CHAPTER 29 Nang ihatid ni Jeru ang kanyang Lola sa silid nito ay alam niyang nangkukunwari lang ito para magkaroon sila ng oras ni Madeline. “Gran, you can stop the act. I know what you’re doing,” sabi niya habang inaayos ang unan nito para makaupo sa kama. Natigilan naman ito ngunit ilang sandali lang ay naiiling na napangiti. “You got me,” anito at marahan siyang hinampas sa balikat. “Paano niyong nalaman na siya ang babaeng gusto ko?” tanong niya na umupo sa tabi nito. “Nagpakilala siya sa akin at nang banggitin niyang Scholar siya ay natiyak kong siya nga ang babaeng tinutukoy mo,” sagot nito. “I’m so very proud of you, Jeru, magaling kang pumili ng babaeng mamahalin.” Napangiti siya sa sinabi nito ngunit unti-unti iyong nawala at napalitan ng isang malalim na buntonghininga. “W

