**** Pagpasok niya sa Cottage ng mga babae ay si Madel lang ang nadatnan doon, nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin si Dina ngunit hindi niya ito makita. “Where’s Dina?” tanong niya kay Madel. Ngumiti ito sa kanya at hindi niya napigilang mapkunot ng noo nang makitang may hindi ito sinasabi sa kanya. “What is it, Madel? I know you’re up to something.” Marahas itong napabuga ng hangin at nagkamot. “I-I know everything . . . about you, Dave.” Natigilan siya at mataman itong tinitigan, sa umpisa ay hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito ngunit ng maalala niyang pakana iyon ni Dina ay mapait siyang natawa saka sunod-sunod na napailing. “That brat,” sabi niya. “She got me . . .” “Dave, concern lang sa’yo si Dina,” sabi ni Madel. “At gusto niya lang na magpakatotoo ka rin tu

