CHAPTER SIX

1670 Words
Vienna Felissa-- Bratinela sister ni Vianna Fatima. Kahit halos parehas ang pangalan nila ay napakarami nilang pagkakaiba sa lahat ng bagay. Mapa-pisikal, ugali, at gusto sa buhay. Hindi tulad ng ibang relasyon ng magkakapatid na nagkakasundo at nagmamahalan, tila ba walang pagmamahal si Felissa sa kapatid niya. She hates her so much dahil si Fatima minsan ang dahilan kung bakit pati siya ay nada-drag pababa ng mga kasamahan niya sa modeling. “Madam Felissa, isn’t it ironic na napaka-sexy mo pero ‘yung kapatid mo e halos tatlohin ang katawan mo sa laki niya? Like, nasa dugo niyo naman ang pagiging maganda pero I never thought na pati ang pagiging mataba pala? Naku, mag-ingat ingat ka na, ma’am.” Pang-iinis ng make up artist na nakatoka ngayon kay Felissa. She is having a photo shoot today kaya todo pagpapaganda sila rito. She needs to look young and fresh dahil haharap na naman siya sa camera. Kailangan niyang galingan para supalpalin ang mga bashers niya. Mga taong gusto siyang hilahin pababa dahil lang nasa genes nila ang pagiging mataba. Pataray siyang napakibit balikat. Naiinis talaga siya kapag nababanggit ang kapatid niya. Iniisip niya na malas ito sa career niya. Mabuti na lang sikat na siya ngayon dahil kung hindi siya sikat at pasibol pa lang, e baka hindi na lang siya sumikat dahil sa de malas na agad si Fatima sa buhay niya. “Can you shut up, Chris? I will never get fat. Saka, I am on a strict diet. ‘wag mo nga akong itulad sa baboy na ‘yon. She will never be like me. Mamamatay na lang sigurong mataba ang babaeng ‘yon. I don’t even know what’s up to her kung bakit pinapabayaan niya ang sarili niya. Pati tuloy ako nadadamay.” “Dapat lang, madam kung ayaw mong mawalana ng career. Napaka-sexy niyo pa naman!” “Of course! Like duh? Kung wala siyang pangarap na gumanda ang katawan niya, bahala siya sa buhay niya. Basta ako? I am already a model at iingatan ko ang katawan ko just as I take care of my career.” Confident na sagot nito. Ewan niya ba at talagang tumataas ang dugo niya sa tuwing iniisip niya si Fatima. Kahit sumagi lang ito saglit sa isip niya ay ngngingitngit siya sa inis. Madalas kasi silang kinukumpara at hate na hate niyang makumpara sila dahil alam naman niya na walang wala si Fatima sa kanya. “Oo na nga po, madam! Advice lang naman po, e. syempre iba pa rin ang alindog ng isang Vienna Felissa.” Humagikhik ang bading na ‘yon habang naglalagay ng highlighter sa mukha ng dalaga. “All set, Vienna?” Tanong nung photographer. “Yes, I’m ready.” Kumindat pa ito. Actually, bet ni Vienna ang photographer nila ngayon. Napakaguwapo kasi nito. Umiigting ang panga at ang ganda ng makakapal nitong kilay. May lahi kasi ito. He’s half irish how can she resist such face? What is his name again? Aniya pa sa isipan. “Hey, Mr. Photographer, what’s your name again?” she asked confidently. Napailing iling ang binata. “That’s a little bit rude of you, Miss Vienna Felissa. Well, I’m Peter. Peter Ken.” Yes, you are reading it right. It’s Peter Ken and doing photography is his other profession. Kilala na siya bilang professional sa field na ‘to and everytime he’s off to work, that means may photography session siya with his clients. And now, he is going to work si Vienna. “Well, pardon.” She answered gracefully. Sa totoo lang ay parang anghel lang kung titingnan si Vienna. Pero looks could be deceiving nga naman. “Is is true that I over heard, you have a sister?” Napakunot noo si Vienna. Why is he asking about my sister? Is he that interested? Aniya sa isipan. “Uh? Yeah? But why do you ask?” nagtataka niyang tanong. “Well, I guess she can enter modeling like you too?” Napahagalpak ng tawa si Vienna. Tawa na parang masisiraan na siya ng bait. Para siyang kakapusin ng hininga. She almost lost her poise by laughing so hard. “You must be crazy, Peter! Hahaha! You know, my sister is not a model material. Kapag nakita mo siya, you’ll know why.” Iiling iling pa nitong sagot. “I’ll never let you see her anyway. Nakakahiya.” Dugtong pa niya. Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Peter. Iniisip niya tuloy kung bakit ganito na lang si Vienna kung magsalita tungkol sa kapatid niya? Hindi ba dapat ay panigan niya ito? She should speak nice about her sister to other people. “Why are you laughing like that? Did I say something wrong about her?” he asked intently. Napatigil sa pagtawa niya si Vienna. “Oh, nothing, Peter. It’s just that, she’ll never be like me. We are a total opposite. Magkukwentuhan ba tayo o magsisimula na sa photo shoot?” Pag-iiba na lang nito ng topic. “Yeah, I guess you’re right.” Sagot na lang ni Peter. Medyo na-turn off siya sa inasal ni Vienna. Well, matunog naman kasi si Vienna sa larangan ng modeling. Actually, she is a well known model of some luxurious brands, cosmetics, and a lot more kaya nung nalaman niya na siya ang magiging official photographer ni Vienna ngayon ay medyo na-excite siya na makatrabaho ito sa field. But then. . .agad rin na nagbago ang impression niya rito. She isn’t that nice pala in person. The shoot goes on at magaganda naman ang mga kuha ni Peter kay Vienna. Well as expected ay professional ito kaya naman wala silang naging problema sa shoot. Magaling talaga si Vienna. Siguro dahil na rin sa napakarami nitong experience sa pagmo-model at kaliwat kanan ang pagkuha sa kanya ng mga endorsers. Kumbaga, nasa tuktok na siya ng tagumpay at tinatamasa na niya ito. “Here, take a look at your pictures and tell me what you think about---” ”I think I like you, Peter.” Diretsong sagot ni Vienna at pinutol pa talaga ang sasabihin ng binata. Nagitla si Peter at agad na inilayo ang sarili niya sa dalaga. Nakaramdam siya ng akwardness sa sitwasyon. “W-What are you saying?” nautal na tanong nito. “Haha! Got yah! Just kidding, handsome,” mapang-akit nitong sagot saka kumindat muli kay Peter. Nanindig naman ang balahibo ng binata. This girl is really weird. Pwede naman niyang sabihin na lang agad sa kin that she really likes me. Dami pang pasakalye. She’s not even my type. Tsk. Wika ni Peter sa kanyang isipan. Yeah, Vienna might be like a goddess of beauty but Peter doesn’t care. Hindi naman siya mahilig sa mga magaganda na walang manners. Tumayo na ang binata. He looked pissed pero hindi niya masyadong pinahalata. “I guess we ‘re done here so let’s all pack up.” Maotoridad na utos niya. Nagsi-alerto naman ang lahat sa pagliligpit. Medyo nairita si Vienna dahil ini-snob lang ang galawan niya. Ngayon lang siya nag-first move ng ganito. Like duh? Ang daming celebrities ang nanliligaw sa kanya pero napatiklop siya ng isang photographer s***h, nutritionist s***h dietician! What the hell is special with you Peter Ken? Aniya sa isipan. Kung pwede lang siyang matantrums dito ay ginawa na niya. “Thank you everyone for your efforts tonight!” wika naman ng edorsement team bago sila tuluyang magsihiwalay ng mga route sa pag-uwi. “Uy, Sir Peter. Pwede ba isabay mo na tong si Miss Vienna?” malanding wika pa ni Chris. Sumesegway pa talaga ito. Akala niya naman ay sasakyan ni Peter ang sabwatan nilang dalawa. Napaangat ng kilay ang binata. “Bakit? Doesn’t she have her own car?” simpleng sagot lang ni Peter. Chris gritted her teeth at sabay na napatitig sila ni Vienna sa isa’t isa. Napahiya ng kaunti doon si Vienna that’s why she is feeling so uneasy. “Hmm. Of course I have my own car, ano ka ba, Chris. Pinapahiya mo ‘ko, e. Baka isipin ni Mr. Photographer, am head over heels on him.” Mapaklang sagot ni Vienna Felissa at tiim bagang na nag-walk out. This handsome man is getting into her nerves. Kung hindi lang talaga ito guwapo? Baka kanina niya pa ito natarayan e. But not. Peter Ken is different. At ganitong mga lalaki ang gusto niya. Pagkasakay nila sa kotse ay agad niyang binatukan si Chris. “Ikaw bakla ka, bakit mo ko nilaglag? Stop interferring on my business, okay? Imbes na makuha ko si Peter, e baka mas lalo niya lang akong I-snob sa ginagawa mo makakalbo talaga kita, bakla ka!” Sumbat ni Vienna kay Chris. Nangasim naman ito. “Sorry na nga, madam. E malay ko ba kung attracted din yon si Pogi sa ‘yo. Pero mukhang iba siya madam ah? Hindi siya agad natatablan sa pakindat kindat at alindog mo?” Napataas ang kilay ni Vienna. “Like duh?? I am sure she is interested in me! Can you shut the f*ck up? Hindi lang siya showy but I can feel that he also likes me!” Buong kumpyansang sagot pa nito at hindi matanggap na medyo natapakan at nainsulto siya sa mga sinabi ng baklang si Chris. “E kasi naman, kung makapagtanong siya tungkol sa kapatid mo, parang mas interisado pa siya doon e. wait, what if kay Vianna nga siya interisado at hindi sa ‘yo, Madam?!” nawiwindang at natatawa pang pang-aasar ni Chris. Napangiwi si Vienna. “Eww! That’s so gross, Chris! Parang sinabi mo na rin lang na gusto ni Peter ng masebo at oily! Yuck!” diring diri nitong sagot. “Uy, sobra naman kayo madam! Sisteret niyo pa rin ‘yon uy. H’wag kayong ganyan!” Nagkibit-balikat na lang si Vienna. Wala siyang pakialam. Isa pa, sanay naman na sa masasakit niyang mga salita si Vianna. Saka, kahit anong sabihin nito, hindi naman siya pinapatulan ni Fatima. “Takot niya lang sa ‘kin.” Vienna smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD