Sa loob ng isang convenient store ay pumasok muna sina Fatima at Peter Ken para makapagalamig. Ibinili siya ng binata ng drinks and some snacks. Pakiramdam niya tuloy ay lalo siyang pinatataba nito. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit sumama pa siya rito. Imbes na kanina pa sana siya nakauwi. “Miss Vianna Fatima.” Napatigil si Fatima sa pagkain. “Hmm?” “May hint na ako agad na si Vienna ang tinutukoy mo last time nang sabihin mong may ate kang model. But I didn’t know na hindi maganda ang pakikitungo niya sa ‘yo. I mean. . .she is so mean to you. Pero bakit mo hinahayaan na lang yon?” Alam niya na magtatanong talaga si Peter. Pero hindi niya malaman kung anong isasagot niya rito. Like, obvious naman kung bakit hindi sila magkasundo di ba? “Well, let’s just say in other words. .

