CHAPTER 52 Pagpasok pa lang nila Jeru sa Cottage nila ay hindi na siya tinigilan ng tatlong ugok na kaibigan niya. “Dude, that Esteban is one damn hot guy!” nakangising sabi ni Jackson na pasalampak na naupo sa kawayang sofa na may makapal na matress. “Yeah, laitin talaga ng guwapo si Madeline, kaya nakapagtatakang wala pa itong naging nobyo,” sabi naman ni Theo na nagtingin-tingin sa buong paligid. Marahas siyang napabuga ng hangin. “Shut up, both of you,” singhal niya sa mga ito at dumiretso sa gitnang kuwarto. “What did you feel when that Esteban Guy said he wants to court Ems?” nakangising tanong nito sa kanya. Hindi siya kumibo at nagtuloy-tuloy lang maglakad papunta sa magiging kuwarto niya. Honestly, hindi niya nagustuhan iyon ngunit nang sabihin ni Madeline na kaibigan lang a

