CHAPTER 37 Tumingin siya kay Grannie upang makiusap sana ngunit tila umatras ang dila niya nang makita ang seryoso nitong mukha. “Thank you, Ma’am, and I’m sorry. Hindi na po ito mauulit,” nakangiting wika ni Nia. “Mauna na po ako, hihintayin ko na lang po si Madeline sa dorm namin.” Tumingin ito sa kanya at tipid na tumango bago tumalikod at umalis. “Saglit lang po, Grannie. Puwede ko po ba’ng ihatid si Nia kahit hanggang sa pinto lang?” hingi niya ng permiso kay Grannie. Nakangiti naman itong tumango sa kanya kaya sumunod siya kay Nia kahit na mesyo nahihilo na siya. Hindi pa rin siya okay at pakiramdam niya ay tumataas pang lalo ang lagnat niya. “Nia . . .” tawag niya rito. Huminto ito ngunit hindi siya nilingon. “Hm?” anito. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang abalahin ka pa,” hin

