CHAPTER 44 Alas sais y media ay gising na si Madeline, paglabas niya ng kuwarto ni Jeru ay nagulat pa siya dahil gising na si Theo. Nakasuot ito ng jogging pants at plain na gray v-neck shirt. “Good morning,” nakangiting bati nito sa kanya. “Good morning, ang aga mo yatang nagising?” tanong niya rito habang naglalakad papunta sa kusina. “Nakasanayan ko na kasing magising ng maaga upang magwork out,” nakangiti namang sagot nito. “Do you want to come with us?” “Us?” pag-uulit niya ngunit naintindihan naman niya nang tuluyang makapasok ng kusina. Gising na rin sina Jackson at Jacque at nagkakape na. Katulad ni Theo ay nakasuot na ang mga ito ng pang-jogging na outfit. “Morning!” sabay pang bati ng mga ito sa kanya. “G-Good morning. Bakit ang aga niyo yatang magising?” nagtatakang tano

