Heto na naman siya
•••
Nandito kami ngayon sa university cafeteria. Ang isang lamesa malapit sa poste ay aming sinakop dahil gusto lang namin sa puwestong ito.
"Hay nako may paparating na delubyo." sabi ko habang nakatingin sa magandang babaeng brunette ang kulay ng straight nitong buhok at mataray ang tingin habang nakahalukipkip at maarteng naglalakad papalapit sa mesa namin.
"Wazzup mga panget!" bati niya sa amin.
"Ano kami, salamin mo?" sabi ni seb at para kaming tangang nagtawanan bigla.
"Excuse me, wala sa lahi namin ang kapangitan. Baka sainyo meron?" maarte niyang pagkakasabi.
"Tama tama! wala sa lahi natin 'yon, 'di ba couz?" sabi ni niccolo at sabay inakbayan si salem.
"Kaso ewan ko na lang kung anong nangyari sa'yo, couz." sabi niya na para bang nandidiri kay niccolo sa maarteng pagtanggal ng kamay nito sa balikat niya.
"Tanga, as if naman gusto kitang maging kadugo! Eeeww!" Pag iinarte din ni niccolo.
Magpinsan nga talaga...kaartehan runs in their blood.
"Balita ko kakahiwalay mo lang doon sa pang labing dalawa mong syota ah?" pag change ng topic ni niccolo.
"Ibang klase talaga karupukan tsk tsk, lalahatin mo ba mga basketball player sa school bago grumaduate?" pang-aasar ko kay salem.
"Ohhh Jaq bakit parang nagseselos ka na naman? alam ko naman na crush mo ako, aminin mo na kasi!"
"Ha! Baka IKAW ang may gusto sa akin? aminin mo na kasi!"
"Actually tama ka doon," lumapit siya sa akin at umupo sa mesa na katapat ko. "Kinukwento nga kita palagi kay lord. Sabi ko kapag hindi kita nakuha, siya na lang kumuha sayo." dagdag niya pa.
Pinagdikit ko ang dalawa kong palad na para bang nagdadasal ako sa harapan niya.
"Maraming salamat salem dahil gusto mo ako mapunta kay lord. Napaka buti mong tao!"
"Kailan ko ba sasabihin sayo na it's xowie! X-O-W-I-E! XOWIE! not Salem!"
"Ang arte-arte mo naman, Xowie Salem naman pangalan mo!" pagrereklamo ni seb.
"Shut up, Loser!" inis na bigkas ni salem.
"shatap lusher nyanyanyanya...arte!" panggagaya ni seb kay salem para lalong maasar.
"Ewan ko sainyo mga panget!"
"Xowie!" sigaw ng isang babae na mahaba ang buhok, kulay itim pero may highlights na kulay tanso, kung makatingin kala mo aawayin ka at kung maglakad kala mo kung sinong siga. Ang tanging kaibigan ni Salem, si Maki. Kumakaway siya kay salem habang papalapit sa puwesto namin.
"Ma-le-late na tayo sa klase!" sabi ni Maki kay salem ng malapitan na niya ito at sabay cling sa braso niya.
"OMG! Kay Sir pogi?"
"Oo gaga!"
"Taragis na 'yan may bago ka na naman bibiktimahin? napakarupok mo talaga!" sabi ko.
"Mahirap kalabanin ang karupukan kaya kinampihan ko na lang. Osya babush na mga panget!" maarteng naglakad paalis si salem sa pwesto namin habang si maki naman normal lang.
"Hapit ba sa pagmamahal yung pinsan mo?" tanong ko kay niccolo.
"Only child eh kaya spoiled brat."
"Hindi ba nabobroken hearted yung babaeng 'yon? pota ang bilis mag move on baka nga kinabukasan sila na nung tinatawag niyang sir pogi." sabi ni seb.
"Sir pogi ampotek baka kamukha lang 'yon ni master pogi hahahahaha!" sabi ko.
"Baka nga mas guwapo pa do'n si master pogi! Hahahaha!" bwelta ni seb.
Napatigil ang tawanan namin ng biglang may umakbay sa akin at umupo sa aking tabi.
"Hi, Jaq!" Nakangiting bati sa akin ng isang babaeng hanggang balikat ang itim na buhok at style na ata nito ang magulong hairdo na parang hindi uso sakanya ang magsuklay.
Ngayong ko lang ata napansin na medyo may freckles siya sa mukha at ang kulay ng mata niya ay parang hazelnut?
"Crush ka daw ni Jaq!" biglang sambit ni seb kaya napatingin ako sakanya ng masama.
"Anong crush ka d'yan?"
"May gusto ka din pala sa akin pero sa iba mo sinasabi, paano tayo magmamahalan niyan?" sambit ng katabi ko.
"Puwede ba? Hindi kita gusto!"
"Naintindihan mo na ba yung binigay ko sayong sulat?"
"Oh!" abot ko ng nakatuping papel, "ayan reply ko sayo!".
Binuklat niya ang papel. Ineexpect ko na medyo puzzled look siya pero hindi, para bang ineexpect na niya na mangyayari iyon.
Sarap tabasin ng labi niya para hindi na siya ngumiti sa harapan ko kahit kailan!
"Binary codes?" tanong niya.
"Hindi, lotto digits, itaya mo baka manalo ka."
"Hahaha pilosopo ka rin eh noh?" sabay hampas niya sa balikat ko.
"Ano, close ba tayo?"
Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko na kinagulat ko naman.
"Hindi pa ba?" tanong niya sa akin ng mapangloko.
Agad ko naman nilayo ang mukha ko sa mukha niya kasi baka magkapalit pa kami ng mukha, mahirap na.
"Hindi! Ayan nakuha mo na reply ko, aalis na kami, Tara boys!" aya ko sa tatlong kumag.
"Ano ba 'yan jaq, KJ? hindi pa nga kami nagpapakilala sa future syota mo eh!" sabi ni niccolo.
Future syota? future ko nga wala, syota pa kaya?
"Sorry!" sabi ni sining at kaniyang ipinakita sa amin ang I.D niya;
Fedeli, Sining M.
BSBA - 4A
"Ano yung M?" tanong ni lucas.
"Magayon, I'm Sining Magayon Fedeli."
Pinakita naman ni Seb ang kaniyang I.D;
Jimenez, Lance Sebastian A.
BSIT - 4A
"My friends call me lance, Jaq calls me seb but you can call me babe." sabay kindat niya kay sining.
"Why seb?" tanong nito sakanya.
"May hobby kasi 'yang future syota mo," sabay turo sa akin. "na tawagin ang kung sino man may second name, sa second name nila." sagot ni seb.
"Future syota ampotek! Hindi ko nga siya gusto! tara na uwi na tayo!" aya ko ulit sa tatlo.
"Wait lang naman jaq, hindi pa nga kami nagpapakilalang dalawa!" reklamo ni niccolo.
"Dalian niyo na!"
"So seb, What's your middle name?" tanong ni sining.
"Lance Sebastian Alejandres Jimenez, haba noh?"
"Long but it sounds fancy naman." sabi ni sining.
"Kaya nga you can call me babe if you want hahahaha!"
"Sorry, but the only man that I'll call babe is jaq." sabay tingin sa akin ni sining tapos feeling ko nag beautiful eyes pa siya.
Taragis na buhay talaga ito. Kutsarain ko kaya palabas mata nito?
"Asa." tanging sambit ko.
"We already met, I'm Niccolo Rodriguez Nuevo at your service!" pakilala ni niccolo sabay salute kay sining.
"Lucas Pagal." simpleng pakilala ni lucas.
"Hello, hello, hello sainyo! Mga future kaibigan ng syota ko!" isa-isa siyang nakipag hand shake sakanila at tumigil sa akin...tinignan ko lang siya ng masama.
"Ikaw, hindi ka ba magpapakilala?" tanong niya.
May tao bang magkakacrush tapos hindi kilala yung crush niya? pambihira...wala yatang stalking skills ang isang 'to!
"Ako si kamatayan, susunduin ka na."
"Creepy!" agad na hinablot ni sining ang suot kong I.D.
"Matteo, Jaq S. Ano yung S mo? Santos? Sanchez?"
"Satanas hahahahaha!" pabulong na bigkas ni seb pero narinig ko kaya binatukan ko siya ng malakas.
"Awts! sorna!" sabi ni seb habang hinahaplos ang kaniyang ulo.
"Suarez." sagot ko.
"Jaq Suarez Matteo, Okay. Bakit ka pala laging naka jacket?" tanong niya.
"Pake mo." mabilis kong hinablot sakanya ang id ko.
"Ang init kaya dito, hindi ka naiinitan?"
"Oo nga naman pare, tanggalin mo 'yan! ang init-init sa pinas atsaka wala naman tayo sa room!" sabat ni lucas.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi hindi pa naghihilom yung huling hiwa ko sa pulsuhan.
"Tanggalin mo na 'yan Jaq! ako naiinitan sayo eh!" sabi ni seb.
Kapag tinanggal ko ito makikita nila yung mga laslas ko...baka isipin nila hindi ako normal...baka sabihin nila kailangan ko ng propesyonal na tulong...baka sabihin lang nila sa akin; 'Just Think Positive, pare' hindi naman gano'n 'yon lalo na kapag hindi mo maintindihan yung isipan mo at yung nararamdaman mo...hindi, hindi, hindi! Ano ba itong iniisip ko? Heto na naman ako! Pesteng isip 'to!
Halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko, sa kaloob-looban ko nagpa-panic na ako pero yung pang labas kong anyo kalmado lang.
"Huy Sining..." isang babae ang lumitaw at hinawakan si sining sa balikat. "Magrereview pa tayo 'di ba?" dagdag pang sambit nito.
Salamat! Saved by someone!
"Ahh! oo nga pala! Sorry lycka." tumayo na si sining sa pagkakaupo. "Osya kitakits na lang bukas, lalo na sayo jaq!" sabi niya sabay flying kiss bago umalis na syempre inilagan ko at parang tangang sinalo ni niccolo at inilagay ito sa pisngi niya.
Sana talaga hindi ko na makita yung babae na 'yon habang buhay!
"Taragis ka jaq! babae na naghahabol sayo!" reklamo ni niccolo.
"Sana all na lang talaga!" bigkas ni lucas.
"E di inyo na nga 'yon! pambihira!" Tumayo na ako sa pagkakaupo na ginaya naman ng tatlong kumag.
"Uwi na agad? alas-singko palang eh!" reklamo ni seb.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni lucas.
"Pass ako. Uwi na ako."
"Luhhh Jaq, bakit?" tanong ni niccolo.
Nawalan ako ng energy bigla...wala ako sa mood. Gusto ko mapag-isa at mag-isip.
"Tara, yosi?" aya ko sa tatlo na agad naman nilang pinagsang-ayunan.
•••
May limang metrong kalayuan sa unibersidad, sa isang matandang puno ng hindi ko alam kung ano ang bunga. Kaming apat ay may kanya-kanyang hawak ng isang yosi sa aming daliri at isa sa mga nakilahok sa aming cigarette session ay ang close naming prof na si Sir. Gray...gray kasi paborito niyang kulay.
"Anong oras klase niyo sir?" tanong ni lucas kay Sir Gray.
"Ala-sais."
"Anong year at subject? may chixx bang estudyanteng puwede mo i-reto sa akin sir?" tanong ni niccolo.
Kung si salem hapit sa lalaki, siya naman hapit sa babae...magkadugo nga talaga.
"First year, basic electronics. Madaming freshman ang fresh ngayon hindi tulad ng batch niyo, mga haggard na! hahahahaha!" sabi ni sir na tinawanan naming lahat.
"Paano hindi ha-haggard, yung computer sa lab ayaw pagamit! Parang tanga yung school na 'yan eh, pasunog ko 'yan!" sabi ni seb.
"Gawa nga, pasunog mo nga!" panghahamon ko.
"Gagu joke lang!"
"Kingina ninyo mga fourth year na kayo, akalain mo nga naman ang bilis ng panahon...pinapahirapan ko pa kayo dati gumawa ng system sa Operating System!" sabi ni sir.
"Oo nga sir eh, nag fourth year na walang alam! hahahaha!" sabi ni niccolo.
"Tanga, ikaw lang 'yon!" bwelta ni lucas.
"Paano naman kasi kayo matututo niyan, kulang sa facilities tapos kulang pa sa mga prof kasi walang budget yung school..." reklamo ni sir.
"Bakit sir, delay pa din ba yung sahod ninyo?"
"Tanginang sahod 'yan... delay ng isang buwan! pasunog mo na nga 'yang school na 'yan lance ng magkaroon ka ng silbi! hahahaha!"
"Taragis 'to si sir papahamak pa ako!" sabi ni seb habang kinakamot ang batok niya.
"Delay sahod tapos mababa pa hahahaha yawa, pakamatay na hahahaha!" sabi ni sir pero pabiro yung last part.
"Balak ko pa naman kapag naka-graduate na ako, mag part time d'yan sa school para iparanas sa magiging estudyante ko yung naranasan ko d'yan!" sabi ni lucas.
"Tulad ng ano?" tanong ni sir.
"Tulad ng pagtulog lang sa klase habang hinihintay matapos yung oras hahahahaha!" sabi ni niccolo na pinagsang-ayunan namin.
"O kaya yung ginagawa mo sa amin sir, yung magpapa introduce sabay may talent tapos kamukhang artista! bwiset kaya 'yon!" sambit ni seb.
"Sabi ni sir wala ka daw talent noon hahahaha!"
"Hindi ba talent ang pagkanta ng bahay kubo?" sabi ni seb.
"Buti nga bahay kubo kinanta mo, hindi lupang hinirang! baka tumayo pa kami at inilagay yung kamay namin sa dibdib!" sambit ni sir.
"Sayang! dapat pala ayun na lang sir, para at least maramdaman ko man lang maging makapangyarihan sa klase hahahahaha!"
Tinitignan ko lang sila mag usap-usap tapos maya-maya lalamunin na naman ako ng sarili kong isipan. Mawawala ako saglit sa kanila kahit nandito lang naman ako sa tabi nila. Patuloy ako sa paghithit ng yosi at pinapanood ang usok na aking binubuga kung paano sila tangayin ng hangin papalayo...parang ako.
Minsan, madalas, ang pinakamasamang lugar na maaari mong mapuntahan ay ang iyong sariling isipan. Walang tutulong sayo kapag nandoon ka. Wala.
•••