The loud music from the sound system almost make Fatima go crazy. All her life ay ngayon lang siya nakapasok sa loob ng isang bar kung saan napilitan lang naman siya dahil sa ate niya. Yes, her sister is here and drunk kaya kailangan na niya itong sunduin kahit na labag sa loob ng ate niya na siya ang magsusundo sa kanya. She is a public figure kaya worried si Fatima sa kung anong mangyari sa ate niya. Minsan kasi ay hindi na nito iniisip kung anong magiging resulta ng ginagawa nito. For as long as she’s happy. Pero masama ang kutob niya sa gabing to dahil nagba-bar rin naman lagi ang ate niya pero hindi ito nagpapakalasing
kung walang mabigat na dahilan.
Inikot na niya ang buo niyang paningin sa loob at nakipagsiksikan pa siya. Ano ba naman to ang hirap hirap naman. Reklamo niya sa kanyang isipan. Sa laki ba naman kasi niya ay talaga namang mahihirapan siyang makipagsabayan sa mga nagdaraan at sumasayaw sa dance floor. Ilang saglit pa ay aksidente siyang natabig ng isang babae.
“Aww! Ano ba, taba? Mag-iingat ka nga! You just hit me with your fatty elbows!” paanas nitong singhal kaya agad na nanliit si Fatima.
“I’m sorry, Miss.” Hiyang hiya niyang sagot.
Kahit na may kalakasan ang patugtog ay hindi naman siya bingi para hindi iyon marinig. This girl is just so lucky that she has a good and nice curves. Pero kung wala ang kurbang yon ay wala rin namang ibinatbat ang mukha niya. Kung may confidence lang talaga siya na makipag-away ay baka kanina niya pa nadambahan itong babae. Kaso, kung gaano siya kalaki ay ganon naman kabahag ang buntot niya.
“Anong sorry pinagsasabi mo? Pay for my dress!”
Napakunot ang noo ni Fatima sa sinabi nito. Pay for her dress? E wala namang damage ang dress niya ah? Ano isang siko lang butas na agad ang damit niya? Ang tapang naman ng babaeng to? Ani Fatima sa kanyang isip. Nakakapagtaka at hindi niya alam kung saan hinuhugot ng babaeng to ay self confidence niyang maningil.
“Excuse me miss? Babayaran ko ang nagusot mong dress? Hindi naman yata yon tama,” napailing iling na sagot ni Fatima saka siya nagsimulang humakbang paalis.
Pero hindi siya tinigilan nung babae. “Sinabi nang bayaran mo e!” singhal pa nito sabay higit ng braso ni Fatima at pinilipit iyon.
“A-Aray!” nasasaktang daing ng dalaga nang maramdaman ang pag-iinit at paghapdi ng braso niya na pihit pihit nung babaeng hindi niya naman kilala.
“Ano? Magbabayad ka o babaliin ko tong braso mo?” Pagbabanta pa nung babae at siya pa ngayon ang may ganang magmatapang.
This girl is unbelievable! Bulalas na lang ni Fatima sa kanyang isip. Nagpumiglas siya hanggang sa may humawak sa kamay nung babae.
“Ouch! What are you doing?! can you mind your own business?!” singhal pa ng maarteng babae habang nagrereklamo doon sa lalaking bigla na lang kumalas sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ni Fatima.
Napaangat ng tingin niya si Fatima at may bahid ng pagtataka niyang nakilala ang lalaki. Nakilala niya agad ito kahit na nakasuot pa ito ng itim na leather jacket at itim na cap.
“Miss may problema ka ba sa kasama ko?” nakakatakot na tanong ni Brandon doon sa babaeng nagtatapang tapangan kanina lang.
Ngayon ay halos manlambot na lang ang tuhod nito. Hindi malaman ni Fatima kung dahil napopogian lang siya kay Brandon o dahil bigla itong natakot at nahabag ang buntot.
“S-Sino ka ba? B-Bakit ka ba nakikialam? T-This is a fight between women! W-Why are you minding our business?!” nauutal at namumutla nang sagot nung babae.
She is just acting tough pero halata naman sa mukha niya na natatakot na siya. She feels uneasy.
“Baka ikaw ang dapat kong tanungin niyan? This girl right here. . .I know her very well. . .pero ikaw? Hindi ka pamilyar sa ‘kin so don’t dare harass her because I can sue you for that. Do you understand?!” tiim-bagang na wika ni Brandon saka niya diniinan ang pagkakahawak sa kamay nung babae.
Agad na hinablot ng babae ang kamay niya. Sa takot at sakit na rin siguro. “Get lost! F*ck you!” sabay dirty finger pa nito habang padabog na nagmamartsa palayo sa kanilang dalawa ni Fatima.
Napayuko na lamang ang dalaga sabay buga ng malalim na buntong hininga. “Brandon, sorry. Wala naman talagang serious na nangyari. I just accidentally hit her with my elbows and she wants me to pay for her dress na niyukot ko raw. It’s not justifiable kaya pinipilit niya ako na bayaran iyon but I really won’t. Hindi naman ako ganoon katanga talaga.” Fatima defended herself.
“You don’t need to say sorry or even explain your side, Fatima. Sadyang mali lang talaga siya to harass you. No one has ever have the right to harass anyone na walang ginagawang masama. Maiba nga ako, bakit ka nga pala nandito? It’s just strange for me to think that you are here.” May bahid ng pagtataka na wika ni Brandon.
Kahit sino naman siguro, kapag nakita si Fatima ay magtataka kung bakit siya nandito. Wala e. Sadyang no choice siya. Hindi niya na agad nagustohan ang pagpunta niya rito. First impression lasts ika nga. At hindi agad maganda ang unang experience niya.
“Ano kasi. . .the thing is . . . I am looking for my sister. She went here and sabi ng kasama niya lasing na siya kaya sinusundo ko na siya. Kaso hindi ko siya mahagilap e.”
Tumango tango si Brandon. “Oh, I see. Maybe I can help. Ano bang itsura ng ate mo? Can I see her picture?”
Napaatras si Fatima. Oh no. Magpapatulong pa siya kay Brandon? Kapag nangyari yon, malalaman nila na ang ate niya ay isang model. Ayaw na ayaw pa naman ng ate niya na makaalam ang mga kaklase o school mate nito dahil nili-link ito sa kanya at walang humpay silang kinukumpara.
Alanganin pa siya. It took her a few seconds to decide whether or not to tell Brandon everything. Pero dahil lagi naman siya nitong tinutulungan sa school. . .nagpasya siyang sabihin sa binata kung sino talaga ang ate niya. Isa pa, mukhang mapagkakatiwalaan naman niya si Brandon dahil bukod sa binata ay wala nang nagmamagandang loob na iba sa kanya sa skwelahan. Lalo na ang mga lalaki. Pinagtatawanan lang siya ng mga ito doon.
“You know Vienna? ‘Yung model at palaging bida sa mga endorsement at advertisement sa TV?”
“Oo naman. Sinong hindi makakakilala sa kanya e sikat na sikat ‘yon. She’s everywhere mapa billboard man. Anong kinalaman ng ate mo sa kanya? Magkamukha ba sila?”
Mariing umiling iling si Fatima. “No. She is my sister. Magkapatid kami ni Ate Vienna. At hinahanap ko siya ngayon dahil nga sa public image siya, baka kung anong magawa niya rito mag-isa. She’s even drunk! My goodness!” nasi-stress na sagot ni Fatima.
Natahimik naman tuloy si Brandon at hindi agad nakapagsalita. He was out of words. Naubos na yata ang mga salita sa isipan niya dahil sa mga sinabi ni Fatima. Sino ba naman ang maniniwala na ang tataba taba na si Fatima ay kapatid ng sexy na model na si Vienna?
“W-Wait, what?” napakurap kurap pa si Brandon.
“Bakit? Is there something wrong with what I said, Brandon?”
“Teka nga. . . sigurado ka ba? Kapatid mo si Vienna?” tanong pa muli ng binata na halata namang hndi pa rin talaga kumbinsido.
“Oo nga. Ilang beses ko pa ba dapat ulitin? Do you want me to show you our birth certificates telling we came from the same mother? Brandon, hello?”
“Oh geez! I can’t believe!”
”Alam ko naman. Sino ba naman ang maniniwala? Just look at me. I look like a fat chicken stuffed with spices and herbs. Ready na para i-oven. Tsk.”
“Stop saying that. Hindi lang ako makapaniwala na all along, may kasama pala akong may kapatid na public figure! Don’t be too harsh on yourself, Fatima. You’re pretty in your own way.” Kumindat pa ito.
Namula ang dalaga at simple niya lang iyong nilihim. Brandon is really special to her. “E-Ewan ko nga sa ‘yo! Tulungan mo na lang ako ha?” Sarkastiko pang wika ng dalaga.
Nagsimula na silang maghanap at naghiwalay na nga lang sila to make sure na mas mabilis nilang makikita si Vienna. Napakaingay, napakaraming tao at pakiramdam ni Fatima ay mahihilo na lang siya kakaikot. Until she found a familiar built. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Vienna yon! She found her finally and she’s dancing with random people!
Napasapok na lang si Fatima sa noo niya saka siya natataranta na nagtatakbo papunta sa ate niya.
“Ate! Kanina pa kita hinahanap. You’re just here. Hay! Tara na. Let’s go home, okay? Mom is worried a you!” Bungad ni Fatima sa ate niya sabay hawak niya ng braso nito para alalayan ang dalaga pero biglang nagbago ang timpla ng mukha nito.
Ang kaninang humahagikhik pa at patawa tawang si Vienna ay nakatingin ng masama ngayon sa kapatid niyang si Fatima na nagmamagandang loob lang naman sana.
“A-Ano ba?!*hik* A-Anong ate ate? *hik* Get off me! Hindi ako sasama sa ‘yo!” singhal nito.
Halos pulang pula na ang mukha nito kaiinom pero wala pa rin siyang pakialam. Ni hindi na nga maayos ang pagsasalita niya pero sige pa rin siya sa pagsayaw sayaw kahit na natatapon na ang alak sa kamay niya.
“Ate, please listen to me. Nag-aalala na si Mom. It’s too late!”
“Bitawan mo nga ako! You dirty pig!”
Nagsihawi tuloy ang mga nagsasayaw sa dance floor dahil sa senaryo. Nagtataka ang mga tao kung anong nangyayari dahil bigla na lang nagsisigaw si Vienna.
“Ate pinagtitinginan na nila tayo--”
“Wait . . . ate? Are you siblings Vienna?” sarkastiko pang tanong ng isang babae habang natatawa ito.
And then again. . . pakiramdam ni Fatima ay nainsulto siya.
“Really? Oh! So the rumors are true! You really have a fat sister! Oh my gosh!” tila gulat na gulat pang sabat rin ng isang babaeng kasama ni Vienna.
Nanghina bigla ang tuhod ni Fatima. Sanay na siyang mapahiya but this is a different crowd. And these people know Vienna as a model. Ayaw niyang maapektuhan ang career ng ate niya because of her.
“Bwiset. Bakit ka pa kasi nagpunta rito?!” impit na wika ni Vienna sa may bandang tenga ni Fatima bago ito bumaling muli sa mga kasama niya.
“You know guys, yeah I admit, she’s my sister. But don’t worry, she will never be like me nor I will be like her. I don’t even claim her as my sister. Tara, let’s just continue the party.”
Ikinagulat ni Fatima ang mga sinabi ng ate niya. She has gotten worse! She have never seen it coming!
“Oh, poor little piggy?” asar pa ng isang babae.
“Bawiin mo ang sinabi mo!” sigaw ni Fatima habang kuyom kuyom ang mga kamay niya. Nag-iinit na ang pisngi niya sa galit.
“What the-- you are even talking back? Aba, Vienna. Your sister is kinda tough. I like it!”
“Ang sabi ko, bawiin mo ang sinabi mo!”
The girl smirked. “What if I don’t?”
Pumagitna si Vienna. “Can you shut up, Fatty? Just get your butt out of here! Tingnan mo nga iyang katawan mo, nagmamantika na! Saka, sumisikip na rito. I want you out of here! Out!”
Madalas naman siyang itaboy ng lahat. Madalas naman siyang asarin a tuksuhin. Madalas namang makatanggap ng masasakit na salita pero mas masakit pala kapag sa mismong kadugo mo nanggaling ang mga pangungutya.
“Miss Fatima, tara.”
Napalingon si Fatima sa likuran niya at agad na napaatras ang mga luhang papatak na sana sa mga mata niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Peter. Ang new nutritionist nila.
“S-Sir? B-Bakit--”
Magsasalita pa sana siya pero wala na siyang nagawa nang higitin na siya ni Peter.
“Just come with me.” Maotoridad na utos nito.
Hindi na niya nagawang umangal pa hanggang sa mapadpad sila ni Peter sa labas ng bar na ‘yon.
“Sir, bakit niyo ho ginawa ‘yon?” nagtataka niyang tanong.
“At kung hindi ko ginawa, are you just going to stare there and let them throw harsh languages at you? Ganon ba?”
Natameme na lang nang tuluyan si Fatima. Bakit ba ito nandito? Bakit ba siya concern sa ‘kin? Concern nga ba siya o naaawa lang?