CHAPTER 60 Kinabukasan paggising ni Jacque ay nakaramdam siya ng sakit ng ulo. Posibleng dahil iyon sa alak. Hindi niya akalaing naparami ang maiinom niyang alak kagabi, marahil ay dahil iyon sa labis na saya sa muling pagbabati nila ni Jacque. Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kuwarto. “Good morning!” masayang bati sa kanya ni Dina, nakangiti ito at parang inaabangan ang paglabas niya ng kuwarto. “Good morning, Dee,” nakangiting bati niya rin at naglakad papuntang kusina. Nadatnan niya doon si Madel na nagtitimpla ng kape. “Morning, kagigising mo lang din ba?” tanong niya rito. Tumango ito. “Coffee?” nakangiting alok nito sa kanya. “Yes, please,” sabi niya at nagpasalamat dito. “Ako rin,” sabi ni Dina na umupo sa tabi niya. Kumuha ng dalawang mug si Madel at nagtim

