CHAPTER 46 Patay na! Lumapit sa kanya ang mga magulang niya, tiningnan muna ng mga ito si Jeru bago muling bumaling sa mga magulang ni Nia. “Wala kayong karapatan na pagsalitaan ng hindi maganda ang anak ko, dahil unang-una, wala kayong naiambag sa buhay niya,” seryosong wika ng kanyang ina. “So, you’re the parents of that girl?” mataray na tanong ng Mommy ni Nia. “Yes, hindi ba obvious?” sarkastiko nitong sagot. Napatingin siya sa Popsy niya na nasa likod ng mommy niya. Nagpalitan ng tingin ang dalawang babae at ang unang sumuko ay ang ina ni Nia na malamang ay hindi nakatagal sa talim ng tingin ng Mommy niya. Wala pang nakakatalo sa tagisan ng tingin sa kanyang mommy, marami ang nagsasabi na masyadong fierce ang tingin ng mommy niya at nakakatakot lalo na kapag sinamahan pa nito

