“It was a big issue po at isa po si Mr. Garcia sa mga kilalang businessman these days. They want to know if you did something to him….”
What? Ako pa ngayon ang lumabas na may ginawa sakanya para gawin niya ang mga bagay na ‘yon?
“So you know about the s****l harassment, am I right?”
“Yes, Miss Valerio.”
“Mhmm. Alam mo pala, so why dig in? Can’t you just write that Mr. Garcia is naturally a p*****t?” Sabi ko.
Natigilan siya pati na din ang may hawak ng camera ay napatingin sa’kin. I’m sexually harassed, and worst in public.
Wala silang pake sa feelings ng tao basta may masulat sila na headline kung saan madami ang interesado. Sick people.
“Please cut the camera.” Sabi ni Gio at pinauna na akong maglakad papunta sakanyang sasakyan.
Gusto ko sana gamitin ang sasakyan ko pero ayoko muna mahiwalay kay Gio dahil sabay din naman kaming kakain.
Pag may reporter pa na lumapit sa’kin, I won’t speak a word. That one is the last one.
“Ayos ka lang ba?” Tanong niya sa’kin.
I know I don’t look okay right now. Medyo kinakabahan pa ako sa pag sagot ko sa reporter kanina. I was just acting tough dahil pag nagmuka akong mahina sa harap ng mga tao, I’m afraid they’ll abuse it. Mas okay na ang tingin nila sa’kin ay mataray at mahirap lapitan.
I’m building my walls to everyone from now on. Except for Gio, of course, he is my secretary.
“No, but I’ll be fine. Don’t worry.”
“I should’ve made the security tighter when the harassment happened.” Sabi nito.
“No one expected that, Gio. I don’t even know Mr. Garcia was capable of doing something like that.” Sabi ko.
Pero sabi nga ni Mr. Garica, he doesn’t have anyone now and he thinks he has nothing to lose. Ang hindi niya alam, dahil sa ginawa niyang ‘yon, lahat ng possibilities na ikakaangat niya ulit ay nawala na. Everyone knows about the issue.
Kaya naman medyo nababahala din ako pag may mga meetings. I don’t know. I feel like they will ask me about it after the meeting. Ganun naman palagi.
May small talks after ng meeting.
“I know, but it was my job to make you safe.” Sabi niya.
Tama naman siya, but I don’t blame him. Simula pa nung nangyari ‘yon wala akong sinisi. Walang nag expect non at wala din naman may gusto na mangyari ‘yon.
What’s important right now is that I’m alive and fine. Not fully fine, but at least functioning. Nung nakalabas kami ng basement parking ay kita ko sa labas ang sobrang daming reporters sa tapat ng building. Kung gaano kadami kaninang umaga, mas dumami pa ngayong hapon.
Hindi ko alam kung bakit umaasa silang diyan ako dadaan at may mga sumunod pa talaga eh hindi naman ako nagpakita simula umaga.
“I hope they’re gone tomorrow.” Sabi ko.
“I’ll try my best para paalisin sila bukas.” Sabi ni Gio.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Hindi ko naman din pinepressure si Gio dahil alam kong madami din siyang ginagawa.
Ang ibang gawain ko ay siya din ang nagawa kaya naman hindi ko siya masyado iniistorbo or dinadagdagan pa ng mga gagawin.
“Is there a specific food you want to eat for tonight’s dinner?” Tanong nito.
“Hmmm, Id’ like some seafoods.” Sabi ko.
I want to eat shrimp and crabs. They’re totally my favorite. Meron bang mga tao na ayaw sa ganung pagkain? I don’t think so, and if ever there is, they’re missing life.
Sobrang sarap pa naman non. Lagi ako binibilhan ni mommy tuwing Friday. That was our bonding day too. Kaso nung lumala na ang sakit niya, tumigil na din kami sa pag gala at kain. She can’t eat as much as she does before.
Minsan pa nga ay hindi talaga siya kumakain. Pinipilit ko naman at pinipilit niya din kaso hindi talaga kaya. Kapag kumakain siya, sinusuka niya lang ‘yon.
Sabi ng doctor ay wag siya pilitin kung ayaw niya talaga. It’s the best to feed her some soup or liquid based food and that’s what I did. Pero feeling ko ay hindi siya nabubusog doon.
I was feeling sorry those days that she can’t eat what she loves anymore. Pero ang sabi niya naman, she already live her life to the fullest which I doubt she did.
Kaming dalawa lang ni Danicah ang lagi niyang iniisip. Puro siya work aside from that. She didn’t even got to visit different countries and have a vacation.
Gusto ko man siyang dalhin noon ay busy din siya. I can’t just tell her or kidnap her to the place where I want for us to visit. Hindi rin madadala si mommy kahit anong gawin ko.
She’s too strict when it comes to work. Gusto niya ay natatapos niya muna ang mga dapat niyang gawin which was helpful for me. Tignan mo ngayon, madami akong natapos.
It’s just I’m not in my best condition kaya hindi ko naubos. Plus, those are four days of paper work. Impossible talaga na matapos ko ‘yun lahat ng isang araw lang.
We stopped in front of a restaurant. I’m not familiar with this one. I actually don’t spend money for meals ever since mom left. Tapos bigla din naman dumating si Brion. I couldn’t go out whenever I want to and I’m not in the mood to eat alone outside.
Wala din naman nag aaya sa’kin because I don’t have friend s here. Wala na akong contact sakanila.
“Is everything okay?” I snapped out of my thoughts and looked at him. Tumango ako at ngumiti. He then smiled and went outside to open the door.
Kaya ko naman buksan ‘yon pero hinayaan ko nalang siya.
“Wala bang nagalang reporters dito?” Tanong ko.
“Why would they go here? No one followed us I made sure of it.” Sabi nito.
Reporters will find their way to do their thing. Tulad nalang sa nakasalubong namin sa basement parking. They weren’t supposed to be there. Sobrang higpit ng security nun pero nakapasok pa din sila. Pumasok na kami sa restaurant at nauna si Gio.