CHAPTER 61 “Sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong ni Madel sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumango, simula pa kagabi ay pinag-iisipan na niya ang binabalak niya para kina Jacque at Dave. “Yeah, dapat ay matagal ko nang ginawa ‘to. Baka sakaling kapag nagkaroon ng motibasyon si Dave ay magpaopera na siya. Hindi biro ang sakit niya.” “Pero, hindi ko pa rin talaga maiproseso sa isip ko na may kinalaman si Jacque sa sakit ni Dave. P-Paano kung malaman ni Jacque iyon?” Naisip na rin niya iyan at kahit ano'ng gawing pag-iisip niya ng solusyon ay iisa lang talaga ang puwede nilang gawin—iyon ay ang sabihin ang totoo kay Jacque. Pero ayaw siyang pakinggan ni Dave kaya humingi na siya ng tulong kay Madel. “She needs to know, at kailangan galing iyon mismo kay Dave,” sabi niya. “At g

