“Ganito lang ang gagawin mo oh,” Kinuha ko ang brush at sinawsaw sa painting.
I wiped the brush on the canvas lightly so that the artwork would still be fully made by him.
Binigay ko sakanya ang brush at tinanggap niya naman ‘yon. Ngumiti ako nung magsimula na siyang magpaint ng mag-isa. Tatayo na sana ako kaso tumigil siya at tinignan ako.
“Saan po kayo pupunta?” Tanong nito.
“Titignan ko ang yung painting ng mga kaibigan mo,” Sabi ko naman.
Tumango ito at hinayaan ako. Akala ko naman hindi niya na ako papaalisin dun eh. Umikot ako kasama si Gio at tinignan ang mga batang nagpapaint.
Yung ibang volunteers ay tumutulong sakanila para mag pinta or gabayan sila. The kids are having fun. That’s our goal.
“Nako, sobrang saya ng mga bata ngayon. Laking pasalamat ko talaga sa diyos at dinala nila kayo sa’min para tulungan.”
Tumingin ako sa madre na lumapit sa’kin. I smiled. I’m happy to help too. I have a lot of money, instead of buying expensive things, I chose to donate and host a charity instead.
“Masaya po kami at nakakatulong kami sainyo.” Sabi ko.
“Alam mo ‘yung iba sa mga batang ‘yan sobrang lungkot pag nasa loob ng ampunan. Yung iba nga ay hindi mo makausap. Ngayon ko lang sila nakitang ngumiti at nakikipaghalubilo sa iba.” Sabi nito.
“Iyong bata nga po, nakaupo lang siya kanina at nakatingin sa paligid.” Sabi ko at tumingin kay Kristian.
I remember his name.
“Ah, si Kristian. Buhay pa ang mga magulang niya pero hiwalay na at ni isa sakanila ay ayaw kupkupin si Kristian.” Sabi nito. Bakit naman ganoon?
They gave life to that child tapos hahayaan lang nila? Ano puro pasarap lang sa buhay tapos iiwanan yung responsibilidad? They’re just making the child suffer.
Kung hindi pala nila kaya magalaga ng bata sana hindi na sila nag s*x or at least use protection. This people are crazy.
I can’t believe may mga ganoong tao na kaya iwan ang anak nila. I would never do that to Brion. Kung hindi ko man kaya, sisiguraduhin kong nasa tamang kamay at pangangalaga siya. At hindi ko siya aabanduna ng tuluyan.
“Hindi ko nga makausap ng maayos ‘yang batang ‘yan pero naintindihan ko naman. Hirap din siya makipag kaibigan dahil hindi siya nakikipagusap sa iba.” Sabi nito.
A child at that age should be lively and have a lot of friends. Kung si Brion nga na kakaone year old lang ay sobrang kulit at pinipilit magsalita eh.
“Bakit naman po kaya?” Tanong ko.
“Inaaway kasi siya nung ibang bata noon dahil sa pangangatawan niya. Pero hindi naman na siya inaaway ngayon dahil napagsabihan na namin.”
So he experienced bullying at that age? Grabe. Nung umalis ang madre ay naglakad ako pabalik sa batang ‘yon. I looked at his painting and I was surprised. Ang ganda! How can he paint so well when this is his first time?
“Wow…. sure ka ba na ito ang una mong painting?” Tanong ko. Tumango ito at ngumiti.
“Ang galing mo…paano mo naman nabuo ‘yang imahe?”
Medyo nahihirapan na ako magtagalog dahil nag iingles ako sa office and also when I talk to Brion.
“Naisip ko lang po.” Sabi niya.
It’s true that what he painted looks good. It doesn’t look like a child’s art. Abstract siya. You can feel or see a lot of emotion and meanings going on.
Hindi ako expert, but I know how to look at a painting dahil si mommy before ay mahilig sa ganyan. Pumupunta kami sa mga exhibition para lang tumingin ng painting at pag may nagustuhan siya, bibili kami at ilalagay niya sa bahay.
Sobrang daming painting sa bahay namin at lahat magaganda. I think I would buy this one. Lumapit ako kay Gio at bumulong.
“Yun ang gusto kong painting, Gio. Can you buy him art materials after this? Gusto ko ipagpatuloy niya ang ginagawa niya.” Sabi ko.
I can even provide him a monthly supply so he would continue painting. Maganda kasi talaga. I don’t think it’s just a luck or chamba. I can see potential in that child.
Tumango lang si Gio. Looks like Mr. Villanueva has an eye on one painting too. Lumapit ako sakanya.
“Look at that kid’s painting. That’s the one I chose,” Sabi ko at tinuro si Kristian. Nakatalikod siya kaya kita mula dito ang painting niya.
“It’s his first time painting?” Tanong nito.
“Yes! I don’t know how he did that, but I think it’s pure talent. I decided to sponsor him art materials.” Sabi ko.
“Maganda nga. I’m glad you find something you really liked. I can see potential on that kid.” Sabi nito.
Me too. After the program, madami ang may gusto bumili ng painting ni Kristian, but of course I already secured my slot. Nabili ko na at hawak na ‘yon ni Gio.
“Thank you for choosing me as your partner, Ms. Valerio. See you at the after party.”
“Thank you also.” Sabi ko at ngumiti.
It’s nice to see these kids smile. Kung makita ko nga lang si Brion na masaya ay masaya na rin ako. Paano pa yung mga madre na nagaalaga sakanila?
Lahat sila dito ay nakangiti mukhang masaya. I’m glad we did this project. This is not actually for our own gain, pero since there are some unexpected press and reporters, mas gaganda ang image namin sa mga tao.
It wasn’t our intention. Hindi ko rin alam kung sino ang nagpadala sakanila, pero hindi ko naman sila pwedeng paalisin lang dito.
“They look lively,” Sabi ko.
“They are indeed. You did a great job today.” Sabi ni Gio.
“Mr. Villanueva was also behind this event, I won’t take the whole credit.” Sabi ko.
“Of course. You guys did a great job.” He smiled.
“You too, Gio. Thank you for coming here with me.”
Kaya ko naman pumunta mag isa dahil marunong naman akong mag drive, but I tend to get really sleepy kaya baka magkaroon ako ng maraming stop overs.
I can’t drive when I’m sleepy. I won’t risk my life. Syempre may nag aantay sa’kin sa bahay. Brion is waiting for me.