SENDING . . .

1169 Words
Matalim ako na tinitigan ni Maru pagkatapos ay tumayo. Hinila n'ya ang kamay ni Philip at sabay silang lumakad papalayo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina dahil nasaktan ako sa sinabi ni Philip. Alam ko naman na pangit ako. Parati ko 'yong naririnig sa ibang tao. Pero iba pala kapag sa kaibigan mo na nanggaling na hindi ka kagandahan kaya hindi ka magugustuhan ng taong gusto mo. Bull's eye 'yon, eh. Masakit! Gusto kong umiyak ngayon mismo sa kinatatayuan ko pero pinigilan ko dahil ayokong mag-iskandalo. "Love, libre mo naman ako." Napatingin ako kay Paul nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. "Pwede rin ba, Love, na gawin mo 'tong assignment ko sa Physics, medyo busy kasi ako kaya hindi ko na nagagawa ang mga 'yan." Naka-pout ang lips n'ya habang hawak ang mga kamay ko. Paul, bakit sobrang gwapo mo? Kamukha mo talaga si Daniel Padilla. "Ahh, oo, oo." Dumukot ako ng 200 sa wallet at ibinigay sa kanya. "Mag-snack ka na muna, ha? Gagawin ko lang 'tong assignment mo habang kumakain ka sa harap ko. Sweet 'yon, 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya nang malaki. "Naku, Love. Kailangan kasi ako ngayon sa gym kaya hindi kita masasamahan. Doon na lang din ako kakain, eh. Kumain ka na ba?" Kinilig ako sa tanong n'ya. Nag-aalala talaga s'ya sa akin! May gusto talaga s'ya sa akin. Thank you Papa God. You're super duper mega amazing! "Ahh, hindi pa. Ayan nga 'yong snacks ko, eh." Tinuro ko ang dalawang burger at naka-styro na palabok. "Tamang-tama. Akin na lang 'to, Love, ha? Got to go. See you later, peanut butter." At umalis s'ya dala ang kakainin ko sana pero okay lang sa akin 'yon dahil alam ko naman na concern s'ya sa akin because he asked me if kumain na ako. Nakangiti ako habang ginagawa ang assignment n'ya. Masaya ako dahil natutulungan ko si Paul na ma-lessen ang mga ginagawa n'ya. Hay, Paul. I'm truly madly crazy in love with you. Shit! Nagugutom na ako, saad ko nang tumunog ang tiyan ko. Ilang linggo na ba akong hindi nakakakain nang maayos? Mag-iisang b'wan na pala. Breakfast lang ang matino ko na kain araw-araw. Nahihiya rin naman kasi akong parating magpalibre kay Maru at Philip kaya nagtitiis ako sa biscuit at ice water. Pero ayos lang, basta alam ko na masaya si Paul. Pasipol-sipol pa ako na naglalakad papunta sa gym upang ihatid kay Paul ang assignment n'ya nang hindi sinasadya na makita ko ang damuho kasama ang number one flirt ng campus na si Althea papunta sa mapunong bahagi ng campus. Dahan-dahan ko silang sinundan habang palipat-lipat sa mga puno. Sinisigurado ko na hindi nila malalaman na may sumusunod sa kanila. Pero duda ako na mapapansin nila akk dahil akala mo ay mga manok na nagtutukaan! Ang mga peste! Hindi na nahiya! Huminto ako ilang hakbang mula sa pinagkukublian nilang kadawagan. Sapat ang layo ko upang hindi nila malaman na may nakamasid sa kanila at sapat din ang lapit para marinig ko ang kaharutan nila! "Love, okay lang bang dito tayo? It's so makati here. May tumutusok na d**o sa back ko." "Shh, don't be noisy, Love. No need to worry dahil hindi mo na mararamdaman ang mga tumutusok sa iyo kapag ako na ang tumusok mamaya sa iyo.” "Love, you're so naughty." Narinig ko pa na humahagikhik ang higad! Love? Ang mga peneste! Ang kakati! Ang lalandi! Aalis na lang sana ako pero narinig ko na nagsalita si babae. "Love, bakit ka nga pala sama nang sama kay Shrek?" "Sinong Shrek?" "Edi, sino pa? Si Kakay! As if naman, may iba pang creature dito." "Uto-uto, eh. Mantakin mo ba naman na naniniwala sa mga pambobola ko. May silbi rin pala s'ya sa mundo. Ginagawa n'ya na nga ang mga school activities ko, nadadagdagan pa ang baon ko." Binuntutan n'ya pa talaga ng tawa. "Let's not talk about her. Let me proceed to my next subject." Nanginginig ang katawan ko dahil sa galit pero mas lamang ang awa ko sa sarili ko pero hindi ko magawang umiyak! Kasalanan ko! Bakit nga ba umasa pa ako na may magkakagusto sa isang tulad ko? Kung tutuusin, outcast talaga ako sa school na 'to. Nakapasok lang naman ako rito dahil mga stockholders ang mga magulang ng mga kaibigan ko sa school na 'to. At kamuntikan ko pa na sayangin dahil sa walang kwentang lalaking 'to! I smiled evily! It's time for my revenge! Inilabas ko ang cp ko at ang laruang goma na ahas sa bag ko at inihagis sa dalawang taong sumira ng mundo ko! "Snake!" malakas na sigaw ng higad kaya natawa ako. "What the f**k?!" At saktong pagtayo nila ay ang pagtunog ng shutter ng cp ko. "Smile better, peanut butter!" sarkastiko kong utos sa kanilang dalawa. "What the f**k, freak?!" Ngumisi lang ako sa babaeng higad at ipinakita sa kanila ang pagpindot ko ng cp. "Sending!" Matalim ko na tiningnan si Paul. Magaling ako dahil hindi ako umiyak sa harapan nila. Hindi ako nagmukhang talunan sa ginawa nilang pangmamaliit sa akin. "Pangit ako, 'di ba?" Ngumisi lang si Paul sa tanong ko habang si babae ay nagmamadaling magbihis. Itinuro ko ang sarili ko. "Itong pangit na 'to ang dahilan kung bakit ka makakapasa ngayong 1st grading!" Inilabas ko ang envelop na pinaglalagyan ng thesis n'ya at pinunit sa harapan n'ya nang akma n'ya itong aabutin. Nanghihinayang akong pumalatak. "Paano ba 'yan? Makapasa ka pa kaya n'yan? Ikaw naman kasi, eh, hindi mo muna kinuha ang mga 'yan sa akin bago ka gumawa ng kalokohan. Good luck na lang sa iyo!" "Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo!" Dinuro ako ni lalaki kaya bahagya akong napaatras. "Sa tingin mo, maganda ang ugali mo? Maghunos-dili ka nga! Ano bang akala mo sa sarili mo? Anak ka ng hari at reyna ng Englatera para manduan ako nang manduan?! For your information, hindi ka pwedeng maging ruler dahil 3 inches ka lang!" "What the f**k?!" Tinakpan n'ya ang bulate n'ya. "What the f**k ka rin! Kung ayaw n'yong kumalat 'tong pictures n'yo, bigyan n'yo ako ng 10 thousand each!” "I'll sue you! Blackmailing ang ginagawa mo!" Halos maglabasan ang ugat sa leeg ni babae. "Okay. Make it 20 thousand—each! May hanggang bukas lang kayo!" "Ipapakulong kita!" "Then do it! 16 pa lang ako, boba! Mapupunta lang ako sa DSWD! At duda ako kung kaya n'yong sabihin sa mga pulis ang ginawa ko. Kasiraan 'yan sa pangalan ng pamilya n'yo lalo pa at malapit na ang eleksyon!" Parehong nasa politics ang mga magulang ng dalawang 'to kaya hindi ako natatakot sa ginawa ko. At wala na akong panahon na umatras pa dahil nasimulan ko na 'to. Bayad na rin ni lalaki sa mga ginawa n'ya sa akin! "Bukas, dapat nasa ilalim na ng upuan ko ang pera para wala tayong magiging aberya!" Nakangisi ako na tinalikuran silang dalawa. Hanep, Kay! Parang action star lang ang datingan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD