Pray boys
•••
I'm going to tell you what a demon once told me,
It's okay to want your own happiness.
It's okay to care about yourself the most.
When someone hits you, it's okay to hit back and then ask them what the hell they expected.
It's okay. You're not obligated to sit there and smile and swallow every drop of poison that they give you.
You're more than furniture, you're more than window dressing, you're not their shiny toy. You're human, you have every right to say "Tangina, hindi mo alam pinagsasabi mo. Mali ka kaya manahimik ka na lang, puwede?"
You have the right to protest your own mistreatment and set boundaries for respectful interactions.
Hindi narerealize ng ibang tao na may ganito kang karapatan at kapag ginawa mo ito sakanila they will act offended and appalled pero karapatan mo iyon. And that s**t hits me. May point yung demonyong nagsabi no'n sa akin.
02:34 AM. Nakahiga ako sa aking kutson, yosi ang nasa aking labi at kisame lamang ang tanawin na aking nakikita.
Si Jorge ay mahimbing na natutulog sa lapag dahil umuwi siyang lasing kaya bumagsak na lamang siya basta-basta sa sahig at syempre isa akong mabuting kaibigan, pinabayaan ko lang siya doon...bahala siya sa buhay niya hindi ko siya responsibilidad.
"Tanginang buhay ito...napakalungkot." sabi ko sa sarili ko.
Ini-angat ko ang kaliwang manggas ng suot kong long sleeve shirt at tinignan ang mga bakas ng hiwa sa aking pulsuhan. 'di ba parang ang weird? we are all alive but we're dead inside. Wala naman kasi silang pakialam hanggat walang dramang nangyayari. Sa tingin ko, sa simula nang ipinanganak tayo, nagsisimula na tayong mamatay. Ironic and cliché.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan si Jorge.
"Buti na lang may kasama ako ngayon...walang laslas na magaganap, nakaligtas ka ngayon." sabay tingin ko sa kanan kong pulsuhan.
Mannerism ko na ata ang paglalaslas na para bang parte na siya ng daily life ko. Hays bakit ba nahantong sa ganito ang buhay ko?
"Ahhh ano ba namang isipan ito, gusto ko na matulog!" sabi ko sa sarili ko habang bumabangon sa pagkakahiga upang dumungaw sa bintana.
Aking sinilayan ang liwanag ng buwan at mga bituin habang sinasabayan ang paghithit ng yosi.
"Gusto ko na lang mamatay..." bulong ko sa aking sarili.
Gusto ko na talaga, pero kaya ko ba?
•••
Pagkapasok ko sa regular classroom namin, hindi kami sa computer lab ngayon. Nakaupo na ang tatlong kumag sa paborito naming puwesto, ang dulo.
"Oh himala, hindi mo suot yung paborito mong jacket ngayon?" bungad na tanong ni niccolo sa akin.
Naka kulay itim akong long sleeve shirt, denim jeans, at low cut na converse dahil wash day naman ngayon.
"Nilabahan ko."
"WAAAAAAAAHHHH!" Sabay na pagkakagulat ng tatlo.
"Taragis! Himala! Papadasal na ba ako?" pang-aasar ni seb na nakasuot ng plain white t-shirt na pinapatungan ng black 'n white na varsity jacket kahit hindi naman siya varsity player, black jeans at puting adidas na sapatos na sabi niya ay nabili niya online lang nung sale.
"Kami dadasal sayo lance, para ka kasing tanga!" bwelta ni niccolo na nakasuot ng puting long sleeve shirt din pero nakatupi ang manggas hanggang siko, black jeans, at puting fila na sapatos.
"Ipagdadasal ko kayong dalawa eh, pareho lang naman kayong tanga!" sabi naman ni lucas na nakasuot ng kulay green na t-shirt na may naka print na baybayin ang sulat...teknolohiya , denim jeans at air max na sapatos.
"Puro kayo dasal ng dasal, baka kunin kayo kaagad ni lord niyan." sambit ko sakanilang tatlo.
"Lord patawad, madami pa po akong plano sa buhay." sabi ni seb habang nagdadasal.
"Tsk tsk tsk masyado ka na daw makasalanan, kukunin ka na daw niya mamaya!" sambit ni niccolo. Tanging tugon lamang ni seb sakanya ay dirty finger.
Kakadasal lang gumawa na agad ng kasalanan tsk tsk tsk hindi si lord ang kukuha dito eh.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating na yung prof namin sa Capstone 1 at dahil wala naman kaming gagawin, pinapunta niya kami sa library para gawin ang docu namin na ilang beses ng ni-revise ang chapter 1 hanggang 4. Hay nako sayang pa-print!
•••
University Library

"Ahhh katamad maghanap!" reklamo ni seb.
"Mata kasi pinanghahanap hindi bibig!" sabi ni lucas.
"Para kang nanay ko, paboritong linya 'yan!" sambit ni seb kay lucas.
"Alam niyo kasi uso magtanong 'di ba? kaya nga may librarian ang library!" sabi ni niccolo.
"Tara na nga magtanong na tayo puro kayo reklamo d'yan..." sabi ko sa tatlo.
Tinungo namin ang table ng librarian, mga nasa edad forty na ata siya, halata naman sa kulubot niyang mukha at pagkaputi ng ilang hibla ng kaniyang nakapusod na buhok.
"What can I do for you?" mataray na tanong niya sa amin.
"Tangina english..." bulong ko sa tatlo.
"Ahmm ma'am puwede po bang malaman kung saan--" tanong ni lucas.
"In english please."
Ano ba 'yan pati ba naman librarian papahirapan ang buhay namin?
"Never mind." sabi ko at tinalikuran na lamang ang librarian.
"Tangina jaq, ano 'yon? kala ko ba magtatanong tayo?" sabi ni lucas sa akin na natatawa pa.
"Ayon na nga eh, hihingian natin ng tulong maarte...kung ayaw niya e di 'wag!"
Tinawanan lang ako ng tatlo.
"Taragis ka! Dali na tanungin na natin! Face your fears hahahaha!" sabi ni niccolo at hinihila ako pabalik do'n sa librarian.
"Ikaw kaya magsalita doon!"
"Ako sa umpisa, ikaw na bahala sa iba ha?"
"Osige."
Nasa harapan na kami ng librarian, tinaasan niya kami ng isang kilay.
"What can I do for you?" tanong niya ulit.
"Hi, ma'am." pag uumpisa ni niccolo.
"Yes..."
"Huy..." bulong ni niccolo sa akin sabay atras sa likuran ko.
Anak ng tinapa nga naman, siya nga sa umpisa. Hay nako!
"Ahmm can we ano ahmm..." sabay kamot ko sa aking tainga kahit wala namang makati.
Marunong naman ako mag english kaso kapag sa mga tropa ko lang o sa sarili ko.
"Can we know kung saan--"
"In english, please."
"Can we know...ahmm where is the...the ano ahmm the ano ba tawag doon?" sabay tingin ko kay niccolo.
"Thesis." sagot niya sa akin.
"Ahh thesis. Can we know where is the thesis? we need it for reference...ahhmm where ano kasi where fourth year I.T students po."
"Fourth year yet you can't even talk in straight english tsk tsk tsk!"
Sa totoo lang naiirita ako sa sinabi niya...can't even talk in straight english? bakit amerikano ba ako? Mother tounge ko ba 'yon? Tounge na.
Sinabi niya sa amin kung pang ilang book shelves makikita ang mga thesis at syempre hindi na kami nagtagal sa harapan niya. Ngayon, meron na akong rason para kaayawan ang pagpunta sa school library.
Nandito kaming apat sa may thesis corner kung saan nakatabi ang mga thesis works ng mga dating estudyante dito.
"Hay nako ang dami dami! Nakakatamad basahin ng iba ang hahaba ng project title!" reklamo ni seb.
"Thermo pulse meter, human body temperature with sms notification..." bigkas ni lucas.
"Hanapin niyo na lang yung may konek sa guizduino fire fighter module blah blah blah smoke detector with sms notification." sabi ko habang tinatamad na din maghanap at magbasa ng mahahabang project title.
"Dapat talaga tinanong na lang natin kung saan ba yung corner ng play boy dito e di sana nag enjoy pa tayo!" sambit ni seb
"Hahahaha gagu!" sambit ni lucas.
"Malay mo may playboy nga dito, 'di ba?" sabi ni seb.
"E di mas happy happy kung meron nga, tara tanong mo nga jaq kung may play boy sila..." sabi ni niccolo ng biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Anong playboy?" sambit ng isang boses ng babae sa aming likuran kaya agad kaming lumingon.
"Anong playboy, ha?" tanong niya habang nakapameywang sa amin.
"Hahahaha Sining!" maligayang sambit ni lucas sabay hampas sa likod ko.
"Anong gagawin niyo sa playboy magazine?" tanong nito sa amin.
"Ha? Si Jaq talaga may hilig do'n noh! Hoy Jaq bakit ka naghahanap ng playboy magazine sa library?" sabi ni seb habang nakaturo sa akin.
"Anong hilig? Anong naghahanap?"
"Oo! si jaq nga yung may hilig do'n...ano ba 'yan jaq 'wag mo naman kami idamay! napaka inosente pa namin sa mga gano'ng bagay." painosenteng sabi ni niccolo.
"Narinig ko boses niyo eh, kayo yung nagsasabi no'n." sabi ni sining habang tinuturo sila niccolo at seb.
"Ha? kami?" sabi ni niccolo na nagtataka kunwari.
"Nagkakamali ka, ang sabi namin pray boy hindi play boy." depensa ni seb.
Napaka husay talaga ng hinayupak na ito.
"Tama! pray boy, madasalin kasi kami. Yung kuwarto ko nga may limang picture ni papa jesus eh, naka frame pa nga." sabi ni niccolo.
"Oo, palagi nga ako nag pe-pray eh kaya pray boy na tawag sa akin." sabi naman ni seb.
"Tama tama atsaka mahilig ako sa...pray boy na brochure palagi ako nagsisimba at nagdadasal." sabi ni niccolo.
"Anong nagsisimba at nagdadasal pinagsasabi mo d'yan?" biglang sulpot ni salem na may nakasabit na dslr sa kanyang leeg. "Luwalhati na nga lang nabubulol ka pa!" dagdag pa niya.
"Ano ba naman 'yan niccolo, luwalhati na lang ginagagu mo pa? ganiyan ka na ba kasama?" pang-aasar ko.
"Wow ha! As if naman kabisado mo 'yon?"
"Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen."
"E di ikaw na!"
Mula elementary at highschool nagkaroon kami ng subject na katekesis eh, tapos ilang summer katekesis lesson din sinalihan ko para sa free meryenda nung bata ako... imposibleng 'di ko pa makabisado 'yan!
"Ano pala ginagawa niyong dalawa dito?" tanong ni seb sa dalawang babae.
"Bakit iyo ba 'tong library?" pagtataray ni salem.
"Ano red days lang?" pang-aasar ko.
"Kailan naging pula ang araw ha?" pamimilosopo niya.
"Nung buhay pa si itachi."
"Siraulo. Buwan 'yon hindi araw!"
"Version ko, pakialam mo ba?"
"Nandito ka ba para kuhanan ako ng litrato? wait okay na ba yung ganitong pose?" sabi ni niccolo na nag-ala model sa book shelves.
Isang Bachelor in Fine Arts Major in Photography sina Salem at Maki.
"Ang panget mo para maging subject ko. Anyway, hinahanap ko si maki madami pa kaming dapat kuhanan ng litrato, have you guys seen her?"
"Maki?" bigkas ni sining habang nakahawak sa baba niya ang isa niyang kamay at para bang nag-iisip.
"Yup sining, have you seen her?"
"Nasa gym yata siya xowie, napansin ko kanina 'di ko lang alam kung nandoon pa siya ha!"
"Thanks, ciao!" paalam ni salem pero bago umalis mabilisan niya kaming kinuhanan ng litrato at maarteng naglakad palayo sa amin.
Hindi na ako magtataka na magkakilala ang dalawang ito, pareho silang kilala sa school. Si Salem sa ganda at pagiging savage, Si Sining sa talino at pagiging competetive.
Masaya kaya yung gano'ng takbo ng buhay? Yung tipong madaming may pakialam sa'yo...
"Nadoon kasi ako sa may kabilang corner naghahanap ng reference para sa docu namin tapos may narinig akong pamilyar na boses kaya pumunta ako dito para makita si jaq." sambit niya habang nakangiti sa akin.
Creepy s**t.
"Nakita mo na ako, alis na!" pagtataboy ko sakanya.
"Anong oras uwi mo?"
"Huh?"
Ano naman balak ng isang ito? malaman schedule ko?
"I-aangkas kita sa scooter ko." alok niya sa akin.
"Ayiiieeeee!" pang-aasar ng tatlo sa akin.
"Taragis jaq, ibang level na ah! hahahahaha!" pang-aasar ni niccolo habang kinikiliti ang tagiliran ko. Buti na lang wala akong kiliti sa tagiliran.
"Ibang klase, babae na nanliligaw sayo, ayaw mo pa?" sambit ni lucas.
"Gwapo ka ba? Gwapo ka?" sambit naman ni seb.
Tangina alam kong panget ako pero isa akong panget na ma-pride!
"Ano, sasabay ka?" tanong niya sa akin.
"Hindi. Kahit kailan hindi iyon mangyayari!"
"Okay, hindi naman ako pinanganak sa mundong ito para lang pilitin ang isang maarteng lalaki na umangkas sa scooter ko." sabi niya at tinalikuran niya na kami.
Ang attitude din pala ng isang 'yon pota.
"Oo nga pala, kusa ka nga palang a-angkas sa scooter ko! Bye, Jaq!" sabi niya nung paglingon niya sa amin at syempre nag flying kiss na naman siya na sinalo ulit ni niccolo.
Tinignan ko ang nakatalikod na naglalakad paalis na si sining. Tuloy tuloy lang siya, never lumingon sa amin.
"Kailan ba ko titigilan ng babaeng 'yon?"
"E di kapag sinagot mo na siya!" sabi ni seb habang nakaakbay sa akin.
"Hindi ko nga siya gusto!"
"Dun naman nagsisimula 'yon pare eh," sabi ni lucas. "Ang tawag doon hate at first sight turned to love." dugtong niya.
"Kakapanood mo sa netflix kasama yung ate mo, tignan mo nagiging madrama ka na din."
"Tama si lucas pare!" sabi naman ni niccolo. "Sa ngayon hindi mo pa siya gusto pero kapag tumagal tagal kakainin mo rin yung mga sinasabi mo!" dugtong niya.
"Pag naging kayo babatukan kita ng isang daang beses!" pananakot ni seb.
"Atsaka wala ka bang puso ha? hindi ba 'yan marunong tumibok sa isang dalaga ha?" sabi ni niccolo.
"Bahala kayo mag isip ng kung ano-ano d'yan." tangi kong nasabi at nagpokus na lamang ako sa mga thesis na nasa aking harapan.
May puso nga ako, pero walang lugar para sa pagmamahal. Manhid na ang puso't isipan ko sa ideya ng pag-ibig. Lahat ng tao deserve mahalin, puwera na lang siguro sa akin.
•••