CHAPTER 45 Pagpasok ni Madeline sa dorm nila ay natigilan siya nang makita si Nia na nakaupo sa sofa at hawak-hawak ang cellphone nito. “H-Hi, Nia,” nag-aalangan niyang bati rito. Nilingon siya nito at tanging tango lang ang itinugon nito sa kanya, tumayo ito walang pasabing naglakad papunta sa kuwarto nito. Huminga siya ng malalim at hindi na ito tinawag pa. Alam niyang nakarating na dito ang mga nangyari kaya hindi niya masisisi kung bakit gano’n na lang ang inasta nito. Naglakad na siya papunta sa kanyang kuwarto at pagkatapos ibaba ng mga gamit niya ay dumeretso na siya sa banyo upang maligo. Wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ang mga nangyayari dahil ginusto din naman niya ang mga iyon. Pagkatapos maligo ay naghanda na siya para sa pagpasok. Nag-almusal na siya kasabay si

