Si Jaq
•••
This is a story of how my first semester in my final year as a college student went.
Hindi ako yung binata na popular sa buong campus o heartthrob kung tawagin nila. Hindi rin ako athlete, being an athlete never runs in my blood. Hindi rin ako yung anak ng may-ari ng school o isang cold na maappeal na lalaki na isang mafia leader. Hindi rin ako isang gangster. Hindi rin ako mayaman, may kaya lang. Hindi rin ako matalino, minsan lang pero madalas siguro walang alam. I was never that kind of student. Isa lang akong normal na college boy at ang mga nakakakilala lang sa akin ay yung mga nagiging kaklase ko, except kay Sining.
Naaalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat, paano kami nagkakilalang dalawa na para bang kahapon lang naganap.
•••
Hulyo, 2018
"Hush little kiddo
Don't you cry.
Don't slit your skin,
Don't say goodbye.
Put down that blade,
put out that light,
I know It's hard,
But you'll win this fight..."
Ilang beses ko na ba kinanta 'yan sa sarili ko? Halos hindi ko na mabilang. Nakaupo ako sa may bintana, yosi ang nasa labi, matalas na blade naman ang hawak ng aking kanang kamay na dahan-dahang gumagawa ng linya sa aking kaliwang pulsuhan. Ilang beses ko na ba ito ginagawa? Halos hindi ko na din mabilang. Lagpas sa sampung linya para sa aking kaliwang kamay sa araw na ito. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng dugo sa aking balat pabagsak sa sahig, hindi ko namamalayan na ganito na pala ako kamanhid.
Kinuha ko ang aking bendahe at tinakpan ang mga hiwa sa aking kamay. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong relo o wall clock dito sa aking inuupahan, feeling ko kasi palagi akong minamadali nito kaya mas okay ng walang gano'n para maramdaman ko man lang na tumitigil rin ang oras. Pero ang tanging alam ko ay may klase pa ako ng alas-syete at alam ko din na late na ako dahil tirik na ang araw sa labas.
Mabilis akong kumilos, buti na lang at naligo na ako nung madaling araw palang. Nagmadali akong sinuot ang aking uniporme, isinuot ang aking I.D;
Matteo, Jaq S.
BSIT 4-A
Na pinatungan ko din ng paborito kong bomber jacket para maitago ko dito ang dapat itago. Pagkatapos ng pag-aayos sa aking sarili, nilisan ko na ang maliit na kuwartong aking inuupahan. Yosi sa aking labi at earphone sa aking tainga na nakasalpak sa aking cellphone na kasalukuyang pinapatugtog ang kantang Welcome To My Life ng The Simple plan. Handa na ako upang makipagsapalaran na naman sa lugar kung saan nakakatanggal ng enerhiya kahit nakaupo ka lang naman...ang school.
Nasa side walk ako at malapit na sa gate ng school nang biglang may tumigil sa gilid ko na isang itim na Honda Silverwing ABS.
"Hi!" bati ng may-ari ng scooter na may helmet na hindi natatakpan ang mukha.
Hindi ko siya pinansin kasi sabi ng magulang ko, don't talk to strangers lalo na kung 'di mo kilala.
"Sabi ko, Hi." sabi niya habang dahan-dahang pinapatakbo ang scooter niya para magkasabay kami.
"You're Jaq, right?" tanong niya sa akin.
Kilala niya ako? Lumingon-lingon pa ako sa paligid baka kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita.
"Ikaw yung kinakausap ko! Ikaw si jaq, hindi ba?" aniya.
"Hindi ako 'yon." sabi ko sakanya para layuan niya na ako.
"Ganito na lang huhulaan kita..." sabi niya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Hula ko na kusa kang lalapit sa akin at a-angkas sa scooter ko, tapos magiging boyfriend kita."
Napatigil ako sa sinabi niya at napalingon sa gawi niya, nagkibit balikat lamang siya.
"Atsaka hula ko din...kulay red ang suot mong brief? hehehe!" pagkasabi niya no'n ay agad niya ng pinaandar ang kanyang scooter.
Pinagsasabi ng isang iyon? nababaliw na ata siya?
Pagkapasok ko sa loob ng unibersidad marami pang tao sa hallway. Agad kong tinungo ang banyo para sa mga lalaki, pumasok ako sa isang cubicle at doon sinilip ang suot kong brief.
"Ha! white!"
Niloloko lang yata ako ng babaeng 'yon.
Agad kong inayos ang suot kong pantalon at tinungo ang classroom namin. Ang kagandahan sa course ko ay kahit late kami walang pake ang prof namin dahil sa huli siya nag a-attendance at magbibigay lang naman siya ng isang problem sa board tapos five hours siyang matutulog kasi five hours ang isang subject namin sakanya.
Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa paborito naming puwesto ng kaibigan kong si Niccolo... ang dulo.
"Ano na naman pinapagawa niyan?" tanong ko sakanya habang paupo sa upuan.
"Nagpapagawa ng who wants to be a millionaire tapos wala man lang tinuro! paano 'yon, gago talaga 'yang tamad na 'yan." pabulong niyang reklamo.
"Tanginang 'yan, ano 'yan huhulaan natin yung codes?"
"Malamang hihingi na naman tayo ng tulong sa mga indiano."
"Tangina naman mas may natututunan pa ako sa mga indiano kaysa d'yan sa tamad na 'yan eh!" sabay tingin ko sa natutulog na prof namin sa harapan. "Sana nag enrol na lang ako sa Y.U." dagdag ko pa.
"Y.U?"
"Youtube University, free tuition pa tapos home based."
"Hoy! Ang iingay niyo ah tapos niyo na ba yung pinapagawa ko sainyo? ha?" sigaw ni Sir. Vergario na kakagising lang.
"Naistorbo yata yung tulog niya, nananaginip siguro." pabulong kong sabi kay niccolo.
"Shiela..." pabulong na tawag ni niccolo sa kaklase naming babae na nakaupo sa aming harapan.
"Ano 'yon?"
"Baka naman oh! nakita namin na may pinasa sayo si kuya ace na flashdrive, share your blessing naman diyan!"
Si Kuya Ace ang veteran sa amin pagdating sa programming, advance kasi siya mag-isip.
"O ayan, nasa flashdrive na yung codes, nakafolder mob prog yung pangalan." sabi ni shiela habang inaabot yung flashdrive sa amin.
"Uy! salamat." sabi ni niccolo sakanya.
"Huwag kang mag-alala, babaguhin naman namin yung variables." paninigurado ko kay shiela.
"Siguraduhin niyo lang ah?"
"Oo noh atsaka output lang naman tinitignan ng tamad na 'yan eh!" sabi ni niccolo.
"Dalian mo na i-copy mo na sa laptop mo!" utos ko sakanya.
Ganito manduga ang isang I.T student. Kapag masyadong strict ang prof at hindi maipasa ang flashdrive ng aming source gagawin namin through email 'yan na naka google drive. Minsan sa messenger na nakabukas sa incog para walang history na makita. Ganiyan kami kung manduga dapat nga lang keyboard warrior ka para hindi mahuli, close window agad at syempre dakilang madamot sa wifi ang unibersidad namin kaya hinack na namin ang password para sa aming pangangailangan. Magkano tuition namin dito tapos 'di kami makakagamit ng wifi? Nasaan ang hustisya?
At isa pang nakakainis dito ay ang mga computer sa computer lab na display lang naman. Ayaw ipagamit kasi bago daw baka ma-virus-an. Dapat talaga sa Y.U na lang ako nag enrol pero buti na lang may aircon ang comp lab, may awa pa din pala ang Diyos.
} public Question(String quest, String ans1, String ans2, String ans3, String ans4, int correct){ question = quest; answer1=ans1; answer2=ans2; answer3=ans3; answer4=ans4; correctAnswer=correct; } public void printAll() { System.out.println(question); System.out.println("A: " + answer1); System.out.println("B: " + answer2); System.out.println("C: " + answer3); System.out.println("D: " + answer4); System.out.println("Correct answer is answer number "+ correctAnswer); } public String getQuestion() {
return question;
}
}
"Ayan run mo na!" sabi ko kay niccolo.
Pagka-run namin gumana naman na siya kaso kailangan pa namin baguhin ang design at tanong na nakapaloob sa code dahil baka doon pa kami mayari. Ang dami kasing arte nitong Mob Prog at Android Studio parang yung prof lang namin! Tssss.
Limang oras. Limang oras kaming mukhang may ginagawa at nahihirapan kahit ang totoo no'n ay tapos na talaga kami kanina pa. Tamang pagpapanggap lang dahil baka magpagawa na naman ng isang app si sir tamad.
Pagkatapos ng klase tinungo namin ang isang maliit na karinderya na katapat lang ng unibersidad. Bumili ako ng hotkalog na thirty pesos lang samantalang si niccolo ay porkchop na forty pesos naman.
"Nasasayang limang oras natin kay Sir. Vergario..." reklamo niya.
"Limang oras natutulog ka lang pero bayad, sana gano'n din tayo parang sleep over lang."
"Gago sayang tuition! napupunta lang sakanya!"
"May tama ka do'n pare." pagsang-ayon ko kay niccolo. "Gawa tayo petition para mapatalsik siya?" dagdag ko pa.
"Gantihan na lang natin sa evaluation." suggest ni niccolo sa akin na mas maganda nga namang ideya.
"Hi Jaq!" Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin at tumabi sa upuan ko.
"Ikaw na naman?" sabi ko sa babaeng katabi ko at agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. Ano kami, close?
"Wow akalain mo nga naman at nagkita ulit tayo!" sabi niya sa akin.
Baka sinusundan na ako ng isang ito ng hindi ko namamalayan?
"Hindi ka manghuhula kaya huwag mo ko pagtripan!" sabi ko sakanya dahil naalala ko yung pang-uuto niya sa akin kanina.
"Paano mo naman nasabi?"
"Hindi red ang kulay ng brief ko, kulay white!"
"Ha! Paano ko malalaman na totoo ang sinasabi mo?"
"Kasi tinignan ko mismo!"
"Ayon na nga, ikaw lang nakakita kaya paano ko malalaman na white talaga 'yan? baka niloloko mo lang ako tapos red pala talaga 'yan!"
"Anong gusto mong gawin ko, ipakita ko sayo brief ko?"
"Kung ayon ang magpapatunay e di 'yon ang gawin mo!" panghahamon niya sa akin.
Ano siya sinuswerte? ipapahiya ko sarili ko para patunayan lang na tama ako?
"Ayan oh! PUTI!" Pinasilip ko sakanya ang kapirasong tela ng brief ko dahil sinabi din ng magulang ko sa akin na Huwag magsinungaling, It's bad.
"Okay tama ka nga, puti nga." sabi niya habang nakangiti pa din.
"Ha!" pagmamalaki ko dahil tama ako pero hindi ko alam kung bakit na naman ako nagpauto.
Hinampas ko na lang ang noo ko at bumalik na sa pagkain ng hotkalog.
"Teka teka teka..." pagsabat ni niccolo. "Sino ka? bakit tungkol sa brief pinag-uusapan niyo?" dagdag na tanong niya.
"Baliw na babae, hinulaan niya kulay ng brief ko which is color white at hindi red!" sagot ko.
"Hep hep hep! hindi ikaw tinatanong ko kundi ang magandang dalaga na katabi mo."
Taragis 'tong hinayupak na ito masyadong hapit sa chix.
"Crush ko kasi si Jaq." confident na sagot ng babaeng katabi ko kaya nabilaukan ako bigla.
"Crush mo siya?" pagtataka ni niccolo. "Tignan mo nga itsura niyan! Mukhang walang mararating sa buhay!" sambit niya pa.
Believe me, gano'n din paniniwala ko.
"Oo gusto ko siya, gusto din kaya niya ako?" nakangiting tinitignan ako ng babae.
"Tigilan mo nga 'yang pagtingin mo sa akin, hindi kita gusto!"
"Alam ko pero gusto talaga kita!"
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi eh...nakakatuwa ba akong lokohin?
"Sigurado ka na ba d'yan? baka naguguluhan ka lang ah?" paninigurado ni niccolo sa babae.
"Oo naman siguradong sigurado ako!"
"Hindi kami future engineer, architect, doctor or piloto ah! Future may-ari ng computer shop lang kami, kapag minalas-malas baka taga-bantay lang o kaya yung nagre-repair ng sirang cellphone at laptop sa mga bangketa." sabi ni niccolo na sinang-ayunan ko.
Ganiyan kami ka positibo sa buhay.
"Ayos lang, feeling ko naman future online seller lang ako. Kapag minalas-malas baka may-ari ng sari-sari store." sabi ng babaeng katabi ko na confident pa habang nakangiti at naka chin up.
"Ibang klase ka din." sabi ko sakaniya.
"Alam ko, so...tayo na ba?" tanong niya na nagpabuga sa iniinom ni niccolo at nagpagulat sa akin.
"Ano mabilisan? atsaka hindi nga kita gusto! Atsaka sa apat na taon ko dito ngayon nga lang kita nakita!"
"Hindi mo pa gusto pero soon...you don't know! Tandaan mo yung hula ko sayo ah!" pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya at sinuot ang dala-dala niyang itim na helmet at tinungo ang nakaparada niyang scooter sa gilid ng karinderya.
"Teka anong pangalan mo? Oy!" pasigaw na tanong ni niccolo kasi wala naman akong interes na makilala ang babaeng 'yon.
"Sining, Jaq. Sining ang pangalan ko!" sigaw niya sa akin atsaka umalis.
"Sira ulong babaeng iyon...ako nagtanong tapos sayo sumagot!" reklamo ni niccolo.
"Hayaan mo 'yon, baliw na ata 'yon halata naman sa magulo niyang buhok."
"Haaay mukhang ga-graduate kang hindi single ah?"
"Asa!"
"Atsaka hanep yung pangalan niya pare... sining?"
Sining...
Hindi ko alam pero masyadong madilim ang buhay ko para magpapasok ng kahit na sino, kaya nga single kasi why let someone else ruin your life when you're perfectly capable of doing it on your own? 'di ba?
•••