CHAPTER 59 Pagsapit ng alas dos ng madaling araw ay nagdesisyon na silang magsibalik sa cottage nila. Masayang-masaya si Jacque dahil muling nagkabati sila ni Dina, tama si Jeru, kung hindi dahil kay Madel ay hindi mangyayari iyon kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay gagawin niya ang lahat ng paraan para magkatuluyan ito at si Jeru. “Oopps!” nagulat siya nang bigla siyang maliyo at mapasandal sa kung sinumang kaibigan niyang nasa likod niya. “Are you still okay? Mukhang naparami ang inom mo, ah,” sita sa kanya ni Dave. Sininghalan niya ito ng tawa at marahang tinapik sa dibdib nito. Medyo tipsy na nga siya ngunit bakit niya aaminin iyon? “I’m okay,” natatawang sabi niya rito. “Kaunti lang ang naman ang nainom namin,” dagdag pa niya. “Oo nga,” ani Dina na sinundan nang pagh

