Masakit. Ramdam ko yung sakit sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagpasok ng bala sa aking katawan bago ko narinig ang sigaw ni Luke. I knew it was him even though I haven’t seen him. As much as I want to look at him, hindi ko na nagawa dahil mabilis na nawalan nang lakas ang tuhod ko. Alam kong babagsak ako sa sahig. Ipinikit ko agad ang aking mga mata. Ngunit bago pa man tumama ang aking ulo sa lupa ay naramdaman kong may sumalo noon. “Mitch! Mitch gising!” It was Hellix. Sinubukan kong magmulat pero hindi ko na kaya. Ang tanging nagawa ko nalang ay hawakan siya sa kaniyang braso nang buong lakas. I tried so hard not to sleep. But I was tired. I felt the need of sleep all of the sudden. Hinihila ako nito, at wala naman akong nagawa kundi magpadala roon. *** Isang marahang haplos sa

