CHAPTER 47 “So, what are you trying to say is, Nia did it to her self?” salubong ang kilay na tanong ng Dean kay Nurse Lena. Tumango naman ang Nurse. “Yes, Dean. Iyan ay base lamang sa mga nakita kong behaviour nilang dalawa. There’s no other explination about this, Dean, maliban na lang kung pinipeke ni Miss Mijarez ang pagkakaroon niya ng phobia,” sagot ni Nurse Lena at tumingin sa kanya. Hindi pa rin siya umimik at nanatiling tikom ang bibig, pinapakiramdaman niya ang mga magulang niya na kahit hindi ipakita sa kanya ay alam niyang nag-aalala ang mga ito na baka maungkat na naman ang pangyayaring iyon na matagal na niyang kinalimutan a ibinaon. “Miss Mijarez . . .” tawag sa kanya ng Dean. “Po?” sagot niya na napilitang tumingin dito. Lumakas ang t***k ng puso niya dahil mukhang nah

