lang ako sakanya. "Manok..." sabi niya. "Marunong ka mag adobo?" tanong niya sa akin habang nilalabas sa ref ang nakabalot na mga drumsticks. "Hindi pero puwede naman magturo ang youtube sa atin 'di ba?" "O kaya tawagan ko na lang si salem? Nilulutuan ako no'n minsan." "Ano siya, one call away personal cook mo?" "Parang gano'n na nga...lalo na kapag may pang blackmail ako sakanya." "Pfft tulad ng ano?" "Pina-hack lang naman niya sa akin yung sss ng mommy niya para i-message yung daddy niya na bigyan siya ng 5K." "Lupit. Ano naman gagawin niya sa 5k?" "Malay ko...para sa mga kaartehan niya sa buhay?" Akala mo naman siya wala din kaartehan sa buhay...hay nako magkadugo nga silang dalawa ni salem walang duda. "Adobo o prito?" tanong ko sakanya. "Prito na lang may breading mix naman dito..." Iniwan na ako mag-isa ni niccolo sa pagluluto dahil nagsaing pa siya gamit ang rice cooker. Si lucas at seb naman nasa may lamesa ginagawa na yung itlog na maalat na may kamatis. Hindi ko namamalayan na napapangiti ako habang nagluluto dahil siguro nararamdaman ko na hindi ako mag-isa. Hindi ako kakain ng mag-isa ngayon. "Pare ko meron akong problema 'Wag mong sabihing na naman~" biglang kanta ni seb. "In-lab ako sa isang kolehiyala Hindi ko maintindihan~" sinabayan na nila lucas at niccolo si seb sa pagkanta. "Wag na nating idaan sa maboteng usapan Lalo lang madaragdagan ang Sakit ng ulo At bilbil sa tiyan Anong sarap Kami'y naging magkaibigan Napuno ako ng pag-asa Yun pala haggang dun lang ang kaya Akala ko ay pwede pa~" Sige kakalimutan ko muna ang miserable kong buhay. Dapat chillax lang muna jaq...walang rason para lumabas yung demonyo d'yan sa loob mo lalo na sa mga oras na ito. "Masakit mang isipin Kailangang tanggapin Kung kelan ka naging seryoso~" "Saka ka niya gagaguhiiiiin~~" this time, sumabay na rin ako sa pag kanta sakanila. "O, Diyos ko! Ano ba naman ito 'Di ba Tang ina!! Nagmukha akong tanga Pinaasa niya lang ako Lecheng pag-ibig to oohh oohh O diyos ko ano ba namaaan ito oohh oohh oohh~" Hinarap ko ang tatlong kumag sa may lamesa at nakangiti na parang tanga. Sana ganito na lang palagi...kakanta ka kasama yung mga tamang tao tapos kakalimutan saglit yung miserable mong buhay. "Pasensya na, sayang boses ko eh walang makantahan." sabi ni seb. "Ayos lang, kami lang naman nakakatiis d'yan sa panget mong boses eh!" bwelta ni niccolo. "Gagu." "Hindi ba nagkaroon ka ng syota na third year tapos I.T rin? anyare pala doon?" tanong ni lucas kay seb. "Alam mo kung bakit sila nagbreak?" sabi ko. "Bakit?" "Ganito daw kasi 'yon...sinabi to sa akin nung ex niya ah." "Pakyu! Subukan mong i-kuwento!" sabi ni seb habang tinatakot ako sa hawak niyang kutsilyo na ginamit niya sa paghiwa ng kamatis. "Ganito kasi 'yon Jaq, kinakausap ko siya nang matino pero hakdog lagi sinasagot sa akin." sabi ko habang ginagaya yung boses ng ex niya. "HAHAHAHAHAKDOG!" pang-aasar nung dalawa kay seb. "Pakyu kayo hindi gano'n 'yon! Pakyu ka jaq!" "Kaya pala ayaw mo ng hotdog ah!" sabi ni niccolo pero nag-dirty finger lang sakanya si seb. "Joke lang 'yon, joke lang 'yon..." sabi ko. "Baka na-realize nung babae na bulag siya para magkagusto kay lance hahahahaha!" pang-aasar pa din ni niccolo. "Gagu! Masyado kasi siyang bossy! bawal ganito bawal ganiyan kaya ayon, kaysa alisin ko yung mga pinagbabawal niya, siya na lang inalis ko sa buhay ko!" "Utut mo lance, 'di mo kami maloloko!" bwelta ni lucas. "Mas kapani-paniwala pa rin yung hakdog!" sabi ni niccolo. "Tangina e di 'wag kayo maniwala d'yan!" "HAKDOG!" sabay naming tatlong bigkas kay seb. Friendship Rule #1 During Overnight: Kung kaninong bahay, siya ang maghuhugas ng pinagkainan. "Kayo na nga pinatuloy dito tapos ako pa maghuhugas?" reklamo ni niccolo. "Kung ayaw mo maghugas e di kumuha ka ng katulong! Akala ko ba mayaman ka?" sambit ni seb. "May katulong kami dito pero hindi stay-in!" "Bahala ka d'yan bisita kami tapos paghuhugasin mo ng plato? Where's your manner?" bwelta ko. "Anong bisita, BWISITA!" Pero dahil tatlo laban sa isa, naghugas siya ng pinggan. Nasa sala kaming apat ngayon. Si lucas nakaupo sa sofa, hawak-hawak ang laptop niya at nagco-codes. Si niccolo din nakaupo sa sofa hawak-hawak rin yung laptop niya at ni-re-revise yung docu at kaming dalawa ni seb ay nasa lapag nag-aassemble ng robot habang nanonood kaming apat sa smart tv nila niccolo ng Great Teacher Onizuka sa Netflix. "Baka si sir gray dating hoodlum rin ano?" sabi ni seb sa akin. "Mukha bang hoodlum yung gano'n itsura?" "Hoy don't judge a person if you're not a judge!" "Hinusgahan ko ba siya? ikaw yung nanghusga d'yan!" "Don't judge a person if you're not a gum pala 'yon..." "Tanga! Don't judge a person if you don't know them 'yon!" "Close enough." sabay kibit balikat ni seb sa akin. "Try ko kaya maging hoodlum, sali ako ng frat sa school...yung Alpha ba 'yon?" sambit ni niccolo. "Tigilan mo nga, anong mapapala mo doon?" sabi ko sakanya kasi naman si jorge nga wala namang napapala do'n puro away lang. "Ewan? Feeling matapang lang gano'n..." "Kapag yung alcohol nga nilalagay sa sugat mo naduduwag ka na eh!" sambit ni seb kay niccolo. "Feeling matapang nga lang 'di ba? nagbago na isip ko huwag na lang pala." "Basta ako kapag magiging prof ako gusto ko maging kagaya ni onizuka sensei" sabi ni lucas. "Ex-hoodlum?" tanong ko sakanya. "Gagu, hindi!" "Gusto mo talaga magturo ano, dapat nag educ ka na lang!" sabi naman ni seb sakanya. "Gagawin ko lang part time ang pagtuturo, mas may kita pa din kapag sa field ng I.T ang pinasukan ko." "Sabagay..." pagsang-ayon ko. "Balak ko din mag-prof kaso naalala ko, ano naman ituturo ko? Puwede bang magturo ng wala? Atsaka hindi yata ako magiging mabuting prof kaya pass muna sa gano'n." "Basta ako babawasan ko ang pagsali sa mga rambulan sa kanto" sabi ni seb. "Ang hilig mo kasing makisasaw kahit saan, attention seeker." sabi ni niccolo na nakatanggap naman ng dirty finger mula kay seb at binawian din niya ito ng dirty finger din. Itong dalawa talaga parang aso't pusa. "Alam niyo d'yan nag-umpisa magka-inlaban ang lolo't lola ko, sa asaran." sabi ko sa dalawa. "Kung kay lance lang, yuck!" pandidiri ni niccolo. "Puwede din! love wins na ngayon." pagsang-ayon sa akin ni lucas at nag-apir pa kaming dalawa. "Si niccolo may lihim na pagtingin to sa akin ayaw lang umamin eh!" sabi ni seb na nakangisi. "Gagu, pakyu!" tugon ni niccolo sakanya. Natawa lang kami ni lucas sa dalawa. "Hay nako ako talaga source of happiness sa grupo natin eh!" sabi ni seb. "Kahit wala ka, masaya kami!" bwelta ni niccolo. "Lul siguro nga kapag wala ako palagi mo akong naiisip at namimiss?" Binato ni niccolo ng unan si seb sa mukha ng malakas. "Tangina ka manahimik ka ngang hinayupak ka! Kadiri ka!" bigkas pa nito. Malakas na halakhak lamang ang nagagawa namin ni lucas. Sana ganito palagi kasaya ang gabi ko, hindi yung kung ano-ano iniisip ko. Tama nga si Hubert Humphrey nung sinabi niyang; 'The greatest gift of life is friendship.' sana lang tumagal ang samahan namin na ito. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD