SA pagmamadali ni Fatima papasok sa unibersidad ay dali-dali siyang nag-park ng kanyang kotse sa parking lot. Nang makalabas ito ay tumama ang pintuan ng kotse niya sa isang lalaking kalalabas lang din ng kotse nito.
"Hala siya! Sorry po, Sir!" paghingi niya ng paumanhin. Binalingan siya ng tingin ng lalaki saka ito ngumiti ng pilit.
"It's okay, Miss. Next time, be extra careful, okay?" the guys said and smiled bago tuluyang umalis. It was Peter Ken, the new nutritionist/dietitian ng school nila at hindi pa iyon kilala ni Fatima.
"Hindi siya nagalit sa'kin?" tanong niya sa kahaningan.
Kalimitan kasi kapag konting pagkakamali ng dalaga, sobra-sobra ang natatanggap niyang pang-aalipusta. Kahit nga wala siyang ginagawang masama at nananahimik sa sulok ay kinakanti pa rin ng mga pahirap niyang mga kaklase. Kung hindi bulyaw ay mura ang natatanggap niya. Malulutong na mura. Masakit at tagos iyon sa puso niya.
"Here comes FATima, the loser?" ani Alexa. Ke aga-aga ay mukha ni Alexa ang bumungad kay Fatima. Sira na agad ang araw ng dalaga.
"Alexa, please," ani Fatima sa kanya.
"Nakita ko lang naman itong si FATima na nakikipag-usap doon sa mga kaibigan niyang mga squater. Little did she know na magre-reflect iyon sa image nating mga mayayaman?" mataray na sabi pa nito habang nakaharap sa buong kaklase niya. Pinagdiinan pa nito lalo ang salitang FAT.
"Yuck! You already stoop down to our level being so fat and oily tapos kakaibiganin mo pa ang mga taga squater? How low can you get, girl?" sarkastikong wika ni Elane hawak-hawak ang pocketbook niya. Isa siya sa mga kaibigan ni Alexa. Tulad niya ay masama rin ang ugali nito.
"Elane, mga kaibigan ko sila. Wala naman silang ginagawa—"
"Wala pa, FATima! For sure, maghahasik lang ang mga iyon ng asal squater na attitude dito. Like duh? Are you even thinking? O, baka pati brains mo puro na rin taba?" Elane smirked. Nagsitawanan na rin ang mga kaklase niya.
Hindi na sila pinansin ni Fatima bagkos, naupo na lang ito sa seat niya at napayuko sa kanyang desk.
"Bastos ka talaga kausap, FAT ano?" ani Alexa saka binuhusan ng malamig na malamig na fresh milk si Fatima na siyang sobrang ikinagulat nito. Napasinghap siya sa gulat at sa lamig niyon.
"Oh my. . ." ani Alexa saka kunware ay napatakip ng kanyang bibig.
"Ops! Sorry, FAT." Bumungisngis ito saka umalis.
Sa kahihiyan ay dali-daling tumakbo si Fatima patungong locker niya upang kumuha ng damit at dumiretso CR. Pinagtitinginan siya ng ibang mga college students pero hindi niya na lamang pinansin dahil ano mang oras ay talagang nagbabadya nang bumuhos ang mga luha niya. Bago pa man siya makapasok ay nakasalubong nito ang kaklaseng si Brandon. Ang chickboy sa kanilang klase. Marahil late na naman ito.
"F-Fatima? A-anong nangyari sa'yo?" tanong nito.
"W-wala, Brandon. A-ayos lang ako."
Sobrang pagpigil ng luha ang kanyang ginawa hanggang sa makapasok siya sa CR. Naiiyak siya na maalala kung gaano siya napahiya kani-kanina lang gawa ni Alexa at ni Elane. Paano pa kaya kung pati si Alathea na galamay rin ni Alexa ay naroon din? Baka naglupasay na lamang siya sa sahig.
"B-bakit ba nila g-ginagawa sa'kin ito. N-napapasaya ba n-nila ang m-mga sarili nila tuwing b-binubully n-nila ako?" aniya sa sarili. Dali-dali niyang nilinis ang kanyang sarili. Walang katapusang buntong-hininga ang kanyang ginawa para gumaan ang kanina pa niya naninikip na dibdib.
Nang makalabas siya sa CR ay nagulat na lamang ito ng salubungin siya ni Brandon na nakapamulsa.
"B-Brandon," tanging nai-usal niya.
"Fatima, ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" tanong muli nito.
"Alam mo na iyon, Brandon. Wala namang bagong ginagawa sa'kin, hindi ba?" sagot niya.
Napabuntong-hininga si Brandon.
"They made fun of you. . . again."
Fatima bitterly smiled.
"Ayos lang 'yon," mapait na pagkakasabi ni Fatima at bumalik sa klase nila na parang walang nangyari.
"GOOD MORNING, class. Today, I have invited Mr. Peter Ken, our new nutritionist/dietitian para ma-meet ninyo," said their Instructor.
Na-excite bigla ang klase nila lalo na ang mga kababaihan.
"OMG! I heard, he's a young one!"
"Oo, guwapo raw itong si Sir Peter! Ugh!" malanding sabi naman ng isa.
"Mr. Peter, come in," wika ng kanilang instructor.
The very first moment na ihinakbang ni Peter Ken ang kanyang mga paa papasok sa pintuang iyon ay nagsitilian agad ang mga kababaihan na akaka mo'y artista ang pumasok. Mala-artista nga naman kasi talaga si Peter Ken. Dagdag pa sa kapogian niya ang kagandahan ng kanyang tindig at ang kanyang propesyon.
"Kyaaaah! S-sir!" ani Alexa.
"S-siya iyong lalaking tinamaan ko kanina?" nagtataka at kinakabahang wika ni Fatima sa sarili.
"Hello, everyone! I'm the new nutritionist/dietitian of the school. Feel free to consult anytime. Okay?" anito pa.
"Sir!" napataas ng kamay si Elane saka ngumisi kay Fatima.
Napayuko si Fatima dahil alam na nito ang sunod na gagawin ni Elane.
"That fat girl over there, Sir. You think, may pag-asa pa siyang pumayat?" she said saka humagalpak ng tawa. Maging ang buong klase ay pinagtawanan rin si Fatima.
Pakiramdam ni Fatima ay nanliit siyang bigla kahit napakalaki niya. Para siyang nauupos sa ginagawang pagpapahiya sa kanya.
Ngumiti si Peter Ken. Isang napakatamis na ngiti saka tiningnan si Fatima.
"Oh, hi there! What's your name? Ikaw iyong kanina sa parking lot hindi ba?" ani Peter Ken.
Napaangat ng ulo si Fatima. Hindi kaya, ipahiya rin siy nito?
"O-opo, Sir. I-I'm so—" Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sasabihin ay nagsalitang muli si Peter.
"I can see nothing wrong with her size, guys. Everyone is beautiful," nakangiting wika ni Peter. "So, nice to meet you everyone! See you around," he said as he wave goodbye saka lumabas na ng klase
Ang kanina'y tatawa-tawang Alexa at Elane, ngayon ay nakabusangot na halos tumirik ang mga mata nila sa kakatingin ng masama kay Fatima.
Hindi mapigilang mapangiti ni Fatima dahil kahit paano ay hindi siya ipinahiya. Bagay na expected na sa mga tulad ni Peter na Professional. Pakiramdam niya tuloy ipinagtanggol siya ni Peter kahit pa sabihing, pampalubag-loob lang iyon. Mayroon na naman siyang ibabalita sa kanyang tatlong kaibigan mamayang uwian.