Chapter 1
Kylie's Pov
Araw ng lunes ngayon kagagaling ko lang galing sa isang kliyente sa massage, at pauwi na sa Cavite dahil off ko bukas. Nakagawian ko ng bumisita sa mga kamag anak ko don tuwing off ko, kesa naman tumunganga sa apartment maghapon.
Nasa may bus stop ako at nag aabang ng byahe, buti nalang at di na rush hour kaya di na masyadong puno ang mga bus ngayon, mag 11pm na kasi,hehehe . Pagsakay ko sa bus ay umupo ako sa isang bakanteng upuan na may babaeng nakatungo.
Nagtataka ako kung bakit nakatungo sya? Di kaya tulog itong babae na to? sa isip-isip nya.
Di ko na sya pinansin at inayos nalang ang aking pagkakaupo, nang biglang nakarinig ako ng mahina nyang pag iyak. Nagulat pa ako biglaan nyang pag iyak, pero kalaunan naman ay parang naawa ako sa babae, kaya kinuha ko ang extra kong panyo at binigay sa kanya.
"Miss oh, i think kelangan mo to." sabay abot ko ng panyo. Tinanggap naman nya ito at nagpasalamat.
"Salamat." nag-angat lang ito saglit ng mukha at nginitian sya. Parang mas lalo akong nakaramdam ng awa kahit hindi ko masyadong nakikita yung mukha nya dahil medyo madilim eh, naaaninag ko sa mga mata nya ang sakit. Naisip ko baka heartbroken ito kaya.
"Miss if you need someone to talk to, wag kang magdalawang-isip na kausapin ako hah?. Alam kong di tayo magkakilala, pero pakiramdam ko kasi mabigat yang dinadala mong problema. Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang." mahaba kong paliwag sa kanya kahit nakatungo sya eh alam kong nakikinig sya. Nag-angat man ito ng mukha at saglit syang tiningnan, bago nagsalita.
"Salamat miss, pero maybe next time.?" sabi nito na sumisigok sigok pa.
"Kung yan ang gusto mo." sabi ko at kinuha sa bag ang calling card ng spa namin. "Ahm miss ito yung calling card kung saan ako nagwowork at ang address andyan na din, if gusto mo ng kausap, puntahan mo ako or call mo nalang yan number dyan." nakangiti kong wika sa kanya.
Tinanggap naman nya ito at nilagay sa bag nya.
"Salamat miss." sabi naman nito na nakatungo pa din. Di nya masyadong makita ang mukha nito kasi nakatabing ang mahaba nito buhok sa mukha nya.
"Ahm miss matanong ko lang, san ka ba bababa?" tanong ko sa kanya. Kasi nakita ko na yung konduktor na naniningil na sa unahan.
"Hmm , sa Pala-Pala pa ako miss." wika nito, medyo napakunot ang noo ko. Anlayo pa pala ng byahe nito. Anong oras na medyo delikado na sa daan.
Pagtapat naman nung konduktor eh nagbayad na ako.
"Kuya isang Imus at isang Pala-Pala. Kuya pwede bang pakisabi sa kanya pag Pala-Pala na hah? baka kasi makalagpas sya." pakiusap ko kay kuya at tumango naman ito.
Paglingon ko sa babae eh nakatingin ito sa akin at may hawak na isang daan, at inaabot sa akin.
"Ito yung bayad ko miss, di ko kasi napansin na andyan na si kuyang konduktor."
"Di okay lang miss, libre ko na yun. Diyan mo nalang yan. Miss may susundo ba sayo sa bababaan mo?" curious kong tanong, medyo nag aalala kasi ako sa kalagayan nya, baka kasi kung mapaano sya. Mukha pa namang maganda.
"O-oo , yung friend ko."
" Ahm miss, alam kong di ka okay pero wag ka tutulog sa byahe hah? medyo malayo ka pa kasi. Ba-baka mapahamak ka babae ka pa naman." sabi ko sa kanya sa nag aalalang tono.
Tumingin naman sya sa akin at ngumiti ng pilit.
"Hmm ,oo , salamat ng marami."
"Ohh imus, imus na, yung mga baba dyan.?" sigaw ng konduktor. Tumayo na ako at nagpaalam na.
"Ahm miss dito na ako call me if you need me okay? Mag iingat ka sa pupuntahan mo." nakangiti kong sabi sa kanya at tumalikod na. Bago ako lumabas binulungan ko ulit si kuyang konduktor. " Kuya yung kasama ko paalala mo pag nasa Pala-pala na hah? wag mo kuya kalilimutan?" nakangiti kong wika at tumango naman si kuya, bago naman ako bumaba eh tiningnan kong muli ang babaeng nakatungo pa din.
Naglakad na ako papunta sa bahay ng tiyahin ko dito, nagbili muna ako pasalubong sa 7-eleven. Pagdating ko eh inaantay ata talaga nila ako kasi gising pa sila. Nagmano muna ako sa tyahin ko tapos sa tiyuhin ko.
"Gandang gabi tita, tito." sabi kong nakangiti.
" Bakit ngayon ka lang neng? kumain kanaba? saglit at ipaghahain kita." sabi naman ng tyahin ko at tumayo na.
"May pinuntahan pa po kasi akong client tita, sayang man din kasi yun. Tyaka tita kape nalang, okay na po ako don." nakangiti kong sabi. Tumabi naman ako sa tyuhin ko na nanunuod ng tv.
"Makakatulog ka pa ba nun hija? Beth gatas ang itimpla mo dito kay Kylie at anong oras na eh magkakape pa ito." iiling iling na sabi naman ng tyuhin ko.
Sa loob ng 3 taon ko dito sa manila eh talagang asikaso ako pag andito kala tita. Kaya nga hindi ko maisip na malayo ako kala tatay eh.
Nagbalik na mana si tita galing sa kusina at bitbit na ang isang tasang gatas. Alam kong di masyadong mainit iyon kasi alam na alam na ni tita ang gusto kong timpla mapakape man o gatas, maligamgam lang lagi....hahahah bakit ba eh sa yun ang trip ko.
"Salamat po tita. Ta asan po yung mga bata?" tanong ko sa mga apo nila na pamankin ko naman sa pinsan.Nasa ibang bansa kasi ang ina ng mga ito at sila ang nag aalaga sa tatlong apo.
"Naku, kanina pa nga nag aantay, inip na inip na sa pagdating mo ehh nakatulog nalang, andon sa kwarto.hahaha" sabi ni tita na tatawa tawa pa.
"Tita nga pala oh." sabay abot nung binili ko sa 7-eleven na pasalubong. " Kayo na po ang bahala dyan ta." at ininum ko na ang gatas at nilagay na sa lababo ang tasa " ahhh, tita magpapahinga na din po ako, mauubos sigurado ang energy ko sa mga bata bukas. hahahah"
"Hay naku kang bata ka, bakit hindi mo kasi dalhin yung anak mo dito at nang nakakasama mo kahit weekly lang.?" bigla kong naalala ang aking prinsesa, napabuntong hininga nalamang ako at nginitian ng pilit si tita at pilit pinasigla ang boses.
" Naku tita pag-andito yun baka lalo kang malusyang sa mga bata kakasaway, tyaka yun nalang ang libangan nila tatay don sa probinsya.hahaha" sabi ko sabay tawa.
"Sabagay totoo yan, dyan pa nga lang sa tatlo ay sakit na sa ulo.hahahah oh sya sya magpalit ka na,at matulog ka na sa kwarto, matutuwa yung mga yun paggising na ikaw ang katabi." nakangiting sabi ni tita, sa kwarto kasi ako ng mga bata natutulog pag andito ako tapos sila tita naman sa kabilang kwarto.
"Sige po tita,tito pahinga na po ako goodnight po." tinanguan lang ako nung dalawa at pumasok na ako upang makapagbihis, may mga damit na din kasi ako dito kahit papano, halos weekly kasi ako dito eh.
Sigurado bukas andito din ang mga pinsan ko galing Coastal nung nakaraan pa kasi mga nagyaya mag inum ay, kung wala nga lang akong kliyente baka, kanina pa kami nag iinum. Yun na lang kasi ang bonding namin magpipinsan dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"hello guys, start palang ng story, huwag kayo mainip ha?
hope you guys like the story.
loveyouallguys??
staysafealways