CHAPTER 30 “Paano kung sabihin ko sa’yong mamimiss kita . . . mamimiss mo rin ba ako?” tanong nito sa seryosong boses. Natigilan siya sa pagpupunas ng pinggan at dahan-dahang humarap dito. Ibinaba niya ang dish towel at sumandal sa lababo. “Jeru . . . huwag nating lokohin ang mga sarili natin, okay?” sabi niya sa seryosong boses din. “May gusto kang iba at ako—” Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Wala pa sa isip ko ang ganyang bagay. Iyong nangyari sa pagitan natin no’ng gabing iyon . . . please lang huwag na nating bigyan pa ng malisya.” Matagal itong hindi kumibo at nanatiling nakatitig lang sa kanya, muli siyang tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawang pagpupunas ng mga pinggan. Kung puwede lang na umalis na siya doon ay kanina pa niya ginawa pero hindi puwede dahil ba

