CHAPTER 36 Habang nasa meeting si Jeru ay hindi maalis sa isip niya si Madeline. Kahit na sinabi nitong may gamot ito ay hindi pa rin siya mapakali. Paano kung malala ang sakit nito at hindi lang simpleng trangkaso? At dahil mag-isa lang ito sa kuwarto nito at walang nag-aalalaga ay kung ano pa ang mangyari sa dalaga. Marahas siyang napabuntonghininga at natigilan dahil napansin niyang nakatingin na sa kanya ang lahat ng mga VIP na nasa conference room na iyon. “W-What’s the matter, Mister Levesque?” Nag-aalalang tanong ng taong nasa harap nila at nagpe-present. Namumutla ito at halatang takot na takot sa kanya. Umiling siya. “You can continue,” sabi niya. Tumango naman ito at pagkatapos magpasalamat sa kanya ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. Tumingin siya kay Mrs. Damian at nabasa ni

