**** Nang makaalis ang mga magulang ni Madeline ay naiwan silang dalawa, nangako si Jeru na bibisita siya kasama ang mga kaibigan pa nila. Hindi man nakilala ng mga ito ang mga kaibigan nila ay nagpaabot ang mga ito ng pasasalamat. “P-Pasensya ka na sa kakulitan ng mga magulang ko, ah,” hingi ng paumanhin ni Madeline sa kanya. Nginitian niya ito. “No worries, nakakatuwa ang mga magulang mo, they’re always thinking the bright side.” “Mm,” nakangiting pagtango nito. “Pero sa totoo niyan, they’re all worried,” sabi pa nito na napahinga ng malalim. “Lahat naman ng magulang ay nag-aalala kapag may nangyayaring mali sa mga anak nila,” sabi niya rito. Tipid na ngiti lang ang ganti nito sa sinabi niya. “Anyways, you need to rest. Doon ka na muna sa kuwarto ko. Iiwan kita saglit, okay lang ba

