Chapter 9

1385 Words
Narrator's Pov Tuwing monday night ay naservice si Kylie sa parents ni Kate, paminsan minsan pati si Kate eh napamassage din sa kanya. Nang dahil don mas lalo nilang nakilala ang isa't isa, at di nila alam na nahuhulog na sila sa patibong ng pag-ibig. Pero ilang buwan palang naman silang magkakilala halos apat na buwan pa lamang. Pag may mga okasyon sa family Jimenez hindi nawawala si Kylie, at ganun din naman si Kate pag may okasyon sa pamilya ni Kylie. Gaya nalang ngayon, na bonding ng magpipinsan nila Kate sa isang resort sa Batangas, isinama nanaman si Kylie kahit na hindi naman talaga sya belong sa mga pinsan nitong mayayaman. Altough mababait naman sila. Kate's Pov Sa ilang buwan naming pagkakakilala nitong si Kylie di ko maiwasang hindi mahulog sa kanya kahit na alam kong straight ako at ganun din sya. Napakalabas ng ugali nya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko, kasi natatakot akong mareject nya, and i'm sure na kapag umamin ako ay lalayo na sya sa akin. Yun ata ang hindi ko kayang mangyari. Ngayon kararating lang namin sa resort sa Batangas, magkasama kasi kami sa sasakyan, habang may kanya kanya naman ang mga pinsan ko. Ayaw pa nga nitong sumama sa akin kung hindi lang napilit mismo ng amo nito na kaclose ko na. Pumasok na kami sa room na pinareserve ng pinsan nyang si Nicole. Kami ang magkasama sa isang room. Napangiti ako sa isiping masusolo ko sya dito sa kwarto. Altough matagal ko na mana itong nakakatabi sa pagtulog. "Mukhang maganda yang iniisip mo Kate ah, grabi yang ngiti mo di mapatid." iiling iling pa nitong sabi. "Ay naku wala ito, naisip ko lang kung ano mga pwede nating gawin dito, habang nagbabakasyon ng 3days." sabi na medyo half true naman ang palusot ko sa kanya. "Ah, eh, ano ba ang balak niyong gawin habang andito? hmmm boys hunting?" tanong nito habang nakatingin sa akin. "My God Kylie!! ni hindi nga pumasok yan sa isip ko. Baka ikaw ang magboboys hunting at ikaw ang nakaisip." parang nahurt ako sa sarili kong salita, wag naman sya sanang sumagot ng 'oo' . "Hahaha, wala akong balak maghanap ng sakit sa ulo ano? Masaya pa naman ako sa buhay ko, hmmm siguro pagpariwara na ang life ko saka ako hahanap ng lalaki.hahaha" paliwanag naman nya. "Hala! Kylie simpleng 'oo' o 'hindi' lang nsman ang sagot sa tanong ko haba na ng sinabi mo.hahaha " tatawa tawa ko pang sabi. Inirapan nya lang ako at bumalik na sa pag aayos ng mga gamit namin. Ganito kami lagi asaran kulitan, kaya gustong gusto ko syang laging kasama. Yung tipong andali nya lang akong napapasaya. Madami syang bagay na pina-experience sa akin na di ko akalain na maeexperience ko. Gaya nalang ang kumain ng street food, pero di sya pumayag na bibili kami sa street, kasi sya mismo ang nagluto para matikman ko, este namin pala. Nagmukbang kami ng mga pagkaing street food kasama sila mommy and daddy na tuwang tuwa talaga sa kanya. Siguro kung naging lalaki lang itong si Kylie pinilit na ito ng parents kong pakasalan ako.hahaha assumera lang ang peg. After namin magligpit, nag aya na akong lumabas para makita ang cousin ko sa restaurant. Actually kilala na yun ni Kylie, halos lahat ata ng pinsan ko kaclose nya, daig pa ako. Sabi nila kasi madali daw itong pakisamahan kasi walang arte, which is true naman talaga, napakagaling makisama nitong taong to. Nakarating na kami sa restaurant at nakita ko na ang mga pinsan ko na nagtatawanan, masyado silang agaw pansin sa mga ibang nagkakain doon. Napansin agad nila kami. "Hey cuz, how are you? Nakamove on ka na ba?" asar ng pinsan kong si July. "Stop teasing me July, baka ma-august ka sa akin.hahaha" sa sinabi ko nagtawanan naman silang lahat. Nakipagbeso beso nalang kami sa kanila. "Hey pretty Kylie, how are you?" tanong naman ni George kay Kylie, itong pinsan kong to ang isa sa pinakababaero sa mundo, hindi naman sya dapat kasama dito, nagpumilit lang at madami daw ditong chikababes. "She's okay George di mo ba nakikita, at pwede tantanan mo yang si Kylie wag mo na yan idagdag sa listahan ng mga babaeng pinaiyak mo. Baka itakwil kita." asar kong sabi dito. Tinaas naman nito ang dalawang kamay na akala mo eh sumusuko na. "Hey cuz, easy easy ako lang to. Tyaka di ko naman paiiyakin si Kylie, paliligayahin ko yan.hahaha" asar pa nito. Kaya nabatukan ko na ito. "Araaay naman ate!!! Parang nagjojoke lang eh, alam ko naman na may bakud na yan." dahil sa sinabi nito napakunot ang nuo ko. "What do you mean by that?" taka kong tanong dito. "I was saying na may bakud mo na sya." sabi nito sabay kindat. "Eh paano mo naman nasabi yun ungas ka." pagkasabi ko nun, eh tinuro nya yung kamay kong nakawak sa kamay ni Kylie. Kaya binitawan ko yun, di ko alam na magkaholding hands pala kami. Kaya nga ang mga ugok kong pinsan ayun pinagtatawanan ako ng bongga. "Kylie sa ibang table nalang tayo, may mga saltik ata tong mga nasa table na to." dagdag ko pa. "Sus cuz, mga diskarte mo bulok, sabihin mo nalang na gusto mong masolo itong si Kylie. Nahiya ka pa." sabi naman ni Jane. "Guys alam kong mamaya pa tayo iinum, pero wag ako ang pulutan hah? bwisit kayo, Kylie kain na tayo nakakagutom mga pinagsasabi ng mga damuho na yan." kaya nagtawanan nanaman sila. Yang mga salitang yan lang naman ang natutunan ko sa mga pinsan ni Kylie. Tahimik lang naman si Kylie na pangiti ngiti sa pang aasar ng mga pinsan ko. Kumain na kami habang nagkwekwentuhan at natural asaran, minsan lang naman umimik itong si Kylie, pag ako ang pinagang asar ng mga pinsan ko. Minsan sya pa mismo ang nagtatanggol sa akin. After namin kumain, nagpunta na muna kami sa kanya kanya naming room, kasi masyado pa daw mainit para gumala sa labas. Pagkadating namin sa room eh nag shower muna si Kylie habang ako tamang phone lang habang naantay syang matapos. Paglabas nya narobe lang sya, habang ang buhok ay nakapaikot sa tuwalya. Nakangiti ito sa akin na para akong inaakit. Mabilis kong ipinikit ang mata ko at baka naghahalosinate lang ako. " May problema ba Kate? " takang tanong nito ng hindi ko maalis nag tingin sa kanya. Mabilis ko naman iniiwas ang tingin ko at tinuon sa aking cellphone. " Ahm, w-wala naman, nagtataka lang ako bakit nakarobe ka lang, alam ko di kasi dinadala mo na ang damit mo sa banyo kapag maliligo ka." mahabang paliwanag ko habang nakatingin pa din sa phone ko. " Ah, yun na nga ang problema ko eh, nakalimutan ko yung damit ko. Gawa siguro ng pagmamadali kong makaligo kanina sa sobrang init." Paliwanag naman nito at dumeretso na sa kabinet kung saan andon ang mga damit nito. " Ahh okay." nasabi ko na lang. Di ko maiwasan di pawisan at makaramdam ng init sa nakikita ko, napalumod din ako ng laway sapagkat parang biglang nanuyo aking lalamunan, lalo na ng bigla itong umupo para may kunin sa bag nito at lumabas ang mapuputi at bilugan nitong hita sa robe na suot. Oh My GiE it's so hot in the Philippines!!!!. Hindi ko na kaya pa, mabilis akong tumayo at dumeretso na sa banyo para magshower para maibsan ang init na nararamdaman ko, nagbabad ako don ng halos isang oras. Alas singko na ng hapon ng magchat ang pinsan ko na magkita sa iba namang restaurant para mag dinner medyo malayo nga lang ito sa una naming kinainan. After dinner tamang lakad lang kami and sabi nila mag iinum daw kami and may reserve ng cottage para don. Si Nicole lang sakalam dito, palibhasa eh boyfriend nya lang naman ang may ari ng resort, kaya lang wala dito si James kaya di nakasama out of town daw. Nang marating namin ang lugar na pag iinuman namin eh ang daming mga kubo na medyo malakayo ang mga distansya at medyo dim ang kulay ng ilaw nila, napakapresko ng hangin dito, at nasa likod lang pala ito ng mga room na tintuluyan namin. Bakit di ko ito napansin agad. . . . . . . . . . iloveyouguys staysafealways?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD