CHAPTER 62 Habang nililibot nila ang magagandang lugar doon sa Nasugbo, Batangas ay nag-iisip na siya kung paano niya sasabihin ang lahat kay Jacque. Hindi madali ang gagawin niya at kailangan niyang ihanda ang sarili sa kung anuman ang magiging reaksyon nito, maging ang kanyang puso ay kailangan niyang ihanda sa mararamdaman na sakit—literal na sakit. Kapag nalaman pa ito ng mga magulang niya ay tiyak na pagagalitan siya dahil sa katigasan ng ulo niya. “Dude, are you okay?” tanong ni Jackson sa kanya. Nakangiti siyang tumango. “Yeah, bakit?” “Kanina ka pa tahimik at panay tingin sa kapatid ko, baka may gusto kang i-share sa akin,” anito. Panandalian siyang natigilan ngunit hindi iyon pinahalata sa lalaki. “At ano naman ang isi-share ko sa ’yo? Chicks ka ba?” nakangisi niyang biro di

