**** Pagkarating niya sa kanyang condo ay mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit. Hindi na siya makapaghintay na makasamang muli si Madeline. Napakatagal na panahon simula ng huli silang magkita ng dalaga at gusto niyang sulitin ang ilang araw na nandoon ito. Halos sampung taon ang lumipas simula nang huli silang magkita at ng mga panahong iyon ay nangako siya na liligawan niya ito sa oras na pareho na silang nasa tamang edad. Bigla siyang natawa nang muling maalala ang kapilyuhang iyon . . . Ten years ago . . . Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi niya nang makita si Madel na tila abala sa pagdo-drawing sa sketchbook nitong laging dala. Maingat siyang naglakad, gusto niyang gulatin ang kaibigan ngunit natigilan siya nang bigla itong lumingon ng isang dipa na lang ang kanya

