**** Hanggang sa makarating sila sa circle ay hindi niya kinausap si Jeru, naiinis siya dahil hindi nito tinupad ang pangako nitong hindi makikialam sa isyu nilang dalawa ni Nia. Kahit pa sabihin nitong hindi nito dinerekta ang babae ay hindi naman bobo si Nia upang hindi malaman na alam ni Jeru ang naging pag-uusap nila kagabi. Pagkatapos ng halos isang oras nilang paglilibot at pag-e-exercise ay saka sila naghiwa-hiwalay at magkikita ulit pagkatapos ng last subject sa morning class. At dahil nasa villa ni Jeru ang mga gamit niya ay wala siyang choice kundi ang sumama rito. “Are you still mad at me?” tanong sa kanya ni Jeru habang naglalakad sila pabalik sa villa. Hindi pa rin siya kumibo at binilisan ang paglalakad. Marami-rami na ring mga estudyante ang nakakasabayan nilang maglakad

