Flashback Three Years Ago
"Hoy, taba. Naliligaw ka yata?" ani isang estrangherong lalaki kay Fatima. Ilang araw pa lamang kasi siya noon mula ng makagala kaya't hindi niya kabisado ang mga kalye lampas sa village nila. Taong-bahay kasi si Fatima. Kaya't kung sa kaputian lang naman ay mag-kojic ka muna. Maganda naman si Fatima kahit na halos lamunin na ng kanyang malalaking pisnge ang ganda niyang taglay.
"S-sorry po. N-naliligaw po kasi ako," wika niya. Takot na takot na siya ng oras mga na iyon dahil sa kumpol ng lalaki na nakapalibot sa kanya.
"H‘wag mo nang tangkaing tumakbo pa at magtago sa mga eskinita. Hindi ka magkakasya!" sagot naman ng isang lalaki saka nagtawanan silang apat.
"Pero kung may pera ka riyan, baka naman. . ."
"P-po? W-wala po akong pera," iiling-iling pa niyang sabi. "Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ni Fatima dahilan para tadyakan siya ng isang lalaki. Napahawak siya sa nanakit niyang tiyan.
"P-parang awa n'yo na po. N-naligaw lang po ako," pagmamakaawa niya.
"‘Yan! Bagay sa iyo 'yan. Napakakati ng dila mo, e. Kung nagbigay ka lang sana tapos na ang usapan!"
"Hoy! Mga hinayupak na itech! Lubayan n'yo nga iyang girlalu! On the way na si Kapitan boomboom para ilagay kayo sa aparador. Makapanakot ng stranger ang mga ito. Ikaw Carlo, nakita kitang hinahabol ng hanger ng nanay mo. Takip-takip mo pa ang puwet mo. Tapang-tapangan ang peg? Kunwari strong? Ikaw naman Kaloy, akala mo hindi ko alam na namamakla ka? Nakita kita, natanggap ka nga ng singkwenta pesos! Nakakahiya! Ang cheap mo naman. Magsilayas kayo rito! Nakakasira kayo ng image ng mga matitinong nakatira sa squater!"
Si Jaxy ang dumating. Nagsilayasan naman ang mga lalaki sa kahihiyan. Sisiga-siga lang sila sa mga baguhang napapadpad sa kanilang lugar pero ang totoo, wala naman silang binatbat sa mga totoong siga doon. Isa lang sila sa mga tambay na mga takot naman sa magulang. Feeling strong lang.
"Bakla, still breathing ka pa ba? Nako, pasensya na sa mga kumag na 'yon, ha? Sadyang mga walang manners ang mga 'yon, e. Akala mo naman ang guguwapo. Mukha lang namang mga butiki," ani Jaxy.
Napangiti si Fatima sa kanya. Kahit papaano ay may mabuting loob na tumulong sa kanya. Nagbago tuloy ang pananaw niya sa mga taga squater. Akala kasi niya noon ay bukod sa mahihirap ang mga nakatira rito, madami ring mga masasamang gawain ang mga ito. Hindi naman siguro lahat. Nagkaro'n siya ng pag-asa na there's mamamayani pa rin ang kindness.
"I'm Vianna. You are?" nakangiting tanong ni Fatima at sinubukang tumayo pero nahirapan ito. Sa bigat niya ba namang 200 pounds.
"Tulungan na kita, bakla," alok ni Jaxy sa kanya. Akmang itatayo na niya si Fatima pero sa kabigatan ng dalaga ay napadagan tuloy siya rito. Imbes na makatulong ay nakasakit pa yata ito.
"Waaahh! Nako, bakla. Sorry! Hindi pala kita kaya. I-I mean, h'wag ka sanang ma-offend, ha. Nakalimutan ko kasing patpatin lang ako, e," saad ni Jaxy sabay dali-daling tumayo mula sa pagkakadagan kay Fatima.
"Hehe, pasensya ka na, ha. Alam ko naman hindi ka nasaktan. Mistulang kutson ako, e." Napakamot si Fatima ng kanyang ulo saka dahan-dahang tumayong mag-isa.
"Ako nga pala si Jaxy, bakla. Sandali, tawagin ko lang ang friends ko. Wait mo ako rito, ha." Kumaripas ng takbo si Jaxy papasok sa makitid na eskinita. Sinilip pa iyon ni Fatima pero mukhang may sa flash yata ang baklang iyon.
Napangiti si Vianna. Mukhang makatatagpo siya ng kaibigan mula sa mga taga squater. Ilang saglit lang mula nang makaalis si Jaxy ay bumalik talaga ito at may kasama na dalawang dalaga. Iyon sina Alphy at Dorothy. Kaedaran lang niya.
"Uy, hi sa'yo! Ako nga pala si Alphy," nakangiting pagpapakilala ng isa sa kasama ni Jaxy.
"Ako naman si Dorothy. Sa susunod kung kailangan mo ng resbak, lapitan mo lang kami. ‘Yong mga kumag na iyon? Sus, mga walang binatbat ‘yon sa mga totoong siga rito," ani Dorothy. Unang kita pa lang talaga ni Vianna sa kanya, pakiramdam niya sisiga-siga itong klase ng babae.
"I-I'm Vianna. It's nice to meet you. If you won't mind, gusto n'yo bang sumama sa bahay namin?"
"T-talaga? Nako, bakla. Sigurado ka ba?" tanong ni Jaxy.
"Mukhang mayaman ka, sigurado ka bang ayos lang sa pamilya mo na magdala ng taga squater sa bahay n'yo?" ani Dorothy.
"A-akong bahala. Si Mommy lang naman ang kasama ko sa bahay, e. Saka isa pa, busy sa shooting ang ate ko," paliwanag ni Vianna.
"Wow! Ang yaman n'yo talaga siguro. Artista ba ang ate mo? Nabanggit mo ang shooting, e." Si Alphy ang nagsalita na halatang excited.
"Model ang ate ko. Malayong-malayo sa akin," sagot ni Vianna sabay tingin sa kanyang mataba at malaking katawan.
"Bakla, h'wag mong i-down ang sarili mo. Tao ka pa rin naman, mataba ka lang pero maganda ka!" ani Jaxy na pinatitibay ang loob ng dalaga.
"Totoo 'yon! Ang kinis mo nga, e. Samantalang kami? Kung tutuusin, mas maganda nga ang buhay mo kaysa sa amin. Kami, wala pang ginagawa hinuhusgahan na agad na magnanakaw," ani Dorothy sabay tawa sa kanyang sariling biro.
"Akala lang ninyo iyon. Walang kwenta ang napakaraming pera kung walang nagmamahal sa inyo sa kung ano kayo. Hindi naman nabibili ng pera ang pagmamahal, e," paliwanag ni Vianna.
Tumango-tango silang tatlo sa pagsang-ayon. Totoo iyon sa panahon ngayon. Puwede kang magkaroon ng kaibigan kapag marami kang pera, pero hindi lahat magiging totoo sa'yo. Maaring nariyan lang sila dahil mayroon ka pang maibibigay. Kapag wala na silang mapakikinabangan sa iyo ay hindi ka na rin nila kakaibiganin pa.
"So, are you guys coming with me?" muling tanong ni Fatima.
"Oo! Tara na mga bakla! Baka magbago pa ang isip, e," tatawa-tawang sagot ni Jaxy sabay hila sa mga kaibigan niya.
"Feeling ko tuloy magha-house tour tayo sa bahay ng isang sikat na model! I'm so excited!" ani Alphy. Bakas sa mukha nito na atat na atat na makapunta sa bahay nila Fatima. Sa Amor Villa kasi ito nakatira. Subdivision ng mga mayayamang pamilya.