“Kristian,” Tawag ko dahil papaalis na siya kasama si sister.
Lumingon ito sa’kin at ngumiti. Tumingin sa’kin si sister at hinayaan si Kristian na lumapit.
“Gusto ko ipagpatuloy mo ang pag paint, ha? Magpapadala ako ng mga materials para sa’yo. Gusto ko din magpakabait ka at makihalubilo sa mga kasama mo. Tandaan mo hindi lahat ng tao ay parepareho, kailangan mo lang talaga mahanap yung tao na makakaintindi at gugustuhing makipagkaibigan sa’yo.” Sabi ko.
“Wow! Talaga po?” I nodded.
“Thank you po, Ate!” Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.
I smiled and hugged him even tighter. Umalis na si Kristian dahil nga unti unti na din umaalis ang kasamahan niya. Ngumiti ako at kumaway sakanya nung lumingon siya. Pag lingon ko naman kay Gio, nakatingin lang ito sa’kin.
“You just make me fall harder everyday, don’t you?” Sabi nito. Hindi ako nakapagsalita.
I’m shocked on how straight forward he is. Umiwas ako ng tingin at biglang may lumapit sa’min na isang volunteer din na may ari ng isang kumpanya.
“Ms. Valerio! It’s nice to see you here.” Sabi nito.
She’s familiar, I think we’ve met before. Hindi nga lang talaga ako matandain sa pangalan so hindi ko alam ang itatawag ko sakanya.
“Ah, I’m Trisha Villaflor.” Sabi nito.
“Ah yes! I remember. I just forgot your name. I’m sorry, I’m not really good with remembering names.” I said and chuckled.
“It’s fine.” Sabi niya at ngumiti.
“I’m glad to be part of this charity. You and Mr. Villanueva are very amazing person. I hope to work with you soon.” Sabi nito.
“Thank you for being part of it too. Masaya din kami at madami ang interesado na pumunta at nag volunteer.” Sabi ko.
Nagusap lang kami saglit tungkol sa mga chismis sa business industry tapos umalis na siya. We’re gonna meet later at the after party though. Papunta na kami ngayon sa hotel.
“Ay!” Sabi ko at agad na hininto ni Gio ang sasakyan. “Why? Is there something wrong?” Tanong nito. “I forgot to give the foods.” I pouted.
Sayang ang mga pagkain. Naalala ko tuloy si Louis. Magagalit ‘yon kapag hindi nagalaw ang pagkain.
“God. I thought it’s something serious. We’ll just heat them up and eat them tomorrow if you want.” Sabi nito.
Sabagay. Panigurado mamaya ay puro pagkain sa party. Hindi naman namin siguro kailangan umorder ulit habang bumabyahe pauwi. I miss Brion so much. Pag dating sa hotel, Kumonek agad ako sa internet. I video called lola and she answered immediately.
“Hi Brion!” Sabi ko nung nakita ko si Brion sa screen ng phone ko.
Oh God, I want to hug him so tight after a long day of travel and work. It didn’t really felt like work, but I was exhausted standing and roaming around.
“Mama!” He said and giggled.
“Kumain na siya, lola?” Tanong ko.
“Oo, hija. Grabe kanina ayaw na umalis sa pool niyan.”
Ngumiti ako at sinabing, “Did you enjoy swimming at the pool?” Tanong ko. Tumango si Brion. Unti unti na talaga siyang nakakaintindi. Ngumiti ako.
Para tuloy ayaw ko na siya lumaki. Ang daming bata kanina at madami din akong nakitang pasaway. Sana pag laki ni Brion, hindi siya gaano pasaway dahil mahihirapan talaga ako.
Kanina, nakita ko kung pano yung hirap nung mga madre at nung mga nagaalaga sa mga bata para lang mapakalma sila.
“Mama miss you so much. I’ll see you tomorrow okay?” Sabi ko at ngumiti.
Nagusap muna kami saglit ni lola bago ko iend. Sobrang saya nila dahil doon matutulog si Brion. Pero kinailangan ko na din iend dahil maghahanda pa ako sa after party.
I have my dress ready. Formal yung party dahil lahat ng mga successful business man and business woman ay nandoon. Pagkatapos ko mag ayos, ay dumeretso na ako sa garden. Doon kasi gaganapin ang party.
Nandoon na daw si Gio kaya naman hindi ko na siya sinabihan pa. Panigurado nag aantay lang yun sa bandang entrance at sinisipat ako. Nakarating ako doon at nagtama kaagad ang aming mata.
He looks cool with those clothes. Well, I see him everyday wear suit and tie, but this one looks--I don’t know it hits different. I don’t know if it’s because the ambiance and place that we’re at, but he looks extremely handsome right now.
“You look gorgeous,” Sabi nito at inalay ang kanyang braso para hawakan ko.
“Thank you, so are you.” Sabi ko at naglakad kami sa gitna. Sinisipat ko ang mga kakilala ko.
Nakita ko si Trisha at Mr. Villanueva na naguusap sa malayo. Napatingin sa’kin si trisha at agad niya akong tinawag. Lumapit kami sakanila at ngumiti sa’kin si Mr. Villanueva.
“Finally! I get to talk with both of you.” Sabi ni Trisha.
“Ms. Villaflor was asking if we could include her to our future charity programs,” Sabi ni Mr. Villanueva.
“Of course! We’ll be happy to have you. Mas madaming involve mas maganda.” Sabi ko naman.
A waiter offered us drinks kaya kumuha ako ng isa. Ininom ko kaagad ‘yun without knowing what kind of alcohol it was.
“Oh… I didn’t know Ms. Valerio is one of a heavy drinker.” Sabi ni Trisha.
Tumawa ako. Was that a hard drink? Sabagay mainit nga nung ininom ko. Pero masarap naman. s**t.
I should’ve checked it first. I act carelessly when I’m drunk. I wasn’t careful. Kinalma ko muna ang sarili ko. One drink could make me drunk lalo na kapag sobrang tapang nun.
Kaya hindi na rin ako masyado nag babar or club dahil dito. Ayaw din ni Louis noon dahil kilala niya ako kapag lasing. Pinapayagan niya lang ako kapag kasama siya, pero pag hindi?
Nako manigas talaga ako kakaantay na pumayag siya.
“Are you okay?” He asked dahil nawala ako sa balanse. Grabe naman yung drink na ‘yon?
Tumawa lang ako at ngumiti. Umalis na din si Mr. Villanueva dahil may gusto kumausap sakanya.
Ang dami ko munang kinausap bago ako sobrang nahilo at napaupo sa isang table. Sumusunod naman sa’kin si Gio at binabantayan ako.