Ang mga tropa
•••
Mag-isa na naman sa maliit na kuwartong ito. Mas lumalala talaga ang gabi lalo na kapag ang ulam mo ay pancit canton at nilagang itlog. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo ko lang naiisip na mag-isa ako sa buhay.
Tinawagan ko ang aking mama upang kamustahin, nakatira lang naman sila ng kapatid ko sa kabilang siyudad. Tatlong sakay mula dito sa aking inuupahan. Sinagot niya ang tawag ko pagkalipas ng anim na ring.
Wala pa atang balak sagutin.
[Ayos ka naman d'yan?]
Tanong niya mula sa kabilang linya.
"K lang." tipid kong sagot.
[May kailangan ka ba? may babayaran ka ba? Dagdagan ko ba allowance mo?]
"Wala kong babayaran, ayos lang naman yung allowance ko di mo na kailangan pang dagdagan."
[Gano'n ba, bakit ka napatawag?]
Bakit parang ayaw mo?
"Napindot lang..."
[Ahhh debut ng kapatid mo next week, pupunta ka ba?]
"Bakit, hindi ba matutuloy kapag wala ako?"
[Matutuloy naman pero kung gusto mo pumunta, pumunta ka na lang dito.]
"Ge pag-iisipan ko...bye." pagkababa ko ng tawag, kinuha ko ang isang kaha ng marlboro red sa aking bulsa at kumuha ng isa atsaka sinindihan ito.
Some people smoke, others drink and others fall in love, each one dies in a different way kaya mas pipiliin ko na lang mamatay sa paninigarilyo at least mapayapa.
"Oy tol! buksan mo itong pinto!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa labas na agad ko naman pinagbuksan ng pintuan.
"Anong kailangan mo?"
Agad-agad siyang pumasok sa loob kahit hindi ko pa siya pinapatuloy at komportableng humiga sa kutson.
"Pinalayas ka na naman ba ng nanay mo?" tanong ko sakanya habang inaalukan ng isang stick ng sigarilyo.
"Parang gano'n na nga ulit..." sabi niya habang sinisindihan ang yosi niya.
Umupo lang ako sa may bintana habang tinitignan ang kupal na buwisita ko.
Siya si Jorge, kulot ang buhok at may makisig na pangangatawan. Kaibigan ko simula elementary, highschool at sa kamalas-malasan, eh, kaibigan ko pa din hanggang ngayon. Hays.
"Nagnakaw ka na naman ba sa bahay ng kaklase mo? Pinakawalan ka kasi tatay mo pulis tapos tinawagan na lang yung magulang mo?" sambit ko.
"Tanga, ano? gawaing high school pa din? Hahahaha!"
Oo nga pala gawain namin nung highschool iyon. Pareho kaming naaabsuwelto dahil parehong tatay namin ay pulis.
"Nalaman ng erpats kong kasali ako sa isang frat sa school!" aniya.
"Gago, anong sabi sayo?"
Inayos niya ang kaniyang tindig na kagaya sakanyang tatay, chest out at nakanguso.
"Ehem ehem...hinayupak kang bata ka! Wala ka bang gagawing matino? kanino ka ba talagang anak ha? Hindi mo na ako binigyan ng respeto! Isa kang kahihiyan! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Doon ka na tumira sa mga Ka-frat mo!"
Natawa na lang din ako kasi ginagaya din niya ang boses ng tatay niya, eh, alam naman namin na boses palaka ang tatay niya.
"Gago buti nga sayo!"
"Sanay naman na ako sa erpat kong 'yon pero may problema talaga ako tol..." pagkasabi niya no'n, humithit siya sakanyang yosi. "Nabuntis ko kasi si carla." kaniyang pagpapatuloy.
"Si carla? syota mo?" tanong ko kasi wala naman siyang nabanggit sa akin na may girlfriend siya.
"Syota ampota...hindi ah!"
"Ano, nabuntis mo lang? ano ka aso?"
"Hindi, Gagu! ex siya ng ka-frat ko tapos para bang nagka one night stand kami..."
"Siraulo! magdasal-dasal ka na tanga! Hahahaha bilang na lang araw mo!"
"Gusto nga ipalaglag ni carla, sabi ko huwag...parang bobo kasi! hindi pa daw siya handa maging ina...paano pa kaya ako? hindi din naman ako handa maging isang ama!"
"Aba aba aba! himala ayaw mo ipalaglag?"
"Gago, kahit ganito ako hindi ako mamamatay tao! lalo na wala pang kalaban-laban yung papatayin."
"Sabagay...sino ba naman ang gustong pumatay?"
"Ewan ko ba! gumamit naman kami ng condom pero may isang tanga pa din na nakalusot!"
"Nagtaka ka pa? Natural nagmana yung nag-iisang sperm na 'yon sayo!"
"Ikaw? ano na naman ba 'yang bendahe d'yan sa pulsuhan mo?" pagtatanong niya habang nakaturo sa kaliwa kong kamay.
"Nakalmot ng pusa..."
"Wala nga akong nakikitang pusa dito!"
"Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Puwet mo may rocket!"
"HA-HA-HA Gusto mo tignan puwet ko kung may rocket, ha?"
"Hahahaha biro lang tanga!"
Matagal ko ng kaibigan si Jorge na halos para na kaming magkapatid pero hindi pa din mawawala sa isipan ko na pagdudahan ang pakakaibigan namin. Kaibigan ko ba talaga siya o kaibigan lang naman niya ako kapag may kailangan siya?
Nawala ang mga ngiti ko sa labi at napalitan ng paghithit ko sa yosi habang nakadungaw sa bilog na buwan at kumikinang na mga bituin sa langit mula sa bintana.
Hindi ka pwedeng lumabas ngayon...may bisita ako.
Sabi ko sa isipan ko para kumalma ang mga demonyo sa loob ko.
•••
"Alam ko na buong pangalan niya pare!" masiglang bungad sa akin ni niccolo pagkapasok ko sa klase naming Robotics.
"Ano?" tanong ko sakanya kahit hindi ko alam kung sino tinutukoy niya.
"Sining Fedeli, BSBA. Fourth year din kaso sabi nila may pagka weirdo daw tsaka matapang na babae."
"O tapos? nalaman na natin ngayon, makakagraduate na ba tayo agad?"
Hindi ko alam kung para saan pa ito kasi wala naman akong interes sa babaeng 'yon.
"Ano ka ba! hindi ka man lang ba na-cu-curious sa babaeng 'yon?" tanong ni niccolo sa akin.
"Hindi."
"Dean's lister, laging nagkocompete sa debate, President sa course org nila! Pare, naka-jackpot ka! brains, beauty, and strength!"
"O talaga? e di iyo na siya!"
"Hay nako pare, bakit ba ayaw mo subukan mag mahal ulit? kalimutan mo na ang mga nangyari sa nakaraan! move on move on din!"
Bakit ba masyadong madrama ang isang 'to? nagsisimula na akong mabuwisit sakanya.
"Totoo ba?" biglang sulpot ni Lucas, isa din sa mga tropa ko.
"Yung ano?" tanong ko sakanya.
"Yung kinukwento nito ni niccolo sa gc."
"Ano sinabi nito? hindi ako nag online kagabi."
"May nagkakacrush daw sayo."
"Trip lang 'yon mga inutil!"
"Anong trip, ayiieee ga-graduate ng hindi single!" pang-aasar ni niccolo.
"Sana all! Hahahahaha!" pang-aasar din ni lucas.
"Anong sikreto ng ganiyang dugyot na pagmumukha ah? hahahaha share mo naman baka sakaling makabingwit rin ako." sabi ni niccolo habang pinipisil ang kanan kong pisngi.
Hindi ko sila pinansin pero medyo nakakunot ang noo ko.
"Hahahahaha pikon ampota!" sabay na nagtawanan sina niccolo at lucas sa aking harapan.
Taragis bakit ba kasi ang tagal ni sir contis para manahimik na ang mga kupal na ito!
"Hoy! Jaq!" bulyaw ng isang kumag sa pinto.
Kapag minalas-malas ka nga naman...kumpleto ang tropa sa subject na ito.
"Jaq! Tangina mo men! Nang-iiwan ka na pala ah?" pang-aasar ni Seb pagkalapit niya sa akin.
"Sagutin mo agad jaq, taragis ka ikaw pa sinusuyo? Hahahaha!" sambit ni lucas.
"Hindi ko talaga alam kung anong kadugyutan nakita no'n sayo hahahahaha!" sabi naman ni niccolo.
"Siguro bomber jacket mo nagdala? hahahaha walang laba-laba kasi pota, last month mo pa 'yan suot ah? July na ngayon!" pang-aasar ni seb.
Pota oo nga noh? kailan ko ba huling nilabahan 'to? hindi ko na maalala.
"Baka nga! Hahahaha buti naliligo ka jaq!" buwelta ni niccolo.
"Hindi kayo mananahimik d'yan? papatayin ko kayo!"
"Huy! Nandiyan na si sir kanina pa..." bulyaw sa amin ni kuya ace kaya napatingin kami sa harap.
"Kayong apat talaga lagi na lang kayong may sariling mundo d'yan sa likod, nakikinig naman ba kayo sa mga tinuturo ko?" tanong ni sir contis.
Tangina kasi ang kukulit ng tatlong ito hindi ko tuloy napansin na dumating na si sir.
"Opo sir, sorry po." sambit naming apat.
"Osya...ilabas niyo na ang gamit niyo at gagawa tayo ng robotic arm gamit ang arduino."
"Ingay niyo kasi..." pabulong kong sisi sa tatlo kong katabi.
"Buti na lang mabait si sir." sabi ni lucas.
"Kinabahan ako ng konti doon...'di ko alam kung ano yung arduino." sabi ni niccolo.
"Bobo, wala ka naman kasi talagang alam kaya kakabahan ka talaga." pang-aasar ni seb na sinang-ayunan namin ni lucas.
"Gagu kayo, ako kaya pinakamatalino sa ating apat." sabi ni niccolo.
"Tanga, walang matalino sa ating apat puro tayo bobo." sabi ko sakanila habang inaayos ang mga gamit namin.
"Ayos lang 'yan jaq, bobo ka man pero magkakaroon ka naman ng jowang deans lister." pang-aasar ni lucas sa akin.
"Gagu, aanhin ko 'yon kung hindi din niya ako matutulungan sa pag-co-codes?"
"Tama ka doon pare...kaya ikaw lance, jowain mo I.T ah!" pag sang-ayon ni niccolo sa akin habang nakaakbay kay seb.
"Tangina mga pare, alaws tayo glue gun." sambit ni seb. Kailangan kasi namin iyon para makabit yung robotic arm.
"Hindi ba sabi ko ikaw magdala?" sabi ni niccolo kay lucas.
"Anong ako? si Jaq yung sinabihan mo no'n!" sagot ni lucas.
"Pota...may sinabi kayo?"
"Taragis na 'yan...bili na lang ng kandila sa labas, unahin na yung codes." sambit ni seb.
"Tangina nito...ano, aral na aral ka ba? Hahahaha!" pang-aasar ni niccolo sakanya.
Sa aming apat, hindi naman sa wala kaming alam sa programming...meron naman kahit papaano sadyang nawawala lang pagkatapos ng klase. Hindi kasi sumi-sink-in sa amin ang mga codes. Hays. Pero si lucas ang aming taga codes...minsan, madalas, moral support lang kaming tatlo.
#include
Servo servo1; //Servos
Servo servo2;
Servo servo3;
const int LED1 = 2; //LEDs
const int LED2 = 3;
const int LED3 = 4;
const int LED4 = 7;
const int LED5 = 8;
const int button1 = 12; //Buttons
const int button2 = 13;
Habang ginagawa ni lucas yung codes, kaming tatlo naman ang bahala sa robotic arm, o 'di ba team work.

"Oh ah! puwede na din tayong gumawa ng robotic slapper!" hirit ni niccolo.
"Oo tapos sasampalin niya kung sino bobo, unang masasampal si niccolo." sambit ni seb.
"Sino kaya irreg sa atin? balik isang subject? Ako ba, lance?"
"Sinabi ko bang ikaw 'yon? taragis to hahahaha!"
"Tapos na kami dito boss lucas, buhay ka pa ba d'yan?" sabi ko kay lucas, sa lapag kasi kaming tatlo gumawa dahil sa kandila.
"Taragis na 'yan...pakamatay na lang kaya tayo?" sambit ni lucas habang nakafocus sa laptop.
"Puwede din tutal payag naman ako mapunta sa impyerno basta nandoon kayo!" sabi ni niccolo.
"Tanga, bawal sa impyerno bobo hahaha!" bwelta ni seb.
"Bawal din sa langit mga bobo hahaha wala kang pupuntahan niccolo." sabi ko.
"Tangina ninyo! Hahahaha!" sagot niya. Buti na lang walang pikon sa amin, Ako lang.
"Mr. Matteo! May naghahanap sa'yo!" sigaw ni sir contis sa harap.
"Luhh gagu baka si satanas na 'yan, ihahatid ka na sa impyerno boy! hahahaha!" sambit ni seb, binatukan ko siya habang patayo ako kasi pota paano nga kung si satanas 'yon? handa na ba ako sumama sakanya?
lumapit ako sa harapan, sabi ni sir nasa labas daw ng room kaya pinayagan niya ako... emergency daw. Paglabas ko ng room siya lang pala.
Mas okay pa kung si satanas na lang nakita ko kaysa sakanya.
"Anong emergency ito?" bungad ko sakanya na tinawanan niya lang.
"Oh!" isang naka tuping bond paper ang inabot niya sa akin "Babushh!" sabi niya habang patalon-talon na lumarga.
Tangna no'n, ano akala niya, nasa disney movie siya? Para siyang tanga.
Pumasok ako sa room at bumalik sa puwesto namin sa sahig.
"Ano raw 'yon?" bungad na tanong ni seb.
Pinakita ko sakanila ang nakatuping bond paper at kanila itong binuklat at pinagmasdan ang nakasulat.
"Taragis ano ito? isa ba itong ritwal para mag summon ng isang demonyo?" reklamo ni niccolo.
"Gagu isa ata 'yang sinaunang sulat ng mga alien!" sabi naman ni seb.
"Tanga! Steno 'yan!" sambit ni lucas.

"Kanino galing?" tanong ni lucas sa akin.
"Natural do'n kay sining! Sino ba BSBA na course ang kilala si jaq sa school na ito? Si sining lang naman." sambit ni niccolo.
"Pota secret code! Hahahaha decypher natin, decode natin dali!" excited na sabi ni seb.
Nag-open new tab si lucas at naghanap ng steno translation sa pakening s**t na sulat na ito.
"Aba! ayiiieeee!" bulyaw ni niccolo, naiwan kasi ako dito sa sahig... pake ko ba sa sulat na 'yan!
"Hi Jaq, since you never ask for my number, can I have your phone number instead? sining." pagbabasa ni lucas na sakto lang para marinig ko.
"Gusto niyo magreply ako?" tanong ko sa tatlong kumag.
"oo naman! lagyan mo agad ng I love you hahahaha!" sabi ni seb.
Pumilas ako ng isang pirasong papel sa notebook ko at nagsimulang magsulat.
"HAHAHAHA Siraulo ka!" natatawang saad ni seb.
01000010 01100001 01101000 01100001 01101100 01100001 01101011 01100001 01110011 01100001 01000010 01010101 01001000 01000001 01011001 01001101 01001111
- 01001010 01100001 01110001
"Pa-steno-steno pa siya, eh, I.T 'tong pinadalhan niya ng sulat!" ani ko.
"Inaka! dapat ASCII code nalang! Pahihirapan mo pa yung babae!" reklamo ni niccolo.
"Tama lang 'yan!" saad ni lucas.
Bahala ka sa BUHAY MO
- Jaq
Ayon lang naman nakasulat d'yan...buti nga konti lang, nakakatamad din magsulat ng puro zero at one.
"Kayong apat tapos na ba kayo? kung ano-ano na pinag gagagawa niyo d'yan." sabi ni sir contis nung makalapit sa amin.
"Sir yung codes na lang po kulang..." sabi ni lucas.
"Sige sige tapusin niyo na 'yan." sabi ni sir at umalis na sa aming harapan.
Sana lahat ng prof kagaya ni Sir Contis, mabait kahit na alam niya nang gagu yung mga estudyante.
"Kailan mo ibibigay sakanya?" tanong ni niccolo.
"Ikaw magbigay, ikaw hapit eh."
"Siraulo! Ano, kinakabahan ka ba?"
Ako? Kakabahan? Patawa. Never have I dealt with anything more difficult than my own soul.
•••