CHAPTER 48 Pagkatapos ng nangyaring insidente ay nagbago ang buhay ni Madeline. Na-expel si Nia dahil sa mga ginawa nitong violations at ang masaklap pa’y blocklisted na din ito at hinding-hindi na makababalik pa doon upang mag-aral—kahit ang pagtapak sa school na iyon ay pinagbawalan na ang babae upang masiguro ang siguridad ng lahat ng mga na-bully nito. Ngunit ang totoong dahilan niyon ay upang hindi na siya mabalikan pa nito. Oo, alam niya ang nangyari nang araw na iwanan siya ni Jeru sa villa. Hindi naglihim sa kanya ang binata at sinabi ang totoo, nang una ay pinagalitan niya ito dahil sa muling pangingialam nito ngunit nang ipaalam nito ang mga masasamang ginawa ni Nia sa halos sampung estudyante na napag-alaman nitong may gusto sa binata ay hindi na niya ito sinisisi pa. Inilipa

