Iniwanan ko na ang dalawang 'yon sa love nest nila. Wala na akong pakialam kung ipagpatuloy pa rin nila ang gusto nilang gawin!
Tumingala ako upang 'wag tuluyang kumawala ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
Ganyan talaga ang buhay, Kay. Wala kang magagawa dahil pangit ka. Accept it or not, walang magmamahal sa iyo dahil pangit ka! PANGIT KA! Kaya 'wag kang ilusyunada, okay?
Minsan naiisip ko, life is so unfair. Para kasing sinadya na ilagay ako rito sa mundo para pagtawanan ng ibang tao. Mantakin mo ba naman, 'yong erpats at tatlong mga kapatid ko, ang gagwapo at mapuputi pa. Tisoy kumbaga. Samantalang ako, maitim na nga, mas lalo pang nangitim dahil sa pagbibilad ko sa arawan.
Tumingala ako sa langit nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan.
Ohh? Nakikidalamhati ka rin?
Mabuti pa ang ulap, marunong makisimpatya.
Napakabigat ng kalooban ko hindi dahil niloko ako ng lalaki na 'yon kundi dahil sa hindi namin pagkakaintindihan ng mga kaibigan ko. Kasalanan ko, alam ko. Kung nakinig lang ako sa sinabi nila, hindi na ako nasaktan at nagmukhang tanga, hindi ko na rin sana sila nasaktan pa.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad— hindi upang umuwi, kundi papunta na muna sa kung saan.
Nilibang ko na muna ang sarili ko sa paglilibot sa kung saan-saan hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.
"Ay? Alas sais y medya na?"
Ito ang oras na sisimulan ko na hindi na magmahal! Promise!
"Hi, Miss. Anong oras na?"
Bubulyawan ko na sana ang may-ari ng boses na 'yon dahil nagulat ako nang bigla ko namang makita ang mukha nito.
Shit! Pinakbet na malagkit! Si kuya ang gwapo!
Napanganga na lang ako at hindi nakaimik.
"Miss?" untag ni kuyang gwapo pero na-spellbound na yata ako. Wew! Pinagpapawisan tuloy ako nang malapot!
Hinawakan n'ya ang baba ko kaya napapikit ako. Ang bilis naman na dumamobz ni kuya!
Nang handa na sana akong salubungin ang matamis n'yang halik ay saka ko naman narinig ang mahina niyang pagtawa.
"Ahh, nakanganga ka. Baka pasukan ng langaw ang bunganga mo kaya isara natin." At ganoon nga ang ginawa n'ya. "Ayan, sarado na." Natatawa pa rin siya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Don't touch me!” Kunwari ay tinapik ko pa ang kamay n'ya pero tsansing lang iyon. "D'yan ka na nga." Tinalikuran ko na s'ya kahit pa gwapo s'ya. Sabagay, hindi na rin naman kami magkikita. Swerte na lang talaga ngayon ang makakita ng gwapong nilalang.
Kung kailan gusto ko nang umuwi saka naman punuan ang sasakyan. Naghintay pa ako ng 20 minutes bago magdesisyong maglakad na lang hanggang sa may bakanteng masasakyan.
Hindi naman likas sa akin ang matatakutin lalo na ang paranoid pero parang...
Hala! Don't take me, Lord!
May narinig akong kaluskos sa likuran ko kaya lumingon ako. Choz! Marami palang naglalakad. Kalsada 'to, ano ba? Ang bright ko talaga.
Pero hindi talaga mawaglit sa isipan ko 'yong gwapong lalaki kanina. Kinikilig kasi maging buhok ko.
Magkita pa kaya kami? Hay!
"Takte! Bakit wala pa ring masakyan? Punuan lahat?!" himutok ko dahil nandito na ako sa madilim na parte ng daan. 15 minutes pa yatang lakaran bago ako makarating sa amin. Ang dilim pa naman dahil walang street lights plus wala ring buwan. Luminga ako sa paligid pero wala na pala akong kasabay.
Kaya mo 'yan, Kay! Matapang ka, 'di ba?
Nag-inhale at exhale ako para mawala ang kaba ko.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko.
"Napakatahimik naman kaya nakakakilabot, ano ba 'yan!" Palinga-linga pa ako na parang timang.
Maya-maya ay may kumaluskos na naman sa likuran ko, lumingon ako nang dahan-dahan…
Nang dahan-dahan...
At…
Walang tao!
"Iniingatan ako ni Jesus!" kanta ko pa para mabawasan ang takot ko. Ayaw talagang mabawasan ng kaba ko. Ramdam ko ang pawis sa kilikili ko dahil sa kaba. Binilisan ko pa ang paglalakad nang maramdaman ko na may naglalakad ulit sa likuran ko.
Tatakbo na sana ako nang bigla naman na haklitin ang braso ko kaya napatili ako nang very hard!
Nagpumiglas ako! "r**e!!! Ni-re-r**e ako!!! Tulong!!!"
"Hey! It's just me!"
Shit! Pakbet na malagkit! English speaking ang r****t ko! nakapikit pang sabi ko sa isipan ko.
"Hey, wala akong balak na masama sa iyo."
Teka nga…
Parang pamilyar sa akin ang boses nitong lalaki...
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at tinutukan ng flashlight ng cp ko ang mukha nitong mamang nanggugulat.
"Ikaw?" bulalas ko.
"Yup. Sorry kung natakot kita. Sinundan lang kita dahil naglalakad kang mag-isa," nakangiting sabi ni kuyang gwapo. S'ya iyong nagtanong ng oras sa akin kanina.
"So, it means hindi mo ako gagahasain?"
"Hindi. I'm following you just to make sure you're going home safe, okay?"
"Psh! Bakit hindi mo ako gagahasain?! Choz!" Nag-peace sign pa ako sa kanya sabay hagikhik.
"Ha?" takang tanong n'ya naman. Akala niya yata ay nababaliw na ako. Pero kahit mukha s'yang walang muwang sa sinabi ko ay ang gwapo n'ya pa rin.
Inismiran ko s'ya. "Ah, wala. Umuwi ka na. Malapit na rin naman ang bahay namin kaya hindi mo na ako kailangan pang sundan." Sakto naman na may tricycle na dadaan pasalungat sa pupuntahan ko kaya pinara ko na. "Sakay ka na. Salamat," saad ko bago s'ya tinalikuran. Narinig ko pa ang "Hey!" n'ya pero hindi ko na s'ya nilingon pa. "Sinundan n'ya ako para maging safe ako?" Tumaas ang isang gilid ng labi ko. "Ang ganda ko talaga,” mahinang saad ko. "Ang ganda mo talaga, Kay!" sigaw ko pagkatapos ay parang torong nagtatatakbo pauwi sa amin.
Masaya na sana kaso naabutan ko namang nagbubunga si Manang Pasing!
"Ano ba yan, Roberto? Parati na lang kayong late magbayad ng renta! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa n'yo! Aba'y mas napapakinabangan ko pa ang mga alaga kong baboy kaysa sa renta n'yo!"
Magkaroon sana ng ASF ang mga baboy n'yo! Kaloka talaga 'tong babaeng 'to! Ang sama ng ugali.
Hindi naman masasabing huli kami parating nagbabayad. Nagkataon lang talagang madaling-araw na umuuwi si Kuya Reymond kaya kinabukasan na parating nakakabayad ng renta. Oras lang naman ang pagitan matapos ang due date, eh. Kung makatalak akala mo hindi kami nagbabayad ng ilang buwan!
"Aba, kung ganyan kayo nang ganyan mabuti pang humanap na lang kayo ng ibang matitirahan para naman makapangupahan ang gustong mangupahan d'yan sa bahay na 'yan!"
Kahit asar ako sa babaeng 'to ay binati ko pa rin s'ya. "Magandang gabi po, Aling Pasing," sabi ko nang nakangiti. All smile. Ang laki talaga ng ngiti ko.
"Ha! At ano'ng maganda sa gabi, eh, 'yan pa nga lang mukha mo ay ang pangit na!" bulyaw n'ya sa akin.
Pakyow ka! Akala mo naman maganda ka!
"Pasing!” sansala ni papa mula sa bintana. "Hindi mo naman dapat ginaganyan si Kakay," malumanay na saad ni papa. Nakita ko ang panandaliang pagkatememe ni Aling Pasing. Psh! Hanggang ngayon, bitter ka pa rin kay papa! "Wala namang alam ang bata para pagsalitaan at sigawan mo pa nang ganyan."
Na-touch ako sa sinabi ni papa. Parati kasi niya akong pinagtatanggol, eh.