CHAPTER 58 ‘I did it!’ sigaw ng utak ni Jeru. Lumulundag sa tuwa ang puso niya dahil napatunayan niyang may pag-asa siya kay Madeline. Sa totoo lang habang naglalapit ang mga mukha nila kanina ay ang lakas ng kabog ng dibdib niya, that was his first time to kiss—they both are. At iyon ang pinakamasarap na unang tikim nilang dalawa sa isa’t isa. “Kanina ko pa napapansin na ngumingiti ka mag-isa. Did something good happen?” puna sa kanya ni Esteban. Nasa yate na sila at ang mga kaibigan niya ay nag-e-enjoy sa bar counter, kilala kasi ni Madel ang Barista doon at tinuturuan siyang maghalo ng iba’t ibang inumin. “It’s nothing,” nakangiti niyang sabi dito at lumagok ng root beer. “I know that kind of smile, dude,” nakangising sabi nito at umupo sa tabi niya. “Did she confess?’ tanong nito

