**** “She fears blood?” tanong ni Nurse Lena na nakakunot ang noo. “Yes, I think she has a hemophobia,” seryosong sagot naman ni Jeru. Hindi nito binibitiwan ang kamay niya kahit na marami nang nakakakita niyon. “Kagagaling ko lang sa room ni Nia at malalim ang tinamo nitong sugat. Wala siyang ibang bukambibig kundi si Miss Mijares ang may gawa niyon sa kanya. Her parents will be here in any minute by now . . . and your parents too,” sabi nito sa kanya. “P-Po?” gulat siyang npatingin dito. Tumango ang Nurse. “That’s what I’ve heard,” sagot nito. “The Dean and Mr. Parillo are there and asking some questions of what happened between you too. Mayamaya lang ay baka magpunta na rin ang mga iyon dito at tanungin ka.” Pagkatapos nitong masigurong okay na siya at nagpaalam itong muli sa kani

