CHAPTER 53 “Saan mo ba kasi ako balak dalhin?” naiinis ng sita ni Madeline kay Esteban. Hindi kasi nito sinasabi kung saan sila pupunta, nakakahiya na tuloy sa mga kasama niya, “Malapit na tayo, may ipapakita lang ako sa’yo,” nakangising sabi naman ni Esteban. “Hindi ba iyan puwedeng makapaghintay?” nakahalukip niyang tanong dito. “Nope!” nakangiting sagot nito. Marahas naman siyang napabuga ng hangin at tumingin sa mga kaibigan niya. “P-Pasensya na kayo . . .” “It’s okay, hindi din naman papayag ang isa diyan—aw! I mean, hindi rin naman kami papayag na—alam mo na,” ani Jackson na nagkakamot ng ulo. Katabi ito ni Jeru at nakita niya rin nang sikuhin ito ni binata. “Esteban! Ba’t ba ang tagal mo? Kanina pa ako dito, kailan pa nangyaring pinaghintay mo ako ng—” Natigilan itong magsali

